Chapter 21: How bad am I?

51 2 0
                                    

Eliza's POV.

Kringgggg! Kringgggg!

"Ugh." tapos pinindot ko ang alarm clock na nasa table sa tabi ng kama ko.

Ang ganda ng panaginip ko. ^_^ Ang bait-bait ni Brix sa panaginip ko. Feeling ko, he is one of my friends. Magkatabi daw kami kagabi sa isang bench, tapos sinandal niya yung ulo ko sa balikat--

"Wait what?" napabalikwas ako bigla sa kama ko nang maalala yon. Panaginip nga lang ba yon? Oh, what the fudge. -_-!

Tinignan ko agad ang phone ko, Omo! Hindi panaginip yon! That was all fucking true! Totoo lahat ng nangyari kagabi! Gosh!

"Noona? Are you awake?" Biglang may kumatok sa kwarto ko, boses yun ni Ella mula sa labas ng kwarto ko.

"Oh! Yes Ella, Come in." Gulat na sagot ko naman.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito ang kapatid kong nakasuot parin ng pajama at oversize na t-shirt. How cute she is.

"Good morning, Noona!" masiglang sigaw niya sakin. "Wala kang gagawin?" tanong niya.

"Good morning, Hmm.. Gagala kami mamaya nila Ayrenne, Why?"

"Oh, I see. Sayang, magpapasama sana ako sayo sa mall. Bibili kasi ako ng clothes tapos new shoes. Luma na kasi yung nandon sa room ko e? Yung iba, sira na din."

"Ah. Ganun ba? maybe next time." sagot ko tapos ngumiti.

"Nga pala! Hinatid ka na naman nung gwapong lalaki dito sa bahay kagabi, nasa labas ka na naman ba? Nakatulog kana daw kasi sa balikat niya kaya hinatid kana niya dito." Holy shiz! So, totoo nga yung mga nangyari kagabi! >.<

"Ah, ano.. Oo, nasa labas ako kagabi, nagpapahangin.. tapos ano, nakita ko siya tapos inantok na ako nung sinandal niya yung ulo ko sa balikat niya." pagpapaliwanag ko kay Ella.

"Kung hindi lang kayo friends? Aakalain ko talagang mag-on kayo. Hihi. Pero Noona ah, bagay kayo." tignan mo tong kapatid ko, ang bata-bata pa, may alam na sa on-on na yan. -_-

"Ahh? Tsss. Ewan ko sayo, lumabas kana nga! Maghihilamos na ako. Ikaw din, ang baho na ng hininga mo." sabi ko sa kanya.

"Grabe ah! Sapakin kita e." tapos lumabas na siya sa kwarto ko.

Hayst, yung kapatid ko talaga. -_- High School na, isip bata pa. -_-

Naghilamos na ako at nagpalit ng damit. Blue t-shirt designed in Hello Kitty, tapos short na above sa knees ko. Tapos nilugay ko ang medyo brown kong buhok.

Bumaba na ako ng hagdan at pumunta sa dining room. Naabutan ko ang Auntie ko na naghahanda ng plato para sa pagkakainan namin.

"Good morning Auntie." sabi ko kay Auntie tapos niyakap siya mula sa likod.

"Oh, Good morning. Mukhang maganda ata gising ng alaga ko ah?" tanong niya sakin tyaka ko kinalas ang yakap ko mula sa kanya.

"Hmm, siguro kasi masarap tulog ko?" sagot ko tapos umupo na ako at nagsimulang kumain.

"I see. By the way, sino ba yung lalaking naghahatid sayo dito sa bahay sa tuwing nakakatulog ka sa labas? Is that your boyfriend?"

Muntik na akong mabulunan nang marinig ko ang sinabi ni Auntie, binigyan niya naman ako kaagad ng tubig.

"Auntie naman? Ofcourse not! Masyadong mayabang ang taong yun. He's not my type." I guess.

"Mayabang? I think his not. Sa simpleng paghatid niya sayo lagi dito pauwi, mabait na siya nun. Dahil kung hindi, pinabayaan ka lang niya last time na maabutan ka niya sa parking lot na pagod na pagod.." Oh, that is reality slap to me. Hindi ko man lang naisip yung mga nagawa niyang mabuti sakin kasi ang nakikita ko lang sa kanya ay yung bad side niya. Nakakahiya. >.<

"One more, nakapag-Thank you ka na ba sa kanya?" Hmm. Nakapag-thank you na ba ko? Hindi ko maalala kung--

Oh shit! Hindi pa!

Umiling lang ako kay auntie kasi may laman yung bibig ko. Bawal daw kasi magsalita habang may laman yung bibig mo, So I did.

"Oh, that's bad Eliza. Bakit hindi pa?"

Uminom ako ng tubig at tyaka nagsalita. "Nakalimutan ko." Maikling sagot ko, tyaka ko pinagpatuloy ang pagkain.

"Mag-thank you ka mamaya." sabi ni auntie tapos umalis sa dining room. Gagawin ko ba? Sa pagsabi lang ng simpleng thank you, parang torture na sakin e. Pero dapat nga gawin ko. I guess?

"Noona, ang bad mo! Hindi mo ko hinintay sa pagkain!"

"Ayy palaka!" Jusko! Nakakagulat ka Ella! Buset! -_-!

"Wait for me!" tapos mabilis na umupo sa upuan katapat ko. Kumuha siya agad ng pagkain at nilagay sa plato niya.

"Anong iniisip mo, Noona?" bigla niyang tanong habang nakatitig ako sa pagkain na nasa harap ko.

"Hindi pa ako nakakapag-thank you."

"Huh? Kanino?" kahit kailan talaga slow tong kapatid ko e. -_-

"Kay Brix."

"Oh, Oo nga no? Ayy. Hindi ka pa pala nagth-thank you? How bad are you Noona." tapos nag-pout siya. Masasapak ko na to e, konti nalang. Oo na! Masama na! Kailangan paulit-ulet? -_-

"Psh." tapos tumayo ako sa kinauupuan ko at akmang pupunta sa kwarto ng marinig ko ang boses ni Ella.

"Hey noona! Where are you going? Did I say something wrong?" sigaw niya nung nasa hagdan na ako.

"Nothing." maikling sagot ko.

Yeah, they are right. How bad am I?>.<

To be continued...

The Girlfriends💘: Returns.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon