Eliza's POV.
Pumasok na ako ng bahay. Sinalubong naman ako kagad ni Maid Roxanne.
"Good Evening po, Queen." tapos yumuko siya.
"Where's Auntie?" bungad ko naman dito.
"Ahh, Nandun po sa dining room. Pinapakain si Ella, ayaw po kasing kumain." sabi naman niya.
"Okay.."
Pumunta ako sa dining room, naabutan ko naman don si Auntie Grace tyaka si Ella, na halatang ayaw pa nga kumain.
"Hello Auntie, Hello Ella." bati ko.
"Noona!" sigaw ni Ella tapos tumakbo papunta sakin.
"Bakit ngayon ka lang Eliza? Saan ka ba galing?" tanong ni Auntie.
"Sa school po Auntie, binantayan ko po yung napunishment."
"Noona! Sabayan mo akong kumain, please?" sabi naman ni Ella. Nako po! Itong batang to talaga!
"Oo nga pala, ayaw kumain niyang kapatid mo nang hindi ka kasabay." sabat naman ni Auntie.
"Ah ganun po ba? Sige, tara Ella. Kain na tayo. Gutom na ako e." sabi ko.
"Yehey!" Tuwang-tuwa yung kapatid kong umupo sa upuan. Nagsimula na din kaming kumain kasama si Auntie Grace.
Kinwento ko sa kanila yung mga nangyari samin kanina sa school
"Tyaka Auntie, alam mo ba. Yang si Noona, kabago-bagong salta nung mga lalaki, binigyan kagad ng Black Card." Hala Ella! Ang daldal mo!
"Bakit naman Eliza?" sabi naman ni Auntie.
"Auntie, samin nalang po 'yon." tapos naglagay ako ng inumin sa baso.
"Hayst Eliza, naka-ilang sabi na ba ako sayo na bigyan mo lang sila ng Black Card kung sobra at hindi tama yung ginagawa nila." tapos umiling-iling si Auntie.
"Auntie, Ako na pong bahala don. Wag na po kayong mag-alala. Pahinga na po ako." tapos umakyat na ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama na akala mo ay pagod na pagod. Hayst!
Bigla namang tumalon sakin si Princess, yung pusa ko.
"Hi Baby! Nakakapagod yung araw na to, alam mo ba yon?"
"Meow."
"Tulog na tayo ah?"
"Meow."
Tapos pinatay ko na yung lamp shade sa tabi ng kama ko. Hindi ko na pinatay yung ilaw sa kisame kase nakapatay na naman. Oo, madilim sa kwarto ko. -_- Eh gusto ko sa madilim e!
Hindi pa ako nakakatulog, bigla nalang nagring yung phone ko.
Unknown No. Calling....
Huh? Sinong gago ba ang tatawag sa dis-oras ng gabe? Hmp! Bahala na nga! Sinagot ko naman to.
*yawn* "Hello?" Sabi ko habang kinukuskos ko yung mata ko.
Aba? Gago ba to? Ayaw sumagot e?
"Hello? Sino ba to?" tanong ko.
"Hello?! Sino ba kasi to?!" paguulit ko ng tanong. Pucha! Naiinis na ako ah!
"Kung ayaw mong sumagot ed--"
[Wait.] omo! Nakakatakot naman boses neto! Sino ba kasi tong hype na to?!
"S-sino ka ba?" Shit! Nagcr-crack yung boses ko! Nakakatakot ka naman kasi e!
[King.]
"H-Huh?"
[Azrael.] Wait what? King? Azrael? Omo!
"Azrael King?!" napasigaw ako.
"Eliza? Bakit ka sumisigaw? May problema ba?"
"Ah wala po auntie! Nagulat lang ako kay Princess!"
"Ah sige, matulog kana." Phew! Buti nalang nakalusot ako.
Nadinig ko siyang mahinang tumawa.
"Seriously? Azrael King? Is that you?" tanong ko sa kanya. Syempre! Kailangan sigurado!
[Yeah. How are you? Eliza?] tanong niya. Omo! Siya nga to!
"Im f-fine, T-thank you. You? How are you?"
[Okay lang din. Uhm, ano. Yung panyo ko? Na sayo pa din ba?]
"Oo naman. Iningatan ko. Balak ko pa kasing ibalik sayo e. Hehe."
[Ah Ganun ba? Ow. Yung kwintas pala na binigay mo.]
"Ano?"
[Here, nasa akin pa.] Hayst! Salamat!
"Oh, Great. Uhm, nasan kana pala ngayon?"
[Hindi mo na ba iniyakan pa ulit yung mga taong hindi ka naman minahal?] Wow. Dinedma niya yung tanong ko. Great job, Azrael. Pagpatuloy mo. -_-
Wala na din akong nagawa, syempre sinagot ko yung tanong niya.
"Uhm, Oum. Ginawa ko yung sinabi mo."
[Effective? Right?]
"Yeah, I think so."
[Oh, Good night na Eliza. Matulog kana. See you soon.] Sabi niya tapos inend na yung call.
What? See you soon? Ibig sabihin ba non, magkikita na kame ulit?
Nah. Ayokong mag-assume.
Sinave ko yung number niya sa phone ko. Pero teka nga? Kanino niya nakuha tong number ko? Nakakapagtaka naman.
Hmp! Makatulog na nga lang! Maaga pa akong gigising bukas para pumasok. Argh! Pasok na naman! Kainis!
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Teen FictionThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...