Chapter 10: She is!

31 2 0
                                    

Eliza's POV.

Pagkatapos kong kausapin ang mga bakulaw na yun, pumunta na ako kung saan naka-pwesto sila Ayrenne.

"Hey Ayrenne! Bakit mo ko tinawag na Hello Kitty habang kinakausap ko sila ha? Ibaldog kita dyan e!" bungad ko kay Ayrenne.

"Sorry na? Eto nga pala yung papakita namin sayo." tapos may inabot siyang papel sakin.

"What's this?" tanong ko.

"Tignan mo, Tanga." sabi naman sakin ni Cathryn. Maka-tanga to. -_-

Demons Gang👿

Hey Queen. Nagsulat lang ako ng ganito para sabihin na magbabalik kami sa Royals Academy. By the way, nagtataka ka siguro kung sino kame. Kame ang dating Devils Gang na natalo niyo dati. Pero sinisigurado ko na hindi niyo na kame matatalo pa ngayon. Dahil mas malalakas na kame, nadagdagan na ng bagong mga myembro ang grupo namin. Kaya sa oras na magbalik kame, matatalo na kayo.

-Demzkie.💀

"What the?!"

"Relax lang Queen, hindi nila tayo matatalo." -Ayrenne.

"Oo nga, kahit gaano pa sila kadami ngayon, kahit isang dosena pa sila. Hinding-hindi nila tayo matatalo." -Cathryn.

"At hinding-hindi nila makukuha ang trono na meron tayo." -Chin.

"Pero Girls, kailangan nating maghanda." sabi ko. Nagaalala din kasi ako para samin. Ang dami ng what ifs na pumapasok sa utak ko.

"Maghahanda tayo, kung yan ang makakapag-panatag sa loob mo." sabi sakin ni Cathryn.

Lumabas na kami kung saan kami nagusap kanina, baka kasi may makadinig samin. Sa ngayon, babantayan ko muna si Ethan sa paglilinis niya.

Brix's POV.

Nang malaman ko kung sino ang School President/ Queen at leader ng Girlfriends, may naalala nalang ako bigla.

3 years ago..

"Anong pangalan mo?" tanong niya sakin.

"Brix,"       "Brix Azrael."      "And you?"

"Eliza,"      "Eliza Queeny."

-end of flashback.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung babaeng nakilala ko dati. Yung naabutan kong umiiyak sa gilid ng sapa. Yung babaeng iniiyakan yung nanloko sa kanya.

Tyaka nung nakita ko siyang nakasalamin, kamukha niya nga yung babaeng nakita ko dati. Siya yun! Siya yung first l--

"Hoy Mr. Mysterious Guy, tama na muna yung pagd-day dreaming! Haha!" Taena mo Kyle! Nakakagulat ka!

"Gagu! Day dreaming ka dyan! May naaalala lang ako."

"Sino naman yun Brix?" tanong sakin ni Yvan.

"Wala," sagot ko tapos may bigla akong naalala na gusto kong itanong kay Yvan. "Uhm, nga pala Yvan. San mo nakilala si Queen? Na tinawag mo pang Liza kanina?"

"Ah yun ba? Nakilala ko lang siya sa Music Room kaninang umaga bago magsimula yung klase. Pumasok siya sa Music Room, tapos pinakinggan niya akong mag-gitara tyaka kumanta. Tinanong ko yung pangalan niya tapos sabi niya Liza velasquez daw pangalan niya."

"Ahh. Wait? Di ba kaklase natin siya? Bakit hindi mo man lang namukaan?"

"Eh kase, nakasalamin siya kanina nung nakausap ko siya sa Music Room. Ang layo kaya ng itsura niya kapag nakasalamin tyaka hinde." sabagay, pati nga ako hindi napansin yun e.

"Uhm Brix? May nakilala ka ba dati na binigyan mo ng panyo?" tanong sakin ni Yvan. Huh?

"What? Wala akong maalala."

"Nagkwento kasi sakin si Queen nung Liza pa tawag ko sa kanya. Yun yung lunchbreak kanina, nakita ko siya sa Hallway naglalakad mag isa. Nahuli ko siyang may hawak na panyo."

"Panyo? Natanong mo ba kung kanino galing?"

"Oo, Syempre. Curious ako e. Sabi niya galing daw yun sa lalaki na kumausap sa kanya 3 years ago." 3 years ago? So baka nga ako yun? At baka siya yung babaeng nakilala ko sa gilid ng sapa?

"Ano daw pangalan?"

"May nakalagay kasi don sa panyo na Azrael👑. Tinanong ko full name ng nagbigay, sabi niya Azrael King daw. So nagbaka-sakali akong ikaw yun. Gusto na daw niya makita yung Azrael na yun."

"Pucha Yvan! Ako nga yung lalaking yun! Siya nga! Siya nga yung babaeng nakilala ko sa gilid ng sapa! Siya yung binigyan ko ng panyo 3 years ago!"

"Wait what? Akala ko ba wala kang matandaan na binigyan mo ng panyo?"

"Leche! Syempre 3 years ago na yun! Matagal ko na nga syang hinahanap e! Siya yung nagbigay sakin neto oh," tapos pinakita ko sa kanya yung kwintas na may pendant na Hello Kitty.

"Hello Kitty?" sabat naman ni Kyle. "Diba tinawag siya na Hello Kitty kanina ni Ayrenne?"

"Oo nga! Baka nga ikaw yung matagal na niyang hindi nakikita!" sigaw naman ni Yvan sakin.

"Anong balak mo Brix? Sasabihin mo ba na ikaw yon?" tanong ni Kyle.

"Oo, but not now."

"Why?" Sabay na sabi nung dalawa. Kailangan duet?

"Remember? I am Mr. Mysterious."

Tapos nagtinginan silang dalawa.

"Tsss. Wag nyo na nga isipin yon. Basta ako na bahala."

They just nod. Ayos kausap. -_-

"Basta Yvan, stay close to her. Pwede?" sabi ko kay Yvan.

"Bakit naman?"

"Alamin mo lahat ng tungkol sa kanya. Basta, kaibiganin mo."

"Hmm. Okey, mabait naman siya e."

"Mabait?! Sa tingin mo mabait yung sađistang babae na yon?!" sabat naman ni Kyle.

"Kyle, mabait siya. Kailangan niya lang magmukhang nakakatakot kase leader siya. School President at Queen." Paliwanag naman ni Yvan.

"Bakit kailangan pa?" naku Kyle! Masasapak na kita!

"Syempre! Para matakot yung mga studyante dito at sumunod sa kanya! My God Kyle! Masasapak kita e!" sigaw ko kay Kyle.

"Chillax. Okay-okay." sabi nito at tinaas pa ang dalawang kamay para sabihin na okay na.

To be continued...

The Girlfriends💘: Returns.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon