3. After 4:00 p.m

51 6 0
                                    

Harry's POV

4:00 p.m ito yung oras na lumalabas sila isa-isa sa room, at pag lumabas na ang huli sa mga kaklase ko, ito na yung oras na ako na lang mag-isa sa class room.....

Lunch...

Pumasok ako sa room namin at nakita ko silang kumakain, si Angel, kahit tahimik nandoon pa rin yung pagyaya ng mga kaklase ko sa kanya

Kinuwa ko yung assignment ko, para tingnan ko kung may mali pa. Kinuwa ko yung inumin ko para iminom, bumukas yung pinto at pumasok si Bruce nasungo niya yung upuan ko at nabitawan ko yung inumin ko, tumapon ito sa assignment ko.

"Kailangan ko na namang gumawa". Di man lang nag-sorry o tumingin sa akin si Bruce

"Uy pre, di ka man lang nagsorry" sabi ni Brix kay Bruce

"hayaan mo siya wala akong pakialam sa kanya" sabi niya

Umagos yung tubig at nabasa yung bag ni Allyson. Lumapit si Allyson para may kuwanin sa bag at ng makapa niyang basa ang bag niya nainis siya

"hhmmmp, ano ba yan! Di mo kasi pununasan agad, palibhasa dugyot ka kasi, wala ka kasing pakialam sa paligid mo!" sabi niya sa akin ng inis na inis at pasigaw

"haya! Pati yung assignment ko nabasa. Buwisit ka talaga." dagdag pa niya ng makitang basa ang assignment niya. Binato niya sa akin yung assignment niya at sinabing "pag ako walang naipasa mamaya wag kang magpapakita sa akin ha! Baka di ako makapagpigil"

Nakatingin silang sa akin lahat at si Merlyn na kaibigan ni Allyson ay masama ang tingin sa akin at kung may anong iniisip. Di ko na sinubukang lumaban pa dahil ayoko ng mangyari ulit yung.........
"hindi wag mo ng isipin yon!" bulong ko sa sarili ko.

Kumuwa lang ako ng isa pang papel para gawin yung assignment ni Allyson.

Mamaya nagharutan si Bruce at yung mga kaibigan niya, natamaan nila si Ellie(Ellie Garcia) na saktong gumagawa ng assignment, at dahil sa pagkakasungo nila napunit yung assignment ni Ellie

"Ay, sorry Ellie, wag kang mag-alala ako na lang magsasabi kay Ma'am" sabi ni Bruce

"Sabi mo yan Bruce ha" sabi ni Ellie ng nakangiti

Noong makita ko yon tumahimik na lang ako

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now