Eliza's POV.
25 mins pa bago yung first class.
Habang binabantayan ko ang oras, biglang may nakaagaw ng pansin ko. Napatingin ako sa Gate ng Academy, may paparating na grupo ng mga Lalaki, Apat na lalaki. Mukhang pamilyar yung isa sakin, hindi lang ako sure.
Mukhang hindi lang ako ang nakapansin nun, Kahit si Ayrenne na katabi ko lang ay napansin din. Kinakalabit niya ako.
Tinignan ko siya sabay sabing "Bakit?"
Ngumunguso-nguso siya sa mga lalaking papasok. Natatawa nga ako sa reaksyon ng mukha niya e, Haha! Epic.
"Sino yung mga yun Eliza?" sa sinabing yon ni Ayrenne, muling bumalik ang tingin ko sa mga lalaking papasok.
Kukuhanin ko pa lang sana yung logbook ng napansin kong nasa cafeteria na din yung apat na lalaking mukhang ngayon lang namin nakita.
Nakita kong mali ang porma ng suot na uniporme nung isa, Naka-baston ang pantalon ng kasama nila. Pupuntahan ko na sana sila ng biglang nag-vibrate ang phone ko.
1 new message receive.
From: Charlie Chiu [School Vice. Pres.]
Queen, kailangan ka sa SSG Office.To: Charlie Chiu [School Vice. Pres.]
Okay, be right there any minute now. Just wait, may inaasikaso pa ako.Konting oras nalang ang natitira bago magstart ang first class. Minabuti kong si Ayrenne nalang ang sumita sa mga lalaking iyon.
"Ayrenne? Pwede bang ikaw nalang ang sumita sa isang lalaking kasama nila? Yun oh," sabay turo sa lalaking naka-baston ang pantalon. "Naka-baston kasi siya. Swerte siya at hindi ako ang sisita sa kanya, Sabihin mo lang na naka-baston yung pantalon niya at may punishment yon. Linisin niya kamo ang buong cafeteria mamaya after class. Kapag nagmayabàng, bigyan mo ng BC. (Black Card) Okay?" Pagpapaliwanag ko kay Ayrenne.
"Okay Eliza." Tapos nagbeso-beso kami bago ako tumayo.
Nakita ko naman na agad pinuntahan ni Ayrenne ang lalaking iyon, nakita ko din na nagpapaliwanag na siya tapos tumango yung lalaki. Hindi ko na nakita yung mga sumunod pa na pangyayari dahil paakyat na ko sa hagdan papunta sa SSG Office.
Nakadating na din ako sa SSG Office, pumasok ako sa loob at bumungad sakin si Charlie na Vice President ng school. May kasama siyang lalaki na sa tingin ko ay 2nd year highschool.
"Anong problema dito? Bakit kailangan mo akong gambalain sa pagbabantay ng school? Importante ba yan?" Tanong ko na medyo naiirita. Pano ba naman kasi e!
"Uhm, may malaking kasalanan ang ginawa nitong batang ito," Sabi ni Charlie. "Nanuntok siya ng kamag-aral niya." Pagpapatuloy niya.
"Okay then, Dalhin niyo siya sa Royals Jail. Wag papakawalan hanggang mag-isang buwan. At pagkatapos ng isang buwan na 'yon," sabay tingin sa batang lalaki.
"Wala ka na dapat sa school na 'to, naiintindihan mo?" sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"O-Opo." sabi niya sakin na nauutal-utal pa. Yan, Okay yan. Matakot ka.
Pagkatapos ng paguusap naming 'yon, sinenyasan ko si Charlie na idala na ang bata sa Royals Jail. Tumango siya, at doon, umalis na ako.
Habang naglalakad-lakad ako, bigla na namang nag-vibrate yung phone ko.
1 new message receive.
From: Cutie Ayrenne💘
Hey? Nauna na kami sa Room A-1. And yung name pala nung boy na naka-baston kanina is Ethan Feliciano. Bago siya sumunod sa punishment niya, pinilosopo muna nila ako. Grr! Nakakainis. -_-Pinilosopo? Hah! Lagot sila sakin. Nagreply naman ako kay Ayrenne.
To: Cutie Ayrenne💘
Pinilosopo? Sila? Nakuha mo ba kung ano yung pangalan ng mga kasama niyang Mr. Feliciano na yan?
Sent/Wala pang limang minuto, nagvibrate na naman yung phone ko. Malamang si Ayrenne 'to.
1 new message receive.
From: Cutie Ayrenne💘
Yup. Natanong ko, syempre. Yung boy na singkit is John Kyle Monterde. The one naman na mukhang mabait ay si Yvan James Vasco. At yung isang mukhang leader nila, hindi sinabi kung ano ang pangalan. Kainis nga yun e! -_-To: Cutie Ayrenne💘
Hayaan mo na sila. Ako nang bahala. Okey? Hintayin niyo ako sa Room. Magbabantay lang muna ako dito. After 20 mins. Baka nandyan na ako. See'yah. :*
Sent/1 new message receive.
From: Cutie Ayrenne.
Okey. See'yah. :*Pagkatapos niyang sabihin kung ano ang mga pangalan ng grupo ng mga lalaking yon, maliban dun sa isa. Hinanap ko agad ang pangalan nila sa logbook, nakita ko naman ito agad.
Galing sila sa ibang academy. Ang Stars Academy. Ang Star Academy ay kalaban ng aming school. Hmm? Bakit naman sila lumipat sa school namin?
Tapos nakita ko pa ang ibang information nila sa logbook ko.
They are the famous group in Stars Academy. They are the Hand-Boys💞 which means Handsome Boys.💞
Yan ang nakalagay sa logbook ko. Waaaa? Sila ang famous group sa Stars Academy? Pero bakit? Bakit sila lumipat dito? Nakakapagtaka naman.
Tyaka hindi porket sila ang famous group sa Stars Academy, eh malalamang na nila ang girlfriends. That is a big big big NO.
Walang sinuman ang pwedeng makalamang sa grupo namin. At hindi sila pwedeng maghari-harian sa school namin kase ang GIRLFRIENDS Lang ang pwedeng gumawa non.💀
"Welcome Hand-Boys. Let the battle begins." yan nalang ang nasabi ko matapos mabasa ang information about Mr. John Kyle Monterde, Mr. Yvan James Vasco, Mr. Ethan Feliciano at ang isang kagrupo nila na hindi man lang sinabi kung sino siya.
Wait what? Bakit wala dito sa information nila kung sino yung lalaking yun?! Ayaw niya ba talaga malàman namin?!
Pwes. Kung ayaw mong magpakilala, hindi din ako magpapakilala sayo....
....Mr. Mysterious Guy.💀
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Roman pour AdolescentsThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...