Sheen's POV
"Sheenaica ! " tawag sa batang lalake sa isang batang babae
"Oh Frost ! Ano bahay bahayan na tayo?" Masayang sabi ng batang babae. Nasa garden kasi sila sa loob ng bahay ng batang lalake habang yung mga yaya nila nasa malayo lang at binabantayan sila.
"Eh ayaw ko na nun nakakasawa !" Sabi ng batang lalake
"Ano namang gusto mong laruin natin?"
"Kasal-kasalan tayo" ngumiti ang batang lalake
"Ha? Eh baby pa tayo eh" sabi ng batang Sheenaica
"Laro lang naman eh tsaka magpapakasal lang tayo pag big na tayo" masayang sabi ng batang Frost
"Sige"
___________________________________________
"O eto isusuot ko na ang singsing sayo ha" sinuot ng batang Frost ang singsing sa batang Sheenaica,isa lang itong maliit na lubid at hinulma nila naparang isang singsing.
"O yan tapos na, sakin mo naman yang isuot - Frost
"Ganun ba yon? Sige" sinuot naman ni Sheenaica ang singsing kay Frost.
"Yey halika kiss na kita" lumapit ang batang frost sa batang Sheenaica pero tinulak lang sya nito.
"Tsaka na pag totoong kasal na talaga!" Sabi ng batang Sheenaica
"O sige na nga, sa pisnge nalang" sabi ng batang Frost at hinalikan ang batang Sheenaica sa pisnge
"Yehey kasal na tayooo !!" - Frost
"Ang saya ! Eto na palagi yung lalaruin natin ha" - masayang sabi ni Sheenaica
"sige ba" - Frost
___________________________________________
Nagising ako sa isang puting silid. Napaisip naman ako sa napanaginipan ko. What was that? tss. Akmang babangon na sana ako pero napatigil din ako nang makaramdam ng kirot sa katawan ko. Tsk oo nga pala pinagtulungan nga pala ako nina Marjorie tss !
Inilibot ko ang paningin ko at narealize kong nasa clinic ako. Napatigil ang mata ko sa taong nakaupo sa silya sa bandang paanan ng hinihigaan ko. Nakasandal sya sa inuupuan nya habang yung kamay nya naka cross sign. Tulog sya. Nakauniform din sya.
Anong ginagawa ng hinayupak na Harris nato dito?
"Oy!" Pukaw ko sakanya, agad namang bumuka ang mata nya at gulat na nakatingin saken. Problema nito?
"Atlast naisipan mo ring gumising" tumayo sya at nag unat-unat.
"Ilang oras akong tulog ba ?" Nakatingin lang ako sakanya na nakatayo habang nakatingin sa relo nya.
"Hmm.. 50 hours and 34 minutes." Pinaningkitan ko naman sya ng mata sinabayan nya naman ng nakakalokong ngiti. Langya talaga.
"Iniinsulto mo ba ako?" Mataray na sabi ko sakanya. Nainis pa ako nang tumawa lang sya. Bwiset !
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Fiksi RemajaOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...