17. 1st month of Class (Nomination)

12 1 0
                                    

Harry's POV

"Harry wala ba tayong gagawin sa birthday ni ma'am? at di pa rin tapos yung decoration natin" hinding nakatingin sa akin na tanong ni Carl

Medyo na-tense ako sa sinabi niya.

Nakatingin sa akin si Ford at narinig kong sinabi niya na..........

Flashback (1st month of Class, June)

Unang araw ng klase namin at medyo exciting, dahil eto na ko sa 3rd year part ng highschool life ko. 👏.

Sabi ni Ate na pinakamasaya ang 3rd year😁, dahil sa taong iyon yung hindi pa masyadong stress sa pag-aaral, dahil makakabawi ka naman pag 4th year na. At dito din sa taong ito pwede kang mag rak at mag pakabugok.

Sumilip ako sa sliding window namin at nakita ko si Ford, si Carl at ang adviser namin, si Ma'am Brenda. Actually siya rin yung adviser namin last year, ewan ko ba't naulit.

Pagtingin ko kay Carl, nakasilip pa rin ako sa Sliding window namin, ngumiti siya sa akin at tumawa.

Pumasok ako sa pinto "Good Morning Ma'am"

Uupo sana ko sa harap pero nagdalawang isip ako dahil nandoon si Ford, kaya umupo na lang ako sa 2nd row.

......

Dumating na lahat ng kaklase namin pagkalipas ng ilang minuto, nagpakilala na kami isa-isa at pagkatapos, tumayo si Ma'am

"Ok Class, Because you are all finished introduce yourselves we will start our nomination for our class officers" sabi ni Ma'am

"Who want to nominate first"

Nagtaas ng kamay si Lanze "Ma'am I nominate Sharie for President"

Dali-dali namang nagtaas ng kamay si Carl "Ma'am I nominate John Harry for president" sabay turo sa akin at tiningnan niya ako habang nakangiti

Nakasulat na ang pangalan naming dalawa ni Sharie sa Glass Board at may nagclose na rin ng nomination for president

Bago magbotohan narinig kong nag-bubulungan sila Ellie at Eris

"Hoy Eris sino boboto natin?" nakangiting tanong ni Ellie

"Mmmmm.....ay hindi hindi. Kay harry tayo"

"O sige sige"

Lamang ako kay Sharie ng 2 boto kaya ako ang naging president

"Class, tandaan nyo vote wisely dahil practice nyo na rin to. Wag ninyong gawing biro lang ang botohan" biglang sabi naman ni ma'am

Grabe naman si ma'am, wala ba siyang tiwala sa akin 😒

Naging Vice president si Sharie and secretary si Carl.

End of the flashback.....

narinig kong sinabi niya na
"Hanggang ngayon decoration lang di pa tapos. Edi alam niya yung piling ng President, kala niya madali" rinig kong bulong niya sa akin and he rolls his eyes

Sumikip yung dibdib ko nung nakita ko si Ford. Natatakot ako na sa oras na may lumabas sa bibig ko as President, di nila ko sundin, or else pahiyain. Ang hirap pa sa lagay ko dahil walang susuporta sa aking kaibigan.

"Pag-uusapan natin" iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko at dumeretso ako sa labas

Paglabas ko nakasalubong ko si Lanze "Harry may surprise ba tayo kay ma'am?"

Hindi ako nakapagsalita

"Ahh,... Walang kwentang PRESIDENT!" sabi niya at sabay turo sa akin

Pinagdiinan talaga yung President. Halos 70 percent lait, and 30 percent biro ang pagdeliver niya sa akin

Mas lalo kong naramdaman yung bawat pintig ng puso ko sa pagkakataong ito. Dumeretso ako sa Isang puno sa likod namin at sumandal ako dito, at ikinabit yung hood

"Ang hirap naman. Marami kong Idea pero lagi lang tong natatakpan ng takot, takot sa mga kaklase ko. Sa kung hindi na nga ko nagsasalita may nasasabi na sila pano pa pag may narinig sila sa akin as President"

Tumingala ako

"Pero kahit kailan di ko tatakbuhan yung binigay sa aking obligasyon, kahit takot ako" bulong ko sa sarili ko.

Narinig ko na yung bell namin kaya umakyat na ako at pumasok sa room. Pagpasok ko tila isa akong anghel na may dalang katahimikan. Nakita kong tumingin sa akin si Catie nagkasalubong ang paningin namin at inirapan niya ako nag pagkatalim-talim

Umupo na lang ako hanggang sa dumating ang teacher namin

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now