Chapter 11: What is this Feeling?

31 2 0
                                    

Eliza's POV.

Nandito kami nila Ayrenne, nakaupo sa private table namin sa cafeteria. Binabantayan namin si Ethan maglinis ng buong cafeteria. Haha! Akala mo ah.

Biglang nagring yung phone ko. tumatawag si Ella, yung kapatid ko.

[Noona? Where are you?"]

"Oh? Nandito pa ako sa school. Nagbabantay ako ng napunishment. Why?"

[Hinahanap ka ni Auntie.]

"Ah Uuwi din kamo ako pagkatapos neto, ha? Okay Bye."

[Bye Noona.] tapos inend niya na yung call.

"Who's that?" tanong ni Ayrenne.

"Ella." maikling sagot ko.

"Bakit daw?" tanong naman ni Chin.

"Hinahanap daw ako ni Auntie. Anong oras na ba?"

"Uhm, 5:23."

"5:23?! Mag-gagabi na pala?!"

"Yup."

"Sheteng kalabaw! Ang bagal kasing maglinis ng kumag na to e!"

"Alam mo Hello Kitty," sabat ni Ayrenne. Tinitigan ko naman siya ng masama.

"Oh. Queen. Ang laki ng cafeteria na to oh." sabagay. Hmmm.

Ayrenne's POV.

Tungaw talaga tong si Hello Kitty, ang laki-laki ng cafeteria tapos nagrereklamong ang bagal daw maglinis ng kumag na Ethan na yon. -_-

After 10 mins.

Waaaaaa! 5:33 na oh! Hindi pa din tapos tong kumag na to! Gagabihin kami ng uwi pare-pareho e!

Hindi na ako nakapag-pigil. Nilapitan ko si Ethan at kinuha yung isang basahan sa tabi niya.

"Hey? What are you doing?" sabi ni Ethan sakin.

"Isn't obvious?"

"Tutulungan mo ba ako?"

"Shut up."

Tumigil nga siya sa pagsasalita. Oo, tinulungan ko siyang maglinis kahit labag sa loob ko. -_-

"Hoy Ayrenne! Come back here! Hayaan mo nga siyang maglinis diyan!" Nadinig kong sigaw ni Cathryn.

"JUST SHUT UP! GUSTO KO NANG UMUWI!" yeah, naiinis na ko. -_-

"Oyy Ethan! Swerte mo ah! May tumulong sayo sa paglilinis!" Nadinig ko namang sigaw ni Kyle kay Ethan.

"YOU DONT FUCKING CARE! HINDI NYO KASI AKO TINUTULUNGAN!" Sigaw naman niya pabalik kay Kyle. Woah, galit na din ata siya. Gusto niya na din atang umuwi. Haha!

After another 15 mins. 5:48 na. At salamat naman, natapos na kami.

"Uhm Ayrenne? A-ano."

"What?"

"T-than.."

"Huh? Pakituloy na, aalis na kami. Alam mo bang gustong gusto ko nang umuwi."

"Thank you!" tapos umalis na siya kasama yung mga tropa niya.

What did he said? Thank you?

Pagkasabi niya ng Thank You, may kung ano akong naramdaman. Feeling ko may naglalarong butterflies sa tiyan ko. MyGod? What is this feeling?

"Ayrenne? Bakit mo tinu-- Ayrenne?"

"What is this feeling." *-*

"Huh? Huy Ayrenne? Ayos ka lang ba?" nadinig kong tanong ni Chin.

"Hala! Baka baliw na yan!" sabi naman ni Cathryn. Binatukan ko nga. -_-

"Ulul! Anong baliw? Sapakin kita dyan e." sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang batukan.

"Eh ano bang nangyayari sayo? Ha?" tanong naman ni Eliza.

"WALA." tapos umalis na ako dun. Hayst! Daming tanong e! Paulit-ulet?

Eliza's POV.

Bigla nalang umalis si Ayrenne. Ano ba kasing nangyayari dun? Wag niya sabihing naiin--

"Hoy Tara na Hello Kitty! Ano pang hinihintay mo dyan?! Pasko?!" Sigaw sakin ni Cathryn. Wow ah. -_-

"Nandyan na!"

------

Nandito kami sa parking lot, nandito na din pala si Ayrenne.

"Psst Ayrenne? Bakit ayaw mo pang pumasok sa kotse mo?" tanong ni Chin sa kanya.

"Wala akong dalang kotse." Wala na ngang dalang kotse, nagtataray pa. Ibaldog ko siya e. -_-

"Tara na, sumabay kana sakin. Ihahatid na kita." pagpepresenta ko.

"Thankieee!" Tapos niyakap niya ako at pumasok na sa kotse ko. Kanina ang taray tapos ngayon nang-yakap? Bipolar lang?

"Hayst. Baliw na talaga. Haha! Oh mauna na ko Guys, Bye." sabi ni Chin tapos nagbeso-beso kami.

"Mauna na din ako, Ingat kayo." Sabi naman ni Cathryn.

"Ingat din kayo, Bye." sabi ko tapos pumasok na sa kotse ko.

------

"Bakit hindi mo dinala yung kotse mo Ayrenne?" pagbabasag ko ng katahimikan. Ang tahimik kasi e, nabibingi ako. Hindi naman ganito si Ayrenne. Maingay kaya to.

"Sira yung gulong. Hindi napaayos kanina." sagot niya.

"Ayrenne, umamin ka nga sakin." sabi ko na ikinalingon naman niya.

"What?"

"May problema ka ba?"

"Wala noh. Napagod lang siguro ako." sagot niya. Ahh, Oo nga. Baka napagod siya sa paglilinis kanina.

----

"Nandito na tayo, Magpahinga kana ah?" tapos niyakap ko siya.

"Okay, Ingat ka Hello Kitty." tapos bumaba na siya ng kotse ko. Seriously? Hobby niya na yata na tawagin akong Hello Kitty e. -_-

-----

Sa wakas! Nakauwi na din ako ng bahay! Napagod ako ah! Phew!

Hindi na muna ako lumabas ng kotse, kinuha ko muna yung phone ko tyaka nagfacebook.

Nakita kong may pinost si Ayrenne. Ano to?

______________________________
Ayrenne Precious Clyde updated her status.

My God? What is this Feeling?😱🙈

3 mins ago.
53 likes • 3 comments • share
______________________________

What the?! Sabi na! May tinatago siya e! Arghh! AYRENNEEEEEE!

To be continued...

The Girlfriends💘: Returns.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon