Chapter 8: I will tell them right now.

29 1 0
                                    

Eliza's POV.

Matapos naming magusap ni Yvan, nagpaalam na siya sakin. Hinahanap na daw kasi siya ng mga bakulaw niyang kagrupo.

Pagka-alis niya naman, tinanggal ko na ang salamin ko. Ayoko na! Baka makita na naman niya ako!

Corridor:

Naglalakad ako ngayon papunta sa library. Oo! Dun nalang ako! Tahimik pa don at sigurado akong walang manggugulo sakin doon.

Library:

Nagbabasa ako ngayon ng libro, love story. Haha? Imagine. Yung sadistang babae na katulad ko? Nagbabasa ng Love Stories? Nakakatawa. -_-

Medyo malabo ang paningin ko, kaya sinuot ko muna yung salamin na suot ko kanina. Hindi kasi ako makapag-basa ng maayos e.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagbabasa ng may lalaking umupo sa harap ko.

Omo! Yung Mysterious Guy! Hindi ba niya kasama yung mga bakulaw niyang kagrupo? >.<

Mukha namang hindi niya ako makikilala dahil nakasalamin ako. Phew! Magtatakip nalang ako ng libro sa mukha habang nagbabasa! >.<

"Hey miss? Mas mababasa mo ng mabuti yung librong binabasa mo kung medyo malayo yan sa mukha mo." Omo! Nagsalita siya! Nagsalita si Mysterious Guy! Ako ba yung kausap nya?

Binaba ko yung librong binabasa ko at tinignan siya. Hala! Mukhang ako nga kinakausap niya!

"Excuse me? Ako ba kausap mo?" tanong ko sa kanya. Nakakahiya. >.<

"Hindi ba obvious? Huh? Nerdy girl?" Seriously? Nerdy Girl? Hah! Hindi niya kilala kung sino kinakalaban niya.

"Ah Key." yan nalang ang tanging lumabas sa bibig ko. Ayoko na humaba pa ang usapan namin. -_-

Hindi na ako naging komportable sa upuang ito simula nang dumating ang kumag na to. Gusto ko nang umalis! Waaaa! -_-

Akmang tatayo na sana ako nang biglang nahulog ang panyo ko. Ang panyong binigay sakin ni Azrael.

Kukunin ko na sana yung panyo pero biglang may kumuha neto.

"Kanino to?" waaa! Kinuha ni Mysterious Guy!

"Akin na yan!" Kinukuha ko ito mula sa kamay niya pero inaangat nya ito.

"Ano yung nakasulat dito?"

"Wag! Wag mo nang tignan!" Bago niya tignan ay nakuha ko na sa kamay niya iyon.

"Ano ba! Titignan lang naman ah!" sigaw niya.

Nako! Nakalimutan niya bang nasa library kame?!

"Wag ka ngang sumigaw! Nasa library tayo." Bulong ko sa kanya.

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako ng library. Phew! Buti nalang nakuha ko yung-

"Yung panyo ko! Nasaan na?!" Nakuha niya! Waaaaa!

Tumakbo ako pabalik sa library at hinanap siya sa loob. Pero wala na siya. Waaaaa!

Nasan ka na bang hinayupak ka?! Yung panyo ko!!

"Uhm miss? Sayo po ba itong panyo? Nakita ko lang sa ilalim ng table niyo kanina. Nalaglag nyo ata." sabi sakin ng isang lalaki na sa tingin ko ay 2nd Year High School.

"Hayst. Salamat ah?" tapos lumabas na ako sa library-ng yun. Phew! Akala ko nakuha na ng hype na yun e!

"Buti nalang talaga." *sigh*

Tinanggal ko na ang salamin ko. Tinignan ko ang relo ko kung ilang minutes pa bago ang next class.

10 mins. before class.

10 mins pa. Pupunta na nga ako ng classroom.

Classroom: A-1

Nandito na ako sa room, konti pa lang ang mga kaklase kong nandito. May 8 mins pa kasi bago yung next class.

"Huy Hello Kitty? Saan ka ba galing at pawis na pawis ka?" sabi sakin ni Ayrenne. -_-

"Wag mo nga akong tawaging Hello Kitty! Wala! Galing lang ako sa field kaya pawis ako, ang init kaya."

"Eh ano namang ginagawa mo sa field?" tanong naman ni Chin.

"Nothing."

Maya-maya pa ay dumating na ang Hand-Boys. -_-

"Oh, here they are." mataray na sabi ni Cathryn.

Dadaan sila sa gilid ko, So sinulit ko na. Hinarang ko ng konti yung paa ko para matapilok sila o kaya yung isa man lang sa kanila.

"Excuse me." sabi ni Mysterious Guy tapos hinakbangan yung paa ko. What?!

"Miss, nakaharang yung paa mo. Baka makatalisod yan." sabi naman ni Kyle nang nakangiti. Arghhh!!

"Oh, Sorry." tapos inirapan ko sila. Moment ko na yun e! Yung matapilok sila!

"Hindi gumana yung plano mo. Haha!" bulong sakin ni Cathryn.

"Ibaldog kaya kita dyan." bulong ko din sa kanya na ikinatahimik naman niya. -_-

May isang studyante ang pumasok sa room namin.

"Excuse me po, hindi daw po makakapasok si Maam Judith, pero may ipapagawa po siya sa inyo."

Lumapit ako sa bata tapos ay kinausap siya.

"Uhm Si Maam Judith ba yung teacher namin sa History? Pakibigay naman to sa kanya oh. Yan yung pinapagawa niya sakin." Tapos inabot ko sa kanya yung paper work na pinagawa sakin ni Maam Judith.

"Ah sige po, mauna na ako." tapos umalis na siya.

"Athena! Athena! Isulat mo to sa board." sigaw ko sa secretary namin.

Kinuha naman niya ito at nagsimula nang magsulat.

"Tumahimik kayong lahat at kopyahin ang sinusulat ni Athena sa board." Sabi ko naman sa mga kaklase ko.

Sumunod naman sila agad sakin. Dahil kung hindi sila susunod, may punishment sila o kaya Black Card.

Umupo na ako sa upuan ko. Tapos bigla nalang akong hinila ni Ayrenne. Tinignan ko siya, ay hindi! Silang tatlo! ng nagtataka,

"Problem?" tanong ko.

"Hindi mo pa ba talaga sasabihin na ikaw ang queen dito? Ha Hello Kitty?" Bulong sakin ni Ayrenne.

Tinignan ko silang tatlo at sinabing "sasabihin ko din sa kanila, ngayong araw na to."

"Ngayon?!" sigaw nilang tatlo sakin.

"Oo ngayon." sabi ko na may kasamang nakakalokong ngiti.

To be continued...

The Girlfriends💘: Returns.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon