22. Rivals

17 1 0
                                    

Snowflakes: hello, pasensya na kayo kung laging napakatagal ng updates, I just want to sure lang na maganda yung flow and connection ng story and the secrets are gradually be uncover, kaya pinakaiisip-isip ko lang talaga. Enjoy

*****

Harry's POV

Inabot sa akin ng teacher namin yung quiz.

20/25 ako, ano mali ko.

Tiningnan ko yung mga mali ko. Sayang mali spelling ko pala sa 3.

"Harry!"

Sino yung tumawag sa akin. Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita kong nakatingin si Carl.

"Ilan ka?" tanong nito

"20/25"

Humarap si Carl kay Sharie at nangiti siya nang marinig ang sagot ko.

Happy na naman siya dahil mataas siya sa akin siguro. Napakayabang, pag nataasan naman ng 2 lang halos umiiyak na.

"Carl! Kailan ipapasa yung summarization nung Novel na binanggit ni Ma'am kanina? Bukas ba kaagad?" sabi ni Catie

"Oo. Bukas na yon"

" Ilan ka?" tanong ni Catie

Nagsenyas si Carl ng 23, at nangiti ito

Yabang talaga. Dati pa mahilig ng makipagkompetisyon yan.

Flashback(Grade 7)...

Habang nageexam kami tutok na tutok si Carl mag-exam, at seryoso siya, tumingin naman ako kay Lanze at tumingin din siya, nagtawanan kami ng mahina lang, at parang nagpapahiwatg na parehas kaming medyo nalilito sa exam.

Pagkalipas ng ilang araw, nabigay na yung exam namin.

Lumapit sa akin si Carl kaagad at nagtanong

"Harry, ilan ka?" nakangiting tanong nito

Iniharap ko sa kanya yung papel ko

"Ikaw Carl, ilan ka?" nakangiting tanong ko rin

"36/40"

Mas nilakihan ko pa ngiti ko sa kanya at tinanguan siya gamit ang kilay.

"Oo na ikaw na panalo" sabi niya

Nagtawanan kaming dalawa at nag-apir.

"Si Lanze kaya? Tanungin natin?" pagyaya ko sa kanya

Pinuntahan namin si Lanze

"Lanze ilan ka?" tanong ni Carl

"34"

Nag-apir ulit kami ni Carl.

"Nagugutom na ko, tara kain na tayo" yaya ko sa kanilang dalawa

.....

Lumapit sa akin si Carl " Harry anong sagot mo sa 9 and 10 sa true false?"

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now