Cathryn's POV.
Hayst! Nakakatamad dito sa bahay. Sabi ko naman kasi kila Ayrenne na ngayon nalang gumala e! Bakit kasi bukas pa? Nakakainis. -_-
Heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakad sa kawalan. -_- Aminin mo? Nilagyan mo ng tono yung pagbabasa. Pero sorry ka, hindi ako kumakanta. -_-
Habang naglalakad ako pababa ng hagdan namin, nakita ko yung isang maid namin.
"Good morning po, Lady Cathryn." sabi ng maid namin.
"What's good in the morning?" sabi ko sa kanya in sarcastic tone. Jusko Yaya, not now. Please. -_-
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Napagdesisyonan kong pumunta nalang sa park malapit sa village namin. Ayos lang naman tong suot ko kaya hindi na ako mag-aayos. Naka-White plain t-shirt ako tyaka pinatungan ng black na blazer tapos leggings yung pang-ibaba ko, yung buhok ko, nakalugay lang.
Naglakad lang ako papunta sa park, malapit lang naman e. Tyaka hindi naman mainit yung sikat ng araw kaya hindi masakit sa balat. Samahan pa nito ang napaka-lamig na simoy ng hangin. Hayst. Refreshing. ~.~
Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad, may nakita akong lalaking naka-black and white na jacket, his hands are in the pocket of the jacket, tapos nakalagay sa ulo niya yung hood nito. He looks cool.
Hindi ko na siya pinansin pa, nakatalikod naman siya sakin e. May nakita akong nagtitinda ng taho, kaya naman bumili ako.
"Kuya, 10 pesos nga po." sabi ko sa nagtitinda ng taho.
Tinitignan ko si Kuyang nagtitinda ng taho habang nilalagay ang mga sangkap ng taho sa isang plastic cup.
Napansin kong may katabi na pala ako, Oh! siya yung lalaking nakaBlack and white na Jacket. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ng hood nito ang kalahating mukha niya. Bumibili din siya ng taho ngayon.
Maya-maya pa ay inalis niya yung hood na nakatakip sa kalahati ng mukha niya. I gasped in shock! Muntik ko na ngang malunok ng buo yung mga sago sa bibig ko e! Si..
"John Kyle Monterde?!" sigaw ko na ikinagulat naman niya.
"Cathryn? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin. -_-
"Bakit? Ikaw ba may-ari? Masama bang pumunta dito?" sagot ko sa kanya ng pabalang. Kainis e! Day off naman sa mga pang-aasar oh!
"Hindi. Siguro sinusundan mo ako noh? Stalker kita noh?" Wow! Nice men. -_-
"Ikaw? Sinusundan ko? What the hell. Ang taas ng self-confidence mo, brad."
"Totoo kasi yung mga sinasabi ko."
"Anong totoo?!" pasigaw kong sabi. MyGhad! Nakakahiya, napatingin sakin lahat ng bumibili kay Kuyang nagtitinda ng taho. >.<
Nagulat ako nang biglang may humila sakin palayo sa lugar. Hinila ako ni Kyle. -_-
"Sige, ipahiya mo yung sarili mo." sabi niya sakin nang bitawan ang braso ko.
"Whatever." Then I rolled my eyes. Nakakagigil siya. -_-
"Yung totoo, ano ngang ginagawa mo dito?" that time, nakita kong seryoso na yung expression ng mukha niya. Kaya sumagot nalang din ako ng seryoso.
"Wala lang, nakakatamad kasi sa bahay. Wala akong magawa, kaya pumunta ako dito sa park." sagot ko sa mahinahon na tono.
"Eh bakit hindi kayo gumala ng mga kaibigan mo?" tanong niya ulit sakin tapos sumipsip sa dala niyang taho.
"Ayaw nila e, pahinga muna daw. Tyaka, gagala naman kami bukas. Yun nga lang, bukas pa." sagot ko sa kanya tapos sumimangot habang sumisipsip sa taho na dala ko.
"Pareho pala tayo. Bukas pa din kami gagala nila Brix e. Same reason din, pahinga muna daw. Aish! Pinagsabihan pa nga ako ni Yvan e, matuto naman daw akong magpahinga." sabi niya tapos nag-pout. Hala! Ang cute niya! Hindi ko tuloy napigilang tumitig sa kanya nung time na yon.
"Cathryn?"
"Uy Cathryn?!"
"CATHRYN!""Oh ano ba?!" sagot ko sa mga sigaw niya sakin. Lah? Anyare sakin?
"Kanina ka pa kaya nakatulala sakin, nakakailang." sabi niya tapos umiwas ng tingin. Ayy? Marunong pala siyang mailang? Di ako na-orient. ~.~
"Cathryn? Gusto mo bang tayo nalang ang gumala ngayon? Wala ka namang kasama, tapos ako din." suggestion niya sakin. Hmm. Eh diba, enemies kami? Dapat magkaaway kami, diba?
"Just for once, maging friends naman tayo." sabi niya ulit na parang nabasa kung ano ang iniisip ko.
"Hmm.. Okay!" sabi ko sa kanya ng may malaking ngiti sa aking mga labi.
Madami kaming pinuntahan ni Kyle, nagfood trip kami, tapos pumunta kami ng mall. Tapos pumunta din kami sa Tom's World. Pumunta kami sa Starbucks, tapos pumunta din kami sa Dairy Queen. Bumili kami ng Ice Cream na Rocky Road ang flavor. Grabe! Pareho pala kami ng hilig sa Ice Cream!
Tapos nagkwentuhan kami sa loob ng tinatawag nilang Secret Garden. Ang ganda dito, para kang nasa fairytale.
Nagkwento siya tungkol sa mga kaibigan niya, which is Hand-Boys. Tapos nagkwento din ako tungkol saming mga Girlfriends, para fair kami.
Sa mga oras na magkasama kami buong araw, feeling ko matagal ko ng kilala si Kyle. Ang gaan ng loob ko sa kanya. At parang ganun din naman ang nararamdaman niya. Ramdam ko kasi yung bawat pagtawa niya, hindi lang basta tawa kundi halakhak. Wala kaming pake kung pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan sa harap namin. Basta ang alam ko ngayon, nageenjoy ako, with this guy.
"This is the best bonding ever!"sigaw ni Kyle nang magpunta kami sa gilid ng sapa.
"Yeah, This is the best enemies bonding ever.." bulong ko.
Ang saya-saya ko with Kyle! Yun ang tanging nararamdaman ko ngayon.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Teen FictionThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...