15. Own Fault?

14 1 0
                                    

Harry's POV

"Haaayyyyy...... Papasok na naman" nanlulumong inaantok na sabi ko sa sarili ko 😪

Pagkabangon ko inayos ko kaagad yung higaan ko nag-unat ng konti at dumeretso sa Comfort room at naligo, bumaba, at kumain.

Lumapit sa akin si Yaya Lena
"Sir Harry, uuwi po yung ate ninyo mamaya, pinapasabi po niya" at tumango ako kay Yaya at nagpatuloy sa pagkain, at umalis na, nagbiyahe, at pumasok sa school.

Habang naglalakad, nakasalubong ko si Dyine, at nginitian niya ko, tumango naman ako bilang sagot ko

Pagpasok ko sa room wala yung upuan ko, lumapit sa akin si Brix "Pre, kinuwa nila yung sayo kasi nagkulang yung upuan natin, meron naman sa baba kuwa ka na lang" at tinapik niya ko sa balikat. Ibinaba ko yung bag ko at lumabas para kumuwa ng upuan

Grabe talaga, pag nagkukulang yung upuan ng iba lagi nilang kinukuwa yung akin😖, o kaya pag pangit yung sa kanila, maliit yung desk, walang tabla sa likod kinukuwa nila yung akin at mapupunta sas akin yung panget.

Nagagawa nila yon dahil alam nila na di ako magrereklamo o magsasalita man, pano naman ako magrereklamo, sa bandang huli ako pa nagiging mali, dahil mas maraming sumusuporta sa kanila....Sad life 😭

Habang paakyat nakasalubong ko naman si Abigail "Uy Harry, o bakit? wala kang upuan?"

Tumango ako sa kanya

"Akin na tulungan na kita" at lumapit siya sa akin

"Di ok lang kaya ko naman magaan lang naman" sabi ko "Sige na pumasok ka na sa room ninyo"dugtong ko

Kaya nagpatuloy na siyang naglakad

Pagpasok ko sa room inilagay ko yung upuan ko at umupo na.

"Thristan oh" sabi ni Angel habang inaalok yung snacks na hawak niya

Napatingin ako kay Angel, manghihingi nga sana ko kaso naisip ko mawawala na pagdating sa akin. Papalabas ng room si Angel at tinawag ko siya

"Angel" sabay hawak ko sa braso niya

"Bakit ba?" sabi niya habang nakakunot yung noo

"Angel, ba't lagi ka yatang inis sa akin?. Eh dati nga ako lang nakakausap mo at nakakabiruan" seryosong tanong ko sa kanya

Inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko "Huwag mo kong sisihin, kasalanan mo yan" seryosong sabi niya at lumabas na siya ng pinto

?????????

😰Napaisip ako sa sinabi niya, wala naman akong ginawa ah, pano ko naging kasalanan? Sana inelaborate man lang niya, hindi nag-iisip ako rito.

Medyo nawala yung concentrasyon ko nung araw na yon dahil sa sinabi niya at nag-iisip pa rin ako hanggang sa bahay

Sa bahay......

"Hi Sir Harry, nandito na po yung ate nyo kauuwi lang po" pagsalubong sa akin ni Yaya Lena

Tumango ako at dumeretso na ko sa kwarto.


.....



Bumaba ako para manood ng T.V

At nakasalubong ko sa hagdan si Ate (Jane Mia D. Anderson)

"Harry may Chocolate crinkles sa Fridge, bumili ako bago umuwi" sabi nito habang naglalakad at di tumitingin sa akin



Lena's POV

Naglilinis ako sa sala ng bumaba si Harry at dumeretso sa kusina, paglabas nito may dala na siyang Chocolate Crinkles at nanood ng bastketball habang kumakain.

Mamaya-maya bumaba si Mia

"Harry, wag mong ubusin ha tirhan mo sila Mommy't Daddy at sila yaya Lena saka si Kuya Dave" masungit na sabi nito

"Uubusin ko lahat" poker face na sabi ni Harry

"Oo sige ubusin mo timawa ka kasi, swapang" Inis na sabi ni Mia

Nangiti akong konti. Laging talagang nag-aaway tong mag-ate, isang masungit isang mapang-asar. Pero huwag sanang umabot sa punto na lumayo na ang loob ni Harry sa Ate niya 😔😞



Dinner....



"Mia, mia, nakahapag na yung pagkain, nakababa na yung kapatid mo" sabi ko habang kinakatok yung pinto

"Ok po" sagot ni Mia

Nasa kalagitnaan na ng pagkain si Harry ng bumaba si Mia.

"Ate san ka bumuli ng Chocolate crinkles?" tanong ni Harry

"Basta doon" masungit na sabi ni Mia sa kapatid niya

Tumayo na si Harry at palabas na sa dining room

"Oy Harry san ka pupunta?! Di mo pa inuubos pagkain mo!" inis na sabi ng ate niya

"Wala ka nang pakialam don" sabi ni Harry ng di man lang humaharap sa ate niya at nag patuloy sa paglalakad

"Nakakainis talaga yon, ba't ba ganon yon?" inis na sabi ni Mia habang kumakain

Natawa ko ng konti "Tinatanong pa ba yan Mia" sabi ko sa kanya

At tumingin naman siya sa akin

"Diba? Naaalala mo ba .....

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now