Dyine's POV
Eto na papasok na ulit ako. Hay medyo nakakapagod kahapon, di ko akalaing ganong kayaman si Harry at sobrang linis sa kwarto. Pero napaka-mysterious niya.
Habang naglalakad sa hallway nakita ko si Harry, nakaupo sa bench, nakayuko lang siya, nakahood, at nakabulsa yung kamay. "Ba't ba lagi kong nakikita si Harry na nakaganoon" lumapit ako sa kanya "Harry! Di ka pa ba papasok baka naman malate ka pa sa klase dahil kakaupo mo diyan. Tara na bilis sabay na tayong umakyat" hinatak ko yung kamay niya
Hawak ko pa rin yung kamay niya "Bilisan mo Harry maglakad!"
"Dyine" sabi niya sa akin
Naglalakad pa rin kami "Bakit?" tanong ko sa kanya, habang hinahatak
"Ah yung kamay ko kasi" mahinang sabi niya sa akin
"Ay sorry, hawak ko pa pala" nahihiyang sabi ko sa kanya
"Hindi naman. Medyo masakit pa kasi, at mahigpit pa yung hawak mo" sabi niya sa akin
Binitawan ko yung kamay niya "Ay sorry, di ko namalayan. Kanan pa pala yung nahatak ko. Pero kamusta na pala yung kamay mo? Magaling na ba? Patingin nga" sabay kuwa ko sa kamay niya at inangat ko yung Long sleeve niya
"Yan mas ok na pala, nakakapasulat ka na ba niyan?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya at mukang nahihiya siya
Inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko. "Ba't parang nahihiya ka Harry?" tanong ko sa kanya
Nakatingin siya sa gilid at binaba niya yung sleeve niya "Nahihiya kasi ko pag ginagawa mo yun, yung patataas ng Sleeve ." tumingin siya sa akin "Pero ok na yung kamay ko nagagamit ko na, kaya ko na ring isara yung zipper ko mag-isa, pero di pa ko masyadong nakakapagsulat" sabi niya sa akin
Natawa ko "Sanay ka rin palang magbiro Harry" at ngumiti ako sa kanya. "tara na nga baka malate pa tayo"
Pagdating namin sa 3rd floor dumeretso na kami sa room namin. "Ah, Dyine" sabi sa akin ni Harry bago kami pumasok sa class room, pero nakahood pa rin siya.
"Bakit?" sagot ko
"Thank You" sabi niya sa akin at ngumiti siya
![](https://img.wattpad.com/cover/105595698-288-k812805.jpg)
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
Phi Hư CấuThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...