Chapter 16: Brix's Chapter.

25 2 0
                                    

Brix's POV.

Hindi ko makalimutan kung gaano kapagod si Eliza kagabi, akala mo napaka-dami niyang ginawa ee.

Last night:

Nakita ko si Eliza na papunta na sa kotse niya, tinawag ko siya tapos bigla nalang siyang natumba. Hindi ko alam, pero nag-alala ako. Bigla akong tumakbo papalapit sa kanya tapos sinalo ko siya, nagpapanic na ako pero hindi ko yun pinapakita sa kanya.

Dinala ko siya sa kotse ko, sa backseat, para naman komportable siya. Maya-maya pa ay nagsalita siya.

"Hindi ko kotse.. to.." ramdam ko ang bigat at hirap sa pagsasalita niya. Confirm, pagod na pagod nga siya.

"Oo, hindi nga. Kotse ko to, pabo.." pinilit kong ipakita na kalmado lang ako, at pinapakita ko din ang Brix na nakilala niya, na mayabang at cold.

"Pano yung.. kotse ko..?" tanong niya. Gusto ko sanang sabihin na wag na siyang magsalita dahil nahihirapan na siya pero di ko magawa. Tss.

"Pahiram ng cellphone mo, tetext ko ang kaibigan mo para dalhin yung kotse mo."

Agad naman niyang binigay sakin yung cellphone niya, Ah? Mukhang hindi na siya nagaalangan sakin ngayon ah. Mabait na ba ako? Haha.

Pagkabukas ko ng phone niya, may password. -_-

"Password." cold na sabi ko. Hindi siya patanong.

"Queen." Seriously? Favorite niya yung Queen? -_-

Tinext ko naman agad ang una kong nakita sa contacts niya, si Ayrenne.

Matapos kong matext si Ayrenne, tinignan ko muna ang wallpaper niya. Siya ang nakalagay dito, ang ganda niya. *_*

The Girlfriends💘: Returns.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon