Ayrenne's POV
"Hayst! Nakaka-antok naman 'tong history class natin." Nadinig kong bulong ng katabi kong si Cathryn. Totoo naman na nakaka-antok. -_-
5 days na ang nakalipas bago ang punishment ni Ethan na maglinis sa buong cafeteria. Ganon pa rin naman yung takbo dito sa Royals Academy, magmamayabang yung mga Hand-Boys na yon, tapos ipa-punishment ni Eliza, tapos mamimilisopo sila.
Sa isang linggo namin, feeling ko nakalimang taon na kami dito sa school dahil sa pagod. -_- Buti nalang talaga at sabado na bukas, makakapag-pahinga na kame. -_-
"Okay, Class dismiss.." muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang madinig ang mga salitang yan mula kay Maam Judith. Whooo! Class dismiss na! It means, Lunch na beybe!
"Tara na? Kain na tayo." Sabi ni Eliza. Oo nga, gutom na din ako kanina pa. Aish! -_-
"Saan tayo kakain?" tanong naman ni Chin sa amin.
"Sa bibig, malamang." sabi naman ni Cathryn. Eh? Taray ah. Haha.
"Taray neto," sabi ko kay Cathryn sabay irap. "Don nalang tayo kumain sa food chain sa labas." suggestion ko sa kanila.
"Ahh. Sige, tara. Balita ko masarap daw yung mga pagkain nila don." sabi naman ni Eliza. Hayst Hello Kitty! Lagi ka nalang sumasang-ayon sakin. Labyu na! Haha.
"Tara," sabay na sabi naman ni Chin tyaka Cathryn. "Gutom na ako ee." sabay nila ulit sinabi.
"Kailangan duet?" sabi ko tapos nagtawanan na kami.
Lumabas na kami ng room nang makasalubong namin ang Hand-Boys.
"Saan tayo kakain guys?" nadinig kong tanong ni Kyle sa mga kasama niya.
"Tara, dun tayo sa food chain sa labas ng school." sabi naman ni Brix. Lah? Dinga? Gaya-gaya ba sila?
Tapos non, tumakbo sila sa corridor, tinignan ko naman agad si Eliza.
"Loko yung mga yun ah, di ba nila alam na bawal tumakbo sa corrridor?" Sabi ni Eliza habang naka-kunot ang noo. "Mamaya lang talaga, makakatikim sila sakin." Pagpapatuloy niya.
Nandito kami ngayon sa labas ng school, naglalakad papunta sa food chain na kakainan namin. Malapit lang naman yun dito sa school kaya napagdesisyonan namin na maglakad nalang.
"Ang init-init naman! Yung white beautiful skin ko, mangingitim ee!" narinig kong reklamo ni Cathryn. Arte, Haha!
"Eto payong oh," sabi ni Eliza tapos binigay yung payong kay Cathryn. "Magpayong ka, para di ka mainitan. Tyaka para hindi mangitim yung white beautiful skin mo." tapos nagtawanan kami. Eto naman kasing si Cathryn e, ang arte! Haha!
Nasa tapat na kami ng food chain. Pumasok na kami sa loob, Hayst salamat! Konti lang yung tao, tanghaling tapat kasi e.
Naghanap kami ng table na sakto sa aming apat, nakakita naman kami agad.
"Ano order niyo guys? Pili na kayo sa menu." sabi ni Chin.
"Kayo na bahala, kung ano sa inyo, ganun din yung akin."sabi ni Cathryn.
"Same here." sabi ko naman. Wala akong time para magbasa ng menu. Nakakatamad. Si Eliza lang naman mahilig magbasa saming apat e.
"Uhm, Okay. Eto nalang, chicken w/ rice tapos drinks? Just like our favorite." tanong ni Eliza tapos kumindat. Yum! Favorite naming lahat yon!
"Sige!" sigaw naming lahat.
"Ate! Ate!" sigaw ni Eliza sa babaeng kumukuha ng orders.
"Yes maam?" tanong ng babae.
"Ito po order namin,apat na order ng chicken w/ rice tapos drinks." sabi naman ni Eliza.
"Dessert maam?" tanong ulit ng babae.
"Uhm, Ano girls?" tanong ni Eliza samin. Hmm, Ahh! Alam ko na!
"Special Halo-Halo!" sigaw ko na narinig kong sigaw din naman ni Cathryn tyaka Chin. Wow! Magkakaparehas talaga kami ng favorites ng mga kaibigan ko!💕
"Narinig mo naman yata sila diba?" tanong ni Eliza sa babae habang nakangiti.
"Apat din po ba?" tanong na naman ng babae, seriously? Hindi ba obvious?
"Di ba obvious?" mataray na sabi ni Chin. "Bilisan mo na, yan lang order namin. Nagugutom na ko." sabi ulit niya.
"Ahh.. Ehh.. Sige po!" sabi nung babae tapos umalis na.
"Tinakot mo, Chin Katelyn Jimenez." sabi ko kay Chin tapos nagtawanan kami.
Maya-maya pa ay dumating na din ang order namin.
"Whoo! Finally!"
"Shit! Bat ang tagal? Gutom na gutom na kami!"
"Bat ngayon lang?"
"Madami bang umorder? Eh konti lang naman tao dito ah."
Sunod-sunod naming tinanong ang babaeng kumuha ng order namin. Gutom na kaya kame!
"Ahh.. Ano po.. Nasira po yung isang kalan sa kusina kaya natagalan y-yung order.." sabi niya.
Bigla akong napalingon sa mga lalaking nakaupo malapit sa table namin. Omo! Ang Hand-Boys! Bakit sila nakangisi samin? Hindi lang basta ngisi ah! May halong nakakaloko!
Teka nga, may kinalaman kaya tong mga mokong na to sa nangyari?
"Uhm, Sige po. Salamat nalang." sabi ni Eliza. Nagpasalamat pa siya don ah! Tapos umalis na yung babae. -_-
"Uhm, Eliza? Good news, makaka-kain na tayo. Bad news.." sabi ko tapos napahinto, tumingin ako sa mga lalaking monggoloyd na nakangisi samin.
"What?" tanong ni Eliza habang nakataas ang isang kilay.
"Bad news, mukhang di tayo makaka-kain ng maayos dahil sa mga lalaking nakangisi satin ngayon.." pagpapatuloy ko.
Napa-tingin naman sila Eliza sa mga tinutukoy ko.
"What the.." narinig kong sabi ni Eliza.
"Oh please, are you kidding? Pati ba naman sa pagkain natin, mangugulo pa sila? Bitch please." sabi naman ni Chin.
"What the hell are they doing here?" sabi naman ni Cathryn.
"Isn't obvious? Syempre guguluhin nila tayo." sabi ko naman. "May hinala nga ako na sila ang may pakana kung bakit natagalan yung pagkain natin e." pagpapatuloy ko.
"Fuck them." sabi nilang tatlo. Geez.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Teen FictionThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...