Sheen's POV
I wish I could hug them now. Yes I don't remember anything about them but still there's a part of me saying that I'm missing my parents. Bumaba na ng stage ang mga magulang ko kaya tumahan na ako baka kung ano pang isipin ng iba tas masisira pa ang makeup ko. Nginitian lang ako nila Kuya.
"So we will now start the party! Are you ready?!" Masayang sabi ng papa ni Harris
"YEEESSS WOHHOOOO!!"
"Enjoy yourself at ihanda nyo na ang sarili nyo sa pagsayaw mamaya!" Bumaba na ng stage ang papa ni Harris kasabay ng pagtugtog ng music na pangsayaw. May ibang nagsasayaw na sa dance floor. Ang DAG naman na suot na ang kanilang maskara ay nagsasayawan na rin at may kasamang mga babae pwera sa isang taong nakaupo lang and i think si Terrence yun.
"Let's dance! Sheen halika na!"Tumayo na silang tatlo ni Therese.
"Mamaya nalang ako" Duh di naman ako mahilig sa mga ganyang sayaw.
"eeehh wag ka nang KJ Sheen!" maktol ni Therese
"Halika naaa" sabi naman ni Xander
"Mamaya nalang promise pupuntahan ko kayo sa dance floor" sabi ko
"Promise mo yan ah. Tara na nga lang" tumango nalang ako at tinignan silang pumunta sa Dance floor at nag sayaw. Natatawa nalang tuloy ako sa sayaw nila parang mga baliw! Haha.
"Hi" napatingin ako kay Terrence na umupo sa tabi ko. Nakamaskara sya pero nakilala ko parin naman sya dahil sa boses nya.
"Uy"
"Why are you here? Ayaw mong sumayaw?" Tanong nya. Shet ang gwapo talaga ng boses nya!
"Ah hehe mamaya nalang" sabi ko at umiwas ng tingin
"You're so beautiful tonight Sheen" nginitian nya ako ayun tuloy kinilig ako langya!
"Ang gwapo mo rin" nahihiyang sabi ko sakanya. Kyaahh!
"I know" sabi nya. Bigla naman nag iba yung music at naging love song.
"Kyaaaaahhh!!" sigaw ng mga babae at yung iba nag sasayaw na.
"May I have this dance?" napatikom ang bibig ko ng sabihin yun ni Terrence. Luminga-linga ako sa paligid atsaka tinignan ulit si Terrence.
"Ahm... ahh ehh." Ano ba Sheen! Crush mo na inaaya kang sumayaw bakit parang ayaw ko?! Aiiist! Para kasing gusto ko yung unang makasayaw ko yung--- basta ! Napabaling ang tingin ko kay Ice na nakatingin din sakin. Arrggh !
"Sheen?" Napabalik ulit ang tingin ko kay Terrence. Wala na akong choice kundi kunin yung kamay nya. Tsk! bakit di ako inaya ni Ice?! Bakit din kasi wala si Harris?! Hayst baliw ka na talaga Sheen!
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Teen FictionOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...