Eliza's POV.
Uwian na, so it means..
Babantayan ko na si Mr. Ethan Feliciano.
Babantayan ko siya sa paglilinis niya ng buong cafeteria. Yun yung punishment niya, right?
"Tara na, samahan nyo ko sa pagbabantay sa mokong na Ethan na yun." sabi ko sa kila Ayrenne na kakatapos lang mag-ayos ng gamit nila.
"Okay, Lets Go!" sigaw naman ni Cathryn.
Ethan's POV.
Naglalakad kami ngayon kasama ng mga tropa ko papunta sa cafeteria. Pupunta kami don hindi dahil nagugutom kami, pupunta kami don dahil sa punishment ko na hindi ko man lang alam kung sino ang nag-utos. -_-
"Wait Guys, naaalala nyo ba yung sinabi nung babae na sumita kay Ethan kanina?" sabi ni Yvan.
"Ha? Ano yun?" tanong naman ni Kyle.
"Diba sabi niya, inutos lang daw sa kanya yun ng school president? Tapos may magbabantay daw kay Ethan?"
"Ahh! Oo nga! Wait what? Sino ba yung school president nila? Tyaka sino yung magbabantay kay Ethan?"
"Sa pagkakaalala ko, sabi satin ni Ella, yung babaeng 1st Year kanina, Ang school president at ang Queen Bee ay ang leader ng Girlfriends, pero di naman natin alam kung sino yung leader." pagpapaliwanag ni Yvan.
"Tanga! Alam natin kung sino yung leader nila! Diba si.." "Cathryn ba yun? " Sabi naman ni Kyle.
"Ang kulit nyo din e noh? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, na hindi si Cathryn ang leader nun." sabat naman ni Brix.
"Eh sino pala?" sabi ko naman..
"Wala akong Idea, pero sa tingin ko hindi si Cathryn." sabi naman ulit ni Brix. "Tyaka yung magbabantay sayo, Ethan. Baka yung school president yun. Kapag yung school president nga yon, malalaman na din natin kung sino ang leader ng Girlfriends at kung sino ang Queen dito."
"Hmm. May point ka Brix." pag-sang ayon naman ni Yvan.
Cafeteria:
"Ethan, nandito na tayo. Malalaman na din natin kung sino ang Queen na yun." sabi ni Kyle.
"Oo nga." sabat naman ni Yvan.
Maya-maya pa ay may biglang pumasok sa cafeteria. Isang babae, hindi ko,maaninag yung mukha niya kase against the light siya e.
Pagkalapit niya samin, naaninag ko na din siya.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may magbabantay sakin sa paglilinis? Ayrenne, right?" sabi ko sa kanya pagkalapit niya.
"Hmm. May pinabibigay yung magbabantay," tapos may inabot siyang sulat. "Bye." tapos umalis na.
Binasa namin nila Brix yung sulat.
To: Ethan Feliciano.
Hey Mr. Ethan Feliciano. I just want to ask you a question. Gusto mo bang magpakita ako habang naglilinis ka? or manatili ako dito sa sulok na to habang binabantayan ka? Sumagot ka. Nadidinig naman kita.
-Queen.👑
"Ano boys?" tanong ko kila Brix.
"Magpakita kamo siya. Para malaman na natin kung sino ba talaga ang Queen na yan." suggestion naman ni Kyle.
"Uhm, Queen? Gusto ko pong magpakita ka habang naglilinis ako."
Pagkasabi ko non, biglang bumukas yung pinto ng cafeteria.
Iniluwa nito ang isang babaeng naka-salamin. Nerd? Ang Queen ay isang Nerd?
"What the.." nadinig kong sabi ni Brix.
Lumapit samin yung babae.
"Liza Velasquez?" sabi ni Yvan.
"Kilala mo siya, Yvan?" tanong ko naman kay Yvan.
Bigla namang tinanggal nung babae yung salamin niya. What the f?! Isa siya sa miyembro ng Girlfriends!
"Ikaw yung babae sa library diba?" sabi ni Brix.
"Liza? Ikaw ang school president? Ang Queen? Yung naging kaibigan ko? Kasali ka sa-" tanong ulit ni Yvan sa babaeng to.
"No, Yvan. Hindi Liza Velasquez ang pangalan ko. Sinabi ko lang na ganun ang name ko kase ayokong malaman nyo, Trip lang." sabi naman ng babaeng to na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Trip?" sabi naman ni Brix.
"Yes, But I have an explanation. Ayokong sabihin kase I want to be Mysterious." tapos nandun na naman yung nakakalokong ngiti niya.
"You want to be like me, huh?" sabi naman ni Brix. what? Like him?
"Hmm. Slight." tapos tumawa siya ng mahina. " I dont want to be mysterious anymore." tapos naging seryoso na ang mukha niya. Yung totoo? Bipolar ba siya?
"Sino ka ba talaga? Ha? Queen kuno?" tanong naman ni Brix.
"I am Eliza Queeny Villaña." Kaya ba gusto niya Queen ang tawag sa kanya kasi may Queeny sa pangalan niya?
Tinignan ko naman si Brix. Nagulat yata siya. Pero bakit? Wala namang dapat ikagulat ah?
"And you? Mr. Mysterious Guy?" tanong naman ni Queen kuno.
"Brix."
"Brix?"
"You dont care in my surname."
"Okey. Mr. Feliciano," Oh?! Nakakagulat ka! Leche! "You may start cleaning the whole cafeteria."
Ayyt! Oo nga pala! Maglilinis pa ako!
"Oy Hello Kitty! Bilisan mo may papakita kami sayo!" Si Ayrenne yung sùmigaw. What? Hello Kitty? Bat ganun tàwag sa kanya ni Ayrenne.
Napalingon naman si Eliza este Queen sa kanila. "How many times do I have tô tell you that call me Queen! Not Hello Kitty! Just wait for a minuté please!" aww. Nabingi ako sa sigaw ng babaeng to!
"Babantayan kita." tapos umalis na siya. Babantayan pero umalis? Seryoso? Anong trip ng babaeng yun?
"Now, kilala na natin ang Queen slashed School President. Sabi ko sa inyo hindi si Cathryn yun e." nakangiting sabi ni Brix.
"Oo nga noh." sabi naman ni Kyle.
"Bro's? Pwede niyo ba akong tulungan maglinis?" Pakiki-epal ko. Syempre magpapatulong ako! Buong cafeteria?! Eh ang laki-laki kaya neto!
"Manigas ka!" sigaw nilang lahat sakin.
"Babaston-baston ka ng pantalon dyan e!"
"Ugok ka kase!"
"Gagu! Magsimula ka na! Iiwan ka talaga namen tignan mo!"
Lakas nila. Hindi man lang ako tutulungan pucha. -_-
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/104972657-288-k664706.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Teen FictionThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...