Eliza's POV.
Pagkatapos naming kumain sa food chain, bumalik din kami agad sa academy. Baka kasi kung ano na ang magawa ko sa mga mokong na yun e.
"Here." sabi sakin ni Chin matapos iabot ang bote ng inumin. Bumili kasi siya ng pagkain, nakisabay lang ako sa pagbili.
"Uhm, by the way girls. Sabado bukas. Wala ba kayong plano? I mean, Gala? Or something.. Enjoying?" tanong samin ni Cathryn. Traveler talaga tong si Cath. Hilig gumala e.
"Sus! Hindi ba pwedeng magpahinga muna? Mapagod ka naman minsan Cathryn." Reklamo ni Ayrenne.
Balita ko kase, masyado nang stressed si Ayrenne sa isang buong linggo namin sa school. Halata mo sa kanya na gusto na talaga niyang magpahinga muna.
"Ang K-Kj niyo. Free naman tayo bukas ee." pagmamaktol ni Cathryn.
"Hmm.. Maybe sa sunday nalang? May kailangan din kasi akong asikasuhin ee.." sabat ko sa kanila.
"Uhm, Okay! Sa linggo nalang." pagsang-ayon naman ni Chin tyaka Ayrenne.
"Ehh, Okay." sabi naman ni Cathryn. "Sunduin ko kayo." pahabol niya.
"Okay!" sabay-sabay namin tugon.
Naglalakad ako ngayon sa corridor ng MAG-ISA. Hmp! Pano ba naman kase, yung mga kasama ko, iniwan ako dun sa bench kanina. Magc-CR lang daw sila.
Hindi ko na sila hinintay. Ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako ee. Kaya napagdesisyonan kong mauna na sa classroom namin.
Habang naglalakad ako, may nakita akong lalaki na nakaupo sa sahig, nakasandal yung ulo niya sa pader tapos may hawak siyang kwintas tapos tinitignan niya ito.
Habang papalapit ako nang papalapit sa kaniya, naaninag ko na kung sino yung lalaking naka-upo. Hala! Si--
"Brix? Right?"
Bigla naman niyang tinago yung hawak niyang kwintas nang marinig yung boses ko.
"Ah, Ikaw lang pala. Akala ko kung sino." narinig kong sinabi niya. Sungit! -_-
"Bakit mag-isa ka dito? Nasan yung mga bakulaw mong kasama?" tanong ko sa kanya.
"Bakit interesado ka?" sagot niya. Nagtanong ako tapos nagtanong din siya? Wala yata siyang manners. Dapat sagutin niya muna yung tanong ko bago siya nagtanong diba? -_-
"Wrong answer." sagot ko nalang pabalik sa kanya at nagpatuloy na ng paglalakad.
"Wait." sabi niya tapos tumayo siya sa kinauupuan niya.
"Why?" tanong ko habang nakatalikod pa rin.
"Ahh.." now what? Kakasabi ko lang na ayaw kong pinaghihintay ako e.
Naglakad nalang ako ulit. Hindi naman siya nagsasalita e. -_-
"Sabay na tayo." that make me stop again. Sabay? K-kame?
"Key." tapos nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Maya-maya pa ay nakita ko siya na nasa gilid ko na. In short, sabay na kaming naglalakad ngayon.
Habang naglalakad kami sa corridor, napansin kong pinagtitinginan kami. Ayy hindi! Siya lang pala. Kasi naman, kasabay niya sa paglalakad yung Queen. Wala na kasi akong ibang nakakasabay na naglalakad maliban sa grupo ko. Aba! Swerte netong lalaking to.
"Seriously? Naiilang na ako sa mga looks nila." narinig kong bulong ni Brix sakin.
"Ee panong hinde? Kasabay mo lang naman yung Queen slashed School President sa paglalakad." Then I rolled my eyes.
"Bakit? Is that an issue?" bulong niya ulit.
"Ofcourse. Ang alam nila, wala na akong ibang nakakasabay except my girl group, which is Girlfriends. Kaya maswerte ka sa paningin nila."
"Maswerte? Why?" Pareho pala sila ng kaibigan niyang si Yvan. Mga questionists. -_-
"Kase, never pa akong sumabay sa mga normal students dito. Ang alam nila, maarte ako sa mga nakakasama ko. Kahit hindi naman." Then I frowned.
"Ahh Ganun ba.." sagot niya tapos tumango nalang ako. Ayoko na makipagusap dito. -_-
"Uhm, Eliza?" narinig kong sabi ni Brix sa pangalan ko. Malapit na kami ngayon sa room.
"What?" sabi ko sa kanya ng hindi lumilingon.
"Nothing.." Grr! Nakakagigil siya! Tatawagin ako tapos wala naman palang sasabihin!
Hindi ko na siya pinansin hanggang makarating kami sa room. Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Yumuko nalang ako at ipinatong ang ulo ko sa desk. Im not in the mood right now. At ewan ko kung bakit. ~.~
"Hey? What's wrong?" narinig kong tanong sakin ni Cathryn habang kinakalabit ako.
"Nothing. Maybe Im just tired." Tugon ko habang nakapatong pa din sa desk ang ulo ko.
Natapos ang buong klase ng wala akong naintindihan. Feeling ko antok na antok ako. Pagod ako or what. Gusto nang pumikit ng mata ko. Basta, gusto ko nang matulog.
Sakto naman, narinig kong nagring yung bell which means uwian na. Salamat naman. *yawn.*
Walang gana kong kinuha yung bag ko tapos nauna nang lumabas. Hindi ko na nahintay sila Ayrenne. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, GUSTO KO NANG MATULOG. ~.~
Pagkalabas ko ng building, para akong zombie na naglalakad. Tinatanong ako ng bawat makasalubong kong studyante kung ano ang problema pero umiiling lang ako.
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, may naaninag akong tao na papalapit sakin. Lalake siya.
"Eliza? What's wrong?" pamilyar sakin yung boses niya. Siya yung lalaking kasama ko kani-kanina lang.
"Brix." Tapos the last thing I know, natumba na talaga ako. Naramdaman kong may sumalo naman sakin.
"Eliza? Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?" naga-alalang tanong niya. Wait what?
Naga-alala?
"Gusto ko ng umuwi. Pagod na.. Pagod na ako.."
Tapos nagulat ako mentally, nang bigla niya akong binuhat. Sinakay niya ako sa kotse. Wait? Di ko kotse to!
"Hindi ko kotse.. to.."
"Oo, hindi nga. Kotse ko to, pabo." Sabi niya. [Pabo=Stupid]
"Pano yung.. kotse ko..?"
"Pahiram ng cellphone mo, tetext ko kaibigan mo para dalhin yung kotse mo." Hindi na ako nag-alangan pa, binigay ko din ang cellphone ko.
"Password." sabi niya, oo nga pala. May password yun. Hehe.
"Queen."
"Natext ko na," sabay abot sakin ng phone ko. "Hatid na kita sa bahay niyo. Mukhang pagod kana nga." tapos pinaandar na niya yung kotse.
Unti-unti namang bumagsak ang mata ko habang papalayo na kami sa academy. And everything went black, inshort, I AM SLEEPING. ~.~
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Girlfriends💘: Returns.
Teen FictionThe Girlfriends💘: Returns. Nagbabalik na ang grupo ng mga babaeng dati ay inaapi at tinatapakan niyo lang. Ang mga babaeng hindi nakaramdam ng pagmamahal. Nandito na kami.. at maghihiganti.. ---------------------------- Maghihiganti nga ba? O.. Ma...