Chapter 7: The Questionist.

34 1 0
                                    

Eliza's POV.

40 mins before class.

Yeah. Lunch break pa din hanggang ngayon. Naglalakad ako ngayon mag-isa sa hallway. Yung mga kagrupo ko naman, bumalik sa cafeteria, hindi na daw kasi nila kaya yung gutom. Psh.

Habang naglalakad ako, napansin kong parang ako lang ang tao dito sa hallway. Hmm?

Hinahanap ko yung cellphone ko sa bag, nang napansin kong nandito parin pala yung salamin ko.

"Isuot ko kaya?" tanong ko sa sarili ko. Tingin ko naman ayos lang e? Wala naman sigurong magiging problema. Diba?

Umupo ako sa sahig at sumandal. Sinuot ko na yung big eye glass ko. Hayst! Parang bumabalik tuloy yung nakaraan ko.

3 years ago...

"Oyy nerd! Haha! Ang pangit mo!"

"Tingin mo ba may magkakagusto sayo? Lol!"

"Sorry Eliza, pero napagtripan lang kita. Napagtripan ka lang namin. Hindi kita minahal. Sorry talaga."

"Haha? Okay. I understand. Sino nga ba yung magmamahal sakin diba? Sa panget na nerd na katulad ko diba? Aldrin?" sabi ko sa lalaking nanakit sakin. Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

Dinala nalang ako bigla ng mga paa ko sa gilid ng sapa. Ang tahimik dito. Nakakarelax ng katawan pati na din ng utak at puso.

"Akala ko minahal mo ko! Akala ko ikaw na yung lalaking magmamahal sakin habang buhay kahit ganito yung itsura ko! Shit! Akala ko lang pala!" Nagsisisigaw ako sa sapa habang binabato ko ang mga nakikita kong bato na nasa tabi ko.

Nanlalambot ako. Nanlalambot yung tuhod ko at bigla nalang akong napa-upo sa lupa. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala na akong mailuluha.

"Uhm miss? Panyo oh." May lalaking lumapit sakin at inabot ang panyo na hawak nya.

Ilang minuto ko itong tinitigan hanggang sa mapansin kong nangangawit na siya.

The Girlfriends💘: Returns.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon