18. Study buddies

19 2 0
                                    

Harry's POV

Nasa baba ako ngayon at nakapila para bumili ng recess. Nasa dulo ako dahil kakababa ko lang

Dumating si Allyson at Merlyn

"Hoy, Harry tumabi ka nga diyan at paunahin mo kami!" maarteng sabi niya

Nagkunwari akong walang narinig

"Hoy bingi ka ba!" sabi ni Merlyn

Hinatak ni Allyson yung jacket ko papunta sa huli, pero di niya nahatak. Tumabi siya sa akin at tinulak ako at nauna na

Grabe tong mga tao na ito napakayabang kung sino. Pero dati itong dalawa mortal na magkaaway, at si Allyson yung walang kakampi.

Ng makabili na ko umupo ako sa lamesang nasa sulok kung saan ako laging kumakain at si Dyine

Si Dyine......

Di ko dapat inisip na kaibigan ko siya noon dahil kaparehas lang ako ng normal na estudyante na nalalapitan niya dahil friendly siya.

Sakto namang dumaan si Dyine at kasama ang mga kaklase niya. Nakita kong tumingin siya sa akin, pero di ko pinahalata na nakita ko.

Nagulat na lang ako ng may nagbuhos ng juice sa kanang kamay ko, at nabasa yung longsleeves ko.

"Hindi ka kasi gentleman" sabay irap ni Allyson

Dumeretso ko sa Comfort room para maglinis.

Sa room......

"Anong page yung quiz natin" tanong ni Allyson sa mga kaibigan niya na nakapaikot ang mga upuan, si Merlyn, Catie, Ellie, at si Ford ang mga tinutukoy ko na kaibigan niya.

"Hay ano ba yan ang hirap mag-review" sigaw ni Allyson at tumayo. Pumunta siya sa sulok ng room namin huminga ng malalim ng 3 beses saka binuksan ang libro

...

Sa sulok pa rin siya nagrereview at ginagawa niya pa rin.

Flashback (Grade 8)


Nagrereview ako sa sulok ng room ng lumapit sa akin si Allyson

"Harry, anong page yung quiz natin?" malambing na tanong niya

"akin na yung libro mo"

Itinuro ko sa kanya yung nga rereviehin.

Umupo siya sa tabi ko

Wala pang isang minuto... "Hay ang hirap naman nito" at idinukmo ang muka niya sa libro

"Allyson, tingnan mo ko"

Inangat niya yung ulo niya at tumingin sa akin

Huminga ako ng malalim ng 3 beses habang nakapikit...."Bago ka mag-review gawin mo yung ginawa ko, makakatulong yun para mawala yung stress. I-focus mo yung isip mo sa nirereview mo at intindihin mo kada word"

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now