Mia's POV
"Diba? Naaalala mo ba dati, nong bata pa lang kayo? " sabi sa akin ni yaya
Tumango ako
Hinawakan ako ni yaya sa balikat "Noong bata ka di ba pagkauwi mo sa bahay, nandito na si Harry kasi Nursery pa lang siya non, at sasalubungin ka niya agad agad" sabi ni yaya habang nakangiti
Flashback(10 years later)
Mia's POV
Kakauwi ko lang sa bahay galing sa school na pinapasukan ko
"Tao po. Mommy, daddy nandito na po ko" sigaw ko habang papasok sa gate. At nakita ko si Harry na tumatakbo
"Ate! Ate!" at yumakap siya sa akin "Ate akin na yung bag mo, ako na magbubuhat" at kinukuwa niya bag ko
"Ako na, wag mong kuwanin" masungit na sabi ko sa kanya
Nakakainis tong si Harry, masyadong pasikat kila mommy 😒
Hinatak ni Harry yung kamay ko
"Ate, bilisan mo pinapalabas na yung favorite cartoon natin sa TV baka mahuli tayo""Oo mapapanood ko rin yon, mauna ka na" sabi ko na naiirita
End of the flashback...
"Naaalala mo na?" tanong ni Yaya
At tumango ako
"Saka dati ayaw na ayaw mo rin siyang nakakatabi o nakakadikit, ayaw mo nga rin ng parehas kayo ng kinakanta eh"
Flashback(7 years later)
Mia's POV
Habang nanonood akong TV lumapit sa akin si Harry
"Ate ano pinapanood mo?" at umupo siya sa tabi ko
"Wala!" at umusog ako papalayo sa kanya. Mamaya tumayo ako, lumipat ng upuan at nakinig sa music
"🎶We we're both young
When I first saw you...🎶"At mamaya-maya narinig ko rin si Harry na sumasabay habang nanood ng TV, nairita ako at iniba yung music.
End of the flashback.....
Mia's POV
"Totoo po na ganon ako sa kanya, pero masungit naman po talaga ko diba kahit ng bata. Kahit nga po si Vinson sinusungitan ko rin eh" Sabi ko kay Yaya Lena
"Oo totoong maldita, masungit ka, pero nakikita kasi ni Harry sayo non na pagdating sa mga kaklase mo masaya kang kausap sila"
"Pero nakakainis po naman talaga siya noon eh!"
"Oo alam ko" malumanay na sabi ni Yaya
"Lagi po siyang nambubwisit, at sa bandang huli ako pa mapapagalitan"
Habang naguusap kami ni Yaya nakita namin si Harry na palabas sa pinto at nakasuot ng jacket
"Harry aalis ka ulit?" tanong ni Yaya pero di sumagot si Harry at dumeretso palabas. Narinig na lang namin na umandar yung motor at nakita namin lumabas siya sa gate
"Alam ko na kung saan pupunta yon" sabi ni Yaya
Harry's POV
Nakakainis naman ba't umuwi pa yon. Biglang nasira yung mood ko 😡
Umalis ako sa bahay dahil naiinis ako, at pumunta ko sa puno ng Mangga kung saan kami naglalaro ni Harold noon. Pagdating ko doon naupo ako at sumandal sa puno
"Haaaayy.... Nakakamiss si Harold, ang daya talaga, di ko siya makasama. Tapos si Ate naman nakakainis, ang sungit, bata ako ganon na siya sa akin " sabi ko sa sarili ko
Bigla akong nakaramadam na parang may tumitingin sa akin. Tumingin ako sa baba, tumingin ako sa paligid at wala naman akong nakita. Tumingin ulit ako sa malayo
"Ang sarap talaga dito sa lugar na to" sabi ko
At bigla kong napansin na may tumakbo sa baba, sa gilid na kalsada, pero di ko na recognize kung babae o lalaki. Bababa sana ko pero narealize ko wala rin akong mapapala pag nalaman ko kung sino siya.
Kumuwa ako ng bato at ibinato ko sa malayo, kumuwa ulit ako ng isa pa at ibinato, hanggang sa makita ko ulit yung Sunset
"Ang sarap sa pakiramdam" at humiga ako sa damuhan hanggang lumubog ang araw at unti-unting dumilim
Mia's POV
"🎶I saw the sign
and I open up my eyes
And I saw the sign 🎶"At may kumatok sa pinto
Ano ba yan panira ng concert eh. Binuksan ko yung pinto at si Yaya Lena pala yon
"Good evening po. May kailangan po ba kayo?" tanong ko
"Kakausapin sana kita eh"
"O sige po pasok po kayo, ano po ba yon?"
Pumasok si Yaya at naupo "Si Harry yung kapatid mo, malaki na pinagbago eh. Nalulungkot ako para sa kanya"
"Ok lang po yun" kampanting sabi ko
Natawa ng konti si Yaya "Ang strong talaga ng personality mo"
Tumayo na si yaya at lumabas sa kwarto, at narinig ko na binati na niya si Harry, kaya nalaman kong nakauwi na siya
(Don't forget to vote😊)
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
Non-FictionThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...