Ethan's POV.
First Day Of School.
Ugh. I hate first days. Transferee pa kami dito sa Royals Academy. Galing kami ng mga kaibigan ko sa Stars Academy which is kalaban ng school na'to. Napagtripan lang namin na lumipat dito because of nothing. Trip lang talaga.
Naglalakad kami ngayon papunta sa cafeteria. Nagugutom na daw kasi si Kyle. Naku! Lagi naman siyang gutom.
"Uhm Guys? Hindi ba kayo bibili? Ako lang ba talaga kakain? Hindi niyo man lang ba ako dadamayan sa pagkain?" pagmamaktol ni Kyle samin na akala mo ay bata. -_-
"No thanks, hindi kami nagugutom Kyle. Sasamahan ka na lang namin bumili at humanap ng table na pagkakainan mo." sabi naman ni Yvan kay Kyle.
"Sus. Mga KJ. Okey." sabi ni Kyle habang nakasimangot ang mukha. Haha! Para talaga siyang bata.
Nandito na kami ngayon sa cafeteria. Nakapila na kami sa counter ng biglang may nag- Ehem sa likod namin. Napatingin naman ako, ay kami pala, napatingin kami sa babaeng nasa likod namin.
"Yes? Magpapa- autograph kaba miss?" Sabi ni Kyle sa babaeng nasa harap na namin ngayon. Haha! Gagu talaga.
"Nope. And your'e not the one I want to talk to." Tapos bigla siyang napatingin sakin. Woah? What's with that look?
"Your'e the one I want to talk to." sabi niya sakin habang nakataas ang isang kilay. Taray ah.
"And why?" sabi ko sa kanya with an cold expression.
"You must be punished. Yung pantalon mo, naka-baston," napatingin ako sa baston ko ayy! Este pantalon ko. Shit. Oo nga, nakabaston siya.
"Ano namang punishment niya?" Sabi ni Kyle dito sa babaeng nasa harap namin.
"You will clean the whole cafeteria later after class. Understood?" sabi niya sakin. Like what?! Buong cafeteria?! Holy Shit!
"May magbabantay sayo mamaya, kaya kung ako sayo, susunod nalang ako." sabi niya ulit, sa nakakatakot na tono. Geez.
"Sino namang magbabantay sa kanya? Multo? Halimaw? What?" Sabi naman ni Brix na ngayon lang nagsalita. -_-
"Malalaman niyo din. Nga pala, name?" name? Tinatanong niya ba kung ano ang pangalan namin? Nahalata naman niya na medyo naconfused kami kaya nagsalita ulit siya.
"The Four of you, what is your name?" Sabi niya sa iritadong tono.
"Ahh. Im Ethan Feliciano." Sabi ko.
"Im Yvan James Vasco." Sabi ni Yvan ng nakangiti. Seriously? Bait talaga neto.
"John Kyle Monterde." Sabi naman ni Kyle.Hinihintay naming magpakilala din si Brix sa babaeng to, pero hindi siya nagpakilala. Instead, tinitigan niya lang to.
"And you?" Tanong ulit ng babae.
"You dont care." Ayy? Kalalaking tao, ang taray-taray. Jusko.
"Fine." Tapos may binigay yung babae samin. Black Card siya na may sign na |💀Gf's💀| at umalis na. anong meaning ng Gf's?
"Ahh. Baka gusto niya tayong maging Bf." Sabi ni Kyle tapos nagtawanan sila.
"Gagu. May ibig sabihin tong sign sa black card na to, wag tayo pakampante bro's." sabi naman ni Yvan. Oo, tama siya. May ibig sabihin tong black card na'to.
Umupo na kami sa nahanap naming bakanteng table. Pagkaupo namin, pinagmasdan ko ulit yung black card.
"Oh my goodness!" Nagulat kami sa sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay 1st Year Highschool habang nakatingin samin, No, sa hawak ko.
"Uhm? Bakit miss?" sabi ni Yvan sa babae. Lumapit naman ang babae samin.
"May I?" Tanong niya kung pwede bang umupo. We just all nodded. "Uhm, about diyan sa black card." Pagpapatuloy niya.
"Anong alam mo dito?" Tanong ni Kyle sa babae.
"I know it all. Yan ang first warning ng Girlfriends.-"
"Wait what? Girlfriends?" Tanong ko naman.
"Yes, Girlfriends. The most famous group in Royals Academy. The Rank 1 in the Rank 10 of the Gangs." pagpapaliwanag niya samin.
"And again, about sa first warning nila. Kapag binigyan nila kayo nyan, at nagpasaway pa din kayo in the second time, pwede nila kayong pagtripan the whole school year o di kaya dadalhin nila kayo sa Royals Jail." pagpapatuloy niya.
"Royals Jail?" nagtatakang tanong naman ni Yvan.
"Yup, Royals Jail. Doon ka nila dadalhin pag naulit pa ang pagpapasaway mo. 1 month kang nakakulong doon at pag nakalaya ka na, hindi ka na dapat nila makikita pa ulit sa academy." Ahh, so yun pala yung Royals Jail.
"May I know if who's the leader of the group?" tanong ni Brix, na salamat ay nagsalita na din. Kanina pa kasi siya tahimik e. Nakikinig lang.
"Hindi ko na sasabihin kung ano ang pangalan niya. Gusto ko kayo ang umalam noon. We all call her Queen. Siya ang school president ng academy. And she is the Queen Bee kaya tinitingala siya ng lahat. Nakita ko nga pala kayo kanina habang sinisita ng isa sa mga Girlfriends." Sabi niya sa tanong ni Brix.
"Hmm. Siya ba yung nagbigay samin neto? Yung sumita sakin?" Tanong ko.
"Definitely Not." Hindi? Eh sino pala yun? Diba actually kapag ganitong scene, yung School President dapat ang manita? I mean dapat si Queen yun?
"Alam kong nagtataka kayo, na dapat si Queen ang naninita, pero that time, siguro inutusan siya ni Queen kasi busy masyado o kaya nagmamadali na. Kilala ko si Queen, siya yung mismong maninita sa lalabag ng rules dito sa school." Pagpapaliwanag niya nàng napansing nakataas ang mga kilay namin.
"Ahh So yung sumita samin, kasama lang sa grupo ng Girlfriends, tapos-"
"Tapos mas malala pa ang gagawin sayo ni Queen kapag siya ang sumita sayo kesa sa babaeng lumapit sa inyo kanina." Ahh.
"Okay Guys, masyado na kayong madaming nalalaman. I think nasagot ko na naman lahat ng tanong niyo. Bye!"
"Wait!" pagpipigil ni Kyle sa babae.
"Who are you? At bakit ang dami mong nalalaman tungkol sa kanila?" Tanong ni Kyle sa babae.
"Oh! Sorry di ako nakapagpakilala. Haha. I am Ella Princess.. Di niyo na kailangan malaman kung bakit kilala ko sila.." Tapos umalis na siya, at iniwan kaming nakanganga.
Lahat kami ay napanganga sa mga nalalaman niya tungkol dito. Bakit? Sino ba talaga siya?
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Teen FictionThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...