"WHAT ?! GWAPO BA ? yiiiieee gwapo noh ? Kyaaaaaahh dalaga ka na talaga Sheen!!" binatukan ko si Therese, pano ba naman eh ang ingay ingay sabi nang di ko makita yung buong mukha tas magtatanong kung gwapo ba. tss pambihira !
"aray naman !"
"tumahimik ka nga may iniisip ako eh!" singhal ko sakanya kaya ayun tumahimik nalang at kinitkit ang kuko nya, tss...
palaisipan parin kasi sa akin kung sino ba talaga sya , di ko alam pero gusto kong makita ang mukha nya, hayst ! tumigil ka na nga Sheen !
*TOK* TOK*
pareho kaming dalawa ni Therese na napalingon sa pinto atsaka tumingin sa isa't isa.
"Buksan mo" utos ko sakanya pero ang bruha binelatan lang ako!
"ikaw na , katamad" sabi nya at humalukipkip.. aba't!
"Wag mo ngang ibalik ang utos ko sayo! buksan mo !" sigaw ko sakanya
"Wag mo din akong utusan para di ko ibalik sayo ang utos mo ! hmp !" sabi nya sabay irap. wengya !
"buksan mo----" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bumukas na ang pinto at iniluwa nun si Xander na mukhang naiinis na
"Kailangan ba talagang magtulakan pa kayo sa pagbukas ng pinto ?!" inis na sabi nya ..
"sya kasi eh!" sabay na sigaw namin ni Therese atsaka nag irapan.
"Teka nga , ba't ka ba nandito insan ? diba bawal ang boys dito ?" -Therese
"Kukumustahin ko lang si Therese kung okay lang ba sya" sabi nya at napatingin sa akin.. wait kukumustahin ? bakit naman nya ako kukumustahin eh kanina lang nagkita pa kami ah.
"bakit naman?" takang tanong ko sakanya... nakita kong umiwas sya ng tingin sa akin .
"a-ah w-wala naman, h-hindi ba pwedeng mangumusta ?" utal na sabi nya. Nakakapagtaka talaga ah... posible kayang si Xander ay si Ice ? ay ewan ! hindi naman siguro !
"ahh okay lang ako" sabi ko.
"ah o-okay , sige mauna na ako ha.. bye Insan bye Sheen" tumakbo na sya palabas ng dorm na parang nagmamadali... ewan talaga !
________________________________________________________________________________
Maaga pa lang nasa classroom na ako at si Therese naman nasa sa classroom nadin nya, mga nasa lima palang kami sa loob ng classroom at wala pa si Xander naramdaman ko naman na parang naiihi ako kaya lumabas muna ako ng classroom at nagpunta sa c.r . Pagdating ko ay pumasok ako sa isa sa cubicle don at ginawa ang dapat gawin ...oy kayo ah ! wag kayong green minded dyan nag wiwiwi lang ako ! haha. Palabas na sana ako ng cubicle pero nung pihitin ko ang door knob ay naka lock na ito. shit !
"may tao ba dyan ? palabasin nyo naman ako oh!" sigaw ko pero walang sumagot sa halip naramdaman ko na lang na may biglang bumuhos sa akin ng isang baldeng tubig .
"Aaaaaah !" sigaw ko . Hayst part of the bullies na naman to.. may narinig akong nagtawanan sa labas ng cubicle, tawa ng mga lalake. tss .. paniguradong ang DAG nanaman ang may gawa nito.
"Bwiset kayo !" sigaw ko sa mga nagtatawanan sa labas .
"pasensya na Sheen, utos lang ni leader" rinig ko ang boses ni Erin, haayst sa DAG siya lang talaga yung naaawa sakin. Napasandal nalang ako sa pinto ng cubicle at niyakap ang sarili ko... matatagalan ko pa kaya tong skwelahang to?
ilang oras na ang lumipas pero nandito parin ako nakasandal at nanginginig dahil sa lamig... nanghihina na rin ako.
"A-ayoko n-na" mahinang sabi ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Teen FictionOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...