Sheen po yan 👇
Sheen's POV
"Mama naman ee ! Ayoko nga lumipat dun" sigaw ko sa mama kong naglalagay ng mga gamit ko sa maleta .
"Ano ba Sheen ! Maganda ang school na yun at mamahalin pa , swerte mo nga at yung tito mo ang magbabayad ng tuition mo dun" ani ni mama.
Kainis ! Ayokong lumipat ng school ang hastle ! New friends, new enemies, new faces ! Di ako sanay .. Kahit pa anong ganda ng school na yun di ko talaga gusto .. Dorm School ? seriously ?! Ayoko talaga !
"Maa ! I'm begging you" uy napapa english ako ah .. Tinaasan lang ako ng kilay ni mama
"Anong begeng--- ay ano yun bigeng ? Ay basta wag ka ngang mag english dyan di ko maintindihan ee " punyeta ! Begeng, bigeng daw ? Hay naku !
"Basta ma ayoko talaga !!". Sinarado na ni mama ang maleta at tumayo
"Magbihis ka na at ihahatid ka na ng tito mo dun" sabi nya lang at lumabas ng kwarto ko ..
Haaay .. Wala na talaga akong magagawa .. Buhay nga naman parang life 😂 tumayo na lang ako at nagpunta sa banyo para maligo
"Sakay na princess" ani ni tito sabay pinagbuksan ako ng kotse nya . Geez ! I hate being called with princess !
"Hindi ako prinsesa tito " sabi ko at pumasok na ng kotse
"You're a princess for me Sheen" tsk bahala nga sya .. Pumasok na din sya ng kotse at pinaandar na ito .. He's Daniel Ivan Vane, my tito at di ko alam kung bakit naging tito ko yan hindi naman sila magkadugo ni mama o ni papa kaya di ko alam kung bakit naging tito ko sya, pag kasi inopen up ko yung about nun ay umiiwas sila parang may tinatago ? Hay ewan ! Pero yang si tito ay two years lang tanda nya sakin para ko lang syang kuya ee .. By the way I'm 16 years old and a 4th year highschool..
Hindi kami mayaman .. Sakto lang , sabi ni mama iniwan na daw kami ng papa ko nung bata pa ako at sumama sa iba ..nag iisa akong anak at kahit nga ako lang anak ni mama ay di ko naramdamang naging nanay sya saken .. Like yung mga nanay na nilalambing ang mga anak nila , never pang ginawa sakin ni mama yon though hindi naman nya ko pinabayaan pero hindi ko talaga maramdaman na she cares for me as her daughter katulad nung 2nd honor ako last year ay di sya ang sumabit ng medalya sakin kundi si tito lahat pati yung mga past awards ko or may family day sa school ay si tito ang pumupunta .. Minsan nga naiisip ko na anak nya ba talaga ako ? Hayst..
"Princess !"
"Ay prinsesa !---- tito naman eh !!". Nagulat kaya ako .. Tinawanan lang nya ako
" You're spacing out , we're here princess" nakangiti nyang sabi agad naman akong bumaba ng kotse at tumambad sakin ang napakalaking gate ng school na may nakalagay na MANTELLION ACADEMY
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Novela JuvenilOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...