13. Expectations

27 3 0
                                    

Dyine's POV

6:40 am.....

Nasa baba pa ako noon at hinihintay ko si Harry.

Habang naghihintay nakita kong nakaupo lang mag-isa yung kaklaseng lalaki ni Te Abigail. Tumayo ako at lumapit

"Oy, Kuya ang loner mo naman" at umupo ako. Nakipagkwentuhan ako sa kanya hanggang sa dumating na yung kotse nila Harry.

Dumaan si Lanze. Tumayo ulit ako at pinisil yung pisngi ni Lanze "ummm, ang cute mo" sabi ko sa kanya

Dumaan si Harry. "Uy Harry!" at patuloy lang siya naglakad. "O bakit?" mahinang sabi niya at naglalakad pa rin siya

Hinabol ko siya "Uy Harry, saglit lang" sabi ko sa kanya

Pero patuloy lang siyang naglakad. At bigla akong nagtaka sa kinilos niya

Recess....

"Uy Dyine! Samahan mo kong bumili sa baba ng ballpen, bago tayo bumili" sabi sa akin ng isa kong kaklaseng lalaki

"O sige" sagot ko. Paglabas ko ng pinto nakita ko si Harry na kalalabas lang at nakita kong tumingin siya sakin, pagtingin niya pumasok siya ulit sa classroom

Pagkatapos naming bumili ng ballpen, pumunta na kaming Canteen at di ko nakita doon si Harry

Lunch.....

Sumilip ako sa classroom nila Harry at wala na siya, kaya bumaba na ko. Pagpunta ko sa Canteen nakita ko si Harry sa lamesang lagi naming kinakainan, papunta ko kay Harry at tumayo siya.

Hinabol ko siya pero di ko na siya nasundan dahil pumasok siya sa C.R

Lumapit yung kaklaseng kong lalaki. "Uy Dyine, anong ginagawa mo diyan? Di ka pa kakain?" sabi niya sa akin

"Eto na nga eh, kakain na. Atat ka atat" sabi ko sa kanya ng pabiro, at dumeretso na kami sa canteen

Uwian....

Pagkababa ko palang, nakita ko na si Harry na pasakay na sa kotse. Tumakbo ko "Harry!"  sigaw ko pero di ko na naabutan yung kotse. "Ano bang nangyari? Nalilito ko" sabi ko sa sarili ko

"Dyine pwede ba tayong mag-usap?" biglang sabi ni te Abigail mula sa gilid ko

"O sige. Tungkol saan ba?" tanong ko sa kanya

Tumayo siya at hinawakan yung kamay ko, dumeretso kami sa likod at naupo sa bench

"Dyine, nakita ko kayong dalawa ni Harry kaninang umaga at lunch. Alam kong nagtataka ka kung bakit ganoon" sabi niya sa akin ng seryoso

"Di ko maintindihan kung ba't nagkaganoon si Harry. Nakakasabay ko naman siya sa pagpasok saka pagbaba kami, pero kanina hindi." nagtatakang tanong ko

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now