Ayrenne's POV.
"Gabi na. Ano pang ginagawa mo diyan sa labas?" tanong sakin ni Mommy.
"Ahh.. Wala lang po mommy, malamig kasi dito ee.. Fresh yung hangin.." sagot ko sa mommy ko.
"Ah ganun ba? Pumasok kana maya-maya ah? Masyado nang malamig mamaya." sabi niya. I just nodded tapos umalis na siya.
Sa buong araw ko dito sa bahay, wala akong ginawa. Nagmuni-muni nga lang ako e. -_-
Naisip ko, ano kayang ginagawa ng mga kaibigan ko ngayon?
Napatingin ako sa isang bahay na malapit lang samin, bumukas ang pinto nito at may lumabas na isang lalaki. Parang pamilyar siya sakin.
Sakto naman na nasa labas din ako ng bahay. Naglakad-lakad ako kase nangawit na ako sa pwesto ko kanina. Hanggang sa matapatan ko ang bahay kung saan lumabas ang pamilyar na lalaki sakin.
Nakita ko siyang nakaupo sa tapat ng bahay nila. Pinagmasdan ko siya, pilit kong tinitignan ang mukha niya pero di ko makita. Sigurado ako na pamilyar siya sakin e?
Bigla naman niyang inangat yung ulo niya tapos napatingin siya sa direksyon ko. Hala!
Umiwas naman agad ako ng tingin, tumingin ako sa langit tapos pinagmasdan ang mga kumikislap na mga bituin.
"Wow. Ang ganda." Wala sa sariling sabi ko. Ang ganda talaga niya, ang dami mong pwedeng mabuong constillation.
"Mas maganda ka pa dyan." biglang may pamilyar na boses ang nagsalita.
Napatingin naman ako agad sa lalaking nasa harap ko ngayon, Omo! Siya yung lalaking nakatira sa bahay na to! How can be?! Bakit dito siya nakatira?!
"Ethan?"
"Ako nga. Bakit? Nag-iba na ba yung mukha ko? Mas gumwapo na ba?" sagot niya. Argh! Kahit kailan talaga! Napaka-hangin. -_-
I smirked, "Taas ng self-confidence." tapos umirap ako sa kanya.
"Bakit nga pala nasa labas ka pa? Gabi na. Baka mamaya kung ano pang mangyari sayo." Sabi niya. Wait, nag-aalala ba siya?
"Hindi ako nag-aalala," sabi niya na para bang alam kung ano ang iniisip ko. "Baka kasi mawalan ng isang member ang grupo ng Girlfriends e." pagpapatuloy niya.
"Edi nag-aalala ka nga." sabi ko habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Huh? Hindi no!"
"Haha! Deffensive!" pang-aasar ko sa kanya.
"Luh?!" Haha! Naiinis na siya! Ang cute niya kapag naiinis! Wait what? Tama ba yung sinabi ko?
Erase. Erase. >.<
"Natahimik ka?" Ayy palaka! Nakakagulat ka Ethan! Gusto niya ba akong atakahin sa puso?!
"Wala lang." sabi ko tapos umupo ako sa gilid ng kalsada, malinis naman e.
Sumunod siya sakin tapos umupo siya sa tabi ko.
"Tingin mo ba, magiging magkaibigan din tayo?" Muntik na akong mabilaukan kahit wala naman akong kinakain dahil sa sinabi ni Ethan.
"Bakit mo naman natanong yan?" sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"Eh kasi, nagkwento sakin kanina si Yvan tyaka si Kyle. Nainggit ako." tapos nag-pout siya. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niyang pag-pout.
"Bakit naman naiinggit ka?"
"Eh kasi si Yvan tyaka Chin, nagbonding kanina sa EK, si Kyle naman tyaka si Cathryn, nagfood trip tapos pumunta ng mall, kumain sa starbucks, nagTom's World, inshort, nagbonding din." Tapos nag-pout na naman siya. I cant help to smile when he's pouting!
"Bakit nakangiti ka?" tanong niya sakin. "Iniinis mo ba ako kasi wala akong ka-bonding katulad nila?" kita ko talaga yung inggit sa mukha at mata niya.
"Ang cute mo." sabi ko. Hala! Ano bang sinabi ko!
"Talaga?" tanong niya. Aish! Magpapaka-honest na ako! Sasabihin ko hindi!
"Oo." Hala! May sariling buhay na yata ang bibig ko e!
Tapos pinisil ko siya sa pisngi niya, May good side naman pala tong si Ethan, akala ko puro yabang lang ang alam niya. May pagka-isip bata din pala siya.
"Aray! Mashaket! Tigilan muh ngaaa!" reklamo niya. Haha! Nakakatuwa din pala siya minsan.
Tinigil ko naman ang pagkurot sa pisngi niya kasi namumula na.
"Masakit ba?" tanong ko habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ni Ethan na namumula. "Sorry, di ko napigilan. Ang cute mo kasi e." sabi ko habang hinihimas pa din ang pisngi niya.
"Ahh.. Ehh.. Okay lang.." tapos umiwas siya ng tingin. Teka? Nahihiya ba siya? Tyaka paanong namula agad ang pisngi niya, Eh mahina lang naman yung pagkurot ko? Wag mong sabihin na..
"Ethan, nagba-blush kana. Hindi naman masakit yung kurot ko e." sabi ko pero hawak ko pa din yung pisngi niya.
"H-ha? Nagba-blush? Hindi no!" tapos hindi pa din siya makatingin sakin, haha! Confirm. Nagba-blush nga siya.
"Okay lang namang kiligin sometimes e, wag kana mahiya." biro ko sa kanya, may nakita akong nagtitinda ng fishball. "Yun oh! May fishball! Tara, bili tayo!" Sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya para mahila ko siya.
Habang kumakain kami ng fishball, tahimik pa din siya. Problema neto? Binibiro ko lang naman siya kanina e, masyado niyang sineryoso. Ahh alam ko na!
"Ethan? Wag kana mainggit sa mga kaibigan mo dahil lang may nakabonding sila kanina. Hindi mo ba alam ang ginagawa natin ngayon?"
"Hinde?" Nagtatakang tanong niya.
"Psh. Stupid, nagbabonding tayo." tapos inirapan ko siya.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap sa tagiliran ko.
"Oh? Problema mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Thank you."
"For what?" Nagtataka na talaga ako ah.
"Kasi may nakabonding din ako. Alam mo bang first time kong magkaroon ng kabonding?" sabi niya.
"First time?"
"Yup. Never pa akong may nakabonding, kahit parents ko hindi nagawa sakin yun. Kaya ikaw ang first bonding ko, at hinding hindi ko makakalimutan ang bonding moment na to." Tapos humiwalay na siya sakin. I cant imagine na ako ang first bonding niya.
"This is the best bonding ever!" Sigaw ni Ethan. Kita ko sa mga mata niya ang sobrang kasiyahan.
"Yes, this is the best." tugon ko habang nakatitig sa masaya niyang mukha.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/104972657-288-k664706.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Teen FictionThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...