Chapter 18: Enchanted Bonding.

24 2 0
                                    

Chin's POV.

Hayst.. This is life.. ang matulog ng matulog.. ~.~

01:16 na ng tanghali. At nandito ako ngayon, sa kwarto ko. Nakahiga mula kagabi. ~.~

Hindi pa ako kumakain ng almusal maging ng tanghalian, kaya naman gutom na gutom na ako. >.<

Gusto ko nang tumayo at kumain, pero parang ang bigat ng katawan ko. Parang hinihila ako ng higaan pabalik. >.<

Pero nakayanan ko pa namang tumayo kahit papaano. Nag-ayos ako ng sarili ko. Nagpalit ako ng damit na kanina lang ay pantulog pa ang suot ko. Ngayon naman, naka-black plain t-shirt ako, tapos jeans. Tapos nilugay ko ang black wavy hair ko.

Bumaba na ako sala, at naabutang walang tao dito. Eh? Nasan sila?

"Mommy? Daddy?" sigaw ko habang naglalakad at naglibot sa buong bahay.

Nasan ba kasi sila?! Wala man lang ibang tao dito ni isa! Ako lang! Tapos hindi pa sila naghanda ng tanghalian! Nakakainis! -_-

Napagdesisyonan kong sa labas nalang kumain. Pumunta ako sa pinakamalapit na kainan sa village namin, McDo. -_-

Really? Wala na bang iba?

No choice ako kaya pumunta nalang ako don. Gutom na gutom na talaga ako e.

Nandito na ako ngayon sa loob ng McDo, nakapag-order na din ako, chicken w/ rice ang inorder ko tapos coke, tapos fries. Nakahanap na din ako ng uupuan ko, sa tabi ng glass wall or window, o kung ano man ang tawag nila dito. Hinihintay ko nalang ngayon ang order ko.

After 7 mins, dumating na din ang order ko, nakita kong padami na ng padami ang taong pumapasok sa McDo, grabe? Makapaghintay kaya sila sa tagal na darating na orders nila?

Hindi ko nalang sila pinansin, kumain nalang ako. Habang nginunguya ko ang kanin at manok sa bibig ko, biglang may lalaking tumayo sa gilid ko, may hawak siyang tray at doon nakalagay ang mga inorder niya. Napatingin naman ako agad sa kanya.

I gasped in shock. "Yvan?"

"Hello. Chin, Right?" I just nodded.

"May I?" tapos tinuro niya ang bakanteng upuan na nasa harap ko, tumango lang ulit ako.

"Why are you alone? Bakit hindi mo kasama yung mga kaibigan mo?" tanong niya ulit sakin tapos sinubo ang kanin at manok na nasa kutsara niya.

"Uhm, Hindi ko sila kasama. Nag-decide kami na Rest Day muna ngayon. At bukas nalang kami gagala." pagpapaliwanag ko. Tumango-tango lamang siya. "Ikaw? Bakit mag-isa ka lang?" ako naman ang nagtanong this time.

"We're just the same. Rest Day muna, tapos gala din bukas." tapos sumipsip siya sa sprite na inorder niya.

"Ahh." sagot ko habang tumatango-tango.

Nanatili kaming tahimik na kumakain. And for a while, nagsalita ulit siya.

"Tara? Sama ka muna sakin. Tayo muna ang gumala ngayon. Gusto mo?" tanong niya sakin.

Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom kong coke. Seriously? We're enemies, right?

"Just for once. Alam kong naboboring ka din." Sabi niya na akala mo ay may special powers na kayang mabasa ang iniisip ng isang tao. How could he? -_-

"Okay lang. I'm in." sagot ko.

"Nice." sabi niya tapos nagpatuloy lang kami sa pagkain.

Hanggang sa matapos kami, tahimik pa din.

Hanggang makalabas kami ng McDo, tahimik pa din.

Habang papunta kami sa kotse niya, Tahimik pa din. Hindi ko na napigilan kaya sisirain ko na ang katahimikan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa kotse niya.

"Hmm.. saan nga ba.." sabi niya habang hinahawakan ang baba niya, in english, His Chin. -_- Right, pangalan ko yun. -_-

"Ahh! Punta tayo sa EK?" Okay, Wait what? Enchanted Kingdom?!

"EK?! Malayo yun." sagot ko.

"Tss. Kj. Malapit lang yon dito noh." Ano pa bang magagawa ko? Wala ng atrasan to. -_-

"Okay, Go on." sabi ko.

"Nice!" sabi niya tapos pinaandar niya ng mabilis yung kotse. Ang hilig niya magsabi ng Nice, everytime na may papayag sa gusto niya noh? Haha. Ang cute lang. Wait what?

Ano bang sinasabi ko. -_-

Dahil sa bilis niyang magpatakbo ng kotse, nakarating kami kaagad sa Enchanted Kingdom. Whoa. Mas lalo itong gumanda. Last na punta ko dito is 11 years old pa lang ako. Eh 17 na ako ngayon! Edi 5 years na nung huling punta ko dito!

"We're here." sabi niya habang nakangisi. Oo alam ko, nakita ko kasi yung Sign Board oh, may 'Enchanted Kingdom' na nakalagay. -_-

"Whoa. What's with that face?" tanong niya sakin. Napansin siguro niya na nakakunot ang noo ko.

"Tara na." tapos lumabas na ako ng kotse niya. Sinundan naman niya ako kaagad.

"Oy Teka nga lang! Nagmamadali ka yata e! May date? May date?" sigaw niya sakin na siyang kinatawa ko.

"Oh, tignan mo. Tumatawa ka na. Kanina lang halos malukot yang mukha mo dahil sa noo mong nakakunot, tapos ngayon tatawa ka? Yung totoo? Bipolar ka ba?" sabi ulit niya na ikinatawa ko ulit.

"Bat ba tawa ka ng tawa?! may nakakatawa ba sa sinabi ko?!" sigaw niya sakin. Haha! Ang cute niya magalit. Wait what?

"Nothing." tapos dumiretso na ako sa paglalakad. Hinabol na naman niya ako. Wala siyang magagawa, ang bagal niya kumilos e.

Sa buong maghapon, puro saya ang naramdaman ko habang kasama si Yvan. Hindi ko inakala na masaya pala siyang kasama.

Madami kaming ginawa, sumakay kami sa Ferri's wheel, tapos sumakay kami sa roller coster. Madami kaming sinakyan na rides don! Ang saya saya! Tapos kumain kami ng footlong, ng pizza tapos kumain din kami ng burger.

So much joy ang naidulot sakin ni Yvan. Sana, wala nang away ang mangyari pa. Ganito nalang sana, laging masaya.

To be continued...

The Girlfriends💘: Returns.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon