Dyine's POV
Habang pinapanood ko yung paglubog ng araw kasama si Harry, masaya ko dahil mas nakilala ko si Harry. Pinapanood lang namin yung araw hanggang sa lumubog at dumilim
"Madilim na, Umuwi na tayo baka hinahanap na rin tayo pareho. Sumakay ka na sa akin ihahatid na kita" sabi sa akin ni Harry at tumayo siya
"Oo nga tama ka, umuwi na tayo" sabi ko
Bumaba na kami at sumakay si Harry sa motor niya
Nagulat ako "Uy Harry, magaling na pala yung kamay mo nakakapagmotor kana" sabi ko. Sumakay na ko sa motor
"Ah, Oo magaling na siya, kaya ko na ring magsulat. Maraming salamat ha" sabi niya
"Saan?" tanong ko
"Sa lahat ng effort mo" sagot niya
Ngumiti ako. Dalawang beses ko palang narinig nagpasalamat si Harry, at sa bawat sabi niya ng thank you ramdam ko yung sincerity niya
"Namumula ka na naman" biglang sabi niya. Iniwas ko bigla yung tingin ko sa kanya
Pinaandar na ni Harry yung motor. Sa kalagitanaan ng biyahe namin biglang umulan kaya kinailangan naming similong muna sa isang waiting shed
Tumingin siya sa akin "Ok ka lang ba hindi ka ba nabasa?" tanong niya
"Ok lang ako di naman ako nabasa, nasa likod mo kasi ko. Ikaw?" kinapa ko yung long sleeves niya "Ya, nabasa ka tanggalin natin yung jacket mo magkakasakit ka"
Dali-dali kong ibinukas yung jacket niya, at nagulat ako kaya kaagad kong binitawan "Ay, wala ka pa lang damit sa loob ng jacket mo" sabi ko habang nakatakip yung muka
Isinara niya ulit yung jacket niya at namula siya "Ikaw kasi bigla mong binuksan agad" nahihiyang sabi niya
Ngumiti ako sa kanya "May abs ka pala" nakangiting sabi ko
Iniwas niya yung tingin niya "Eh ba't namumula ka?" tanong ko
"Kung pag tinataas mo nga yung long sleeve ko nahihiya ako pano pa yung binuksan mo yung jacket ko. Saka ikaw rin naman namumula" sabi niya sa akin pero di pa rin siya nakatingin
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
Non-FictionThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...