Harry's POV
Nakaupo ako sa bench sa likod, at ng maisipan kong magpasundo na lang kay Kuya Dave dahil nahihirapan ako sa kanang kamay ko dahil sumasakit parin
.....
"Harry patingin nga ako ng kamay mo" sabi ni kuya Dave sakin pagsakay ko sa kotse
"Wala lang ito" sagot ko
Pinaandar niya yung kotse at nagdrive...."Ano ba kasing nangyari diyan Harry?"
Kinabit ko yung hood ko at binulsa yung dalawang kamay ko at di na ko sumagot
.....
" Uh, Harry ba't ka maagang nagpasundo?" tanong sa akin ni Yaya
Hindi ako nagsalita at dumeretso lang ako sa kwarto ko. Hinubad ko yung damit ko para magpalit, medyo nahirapan ako sa paghubad at pagsuot ng damit. Nagsusuot ako ng T-shirt ng may kumatok
"Harry" bumukas yung pinto at nakita ko si Yaya Lena "eto o Pinagdalhan kita, magmerienda ka muna" lumapit siya dala-dala yung merienda
"Nahihirapan ka magsuot ng damit, dahil masakit yang kamay mo no" sabi niya sa akin at lumapit siya hinawakan niya ying T-shirt ko para tulungan ako
"Di wag na kaya ko naman po" sabi ko sa kanya habang palayo ng konti
"Naku Harry, ngayon ka pa nahiya sa akin, eh noong bata ka pa nga eh ako nagpapaligo sayo" sabi niya sa akin habang sinusuot niya sa akin yung jacket ko "alam kong susuutin mo yan kaya tinulungan na kita" dugtong pa niya
Bigla akong nahiya sa sinabi ni Yaya, umupo na lang ako sa higaan
"Akin na yang kanang kamay mo" sabi niya, at kinuwa yung kanang kamay ko dahil di ko pa inaangat. Binalutan niya ng benda yung mga daliri ko hanggang sa palad at pati yung siko ko. "O ayan na, gagaling na yan huwag mo na lang masyadong gagalawin. Lalabas na ko ha, sabihin mo na lang pag may kailangan ka" tumayo na siya at tumingin sa akin, ngumiti siya "Ang laki mo na" sabi niya at dahan-dahan na siyang lumabas sa pinto
Nahiga ako at nakinig sa music.
Kinabukasan.....
Bumaba na ko sa kotse at naglakad ako sa hallway, at nakabulsa yung dalawa kong kamay sa jacket ko
"Harry! Sandali lang" sigaw ni Dyine, tumatakbo siyang lumapit sa akin. "Uy sorry ha, kung masyado kong naging palatanong kahapon. Kamusta na yung kanang kamay mo" sabi niya sakin
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
Non-FictionThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...