Xander's POV
Siguro nga tama ang naging desisyon kong sabihin kay Harris ang lahat ng tungkol kay Sheenaica. Ayokong pagdating sa huli kamuhian ako ng taong mahal ko. Oo masakit man na hindi ako mapapasakanya pero mas nangingibabaw naman ang kaligayahan ko na magiging masaya sya kay Harris.
Wala na akong magagawa. Pati si Terrence, alam kong mas may alam sya tungkol kay Sheen na hindi ko alam. Sana lang talaga maintindihan ni Sheen lahat ng hindi nya nalalaman tungkol sa pagkatao nya.
Sana lang talaga.
Sheen's POV
Mag isa lang ako sa dorm ngayon dahil nasa school clinic pa rin si Therese. Binabantayan naman siya ni Kuya Daniel kaya panatag ako na walang mangyayaring masama sa kanya. Kasalukuyan akong nasa kwarto at gulong-gulo sa mga nangyari ngayong araw. Una sino ang pumatay at ano ang dahilan nya? Pangalawa anong ibig sabihin ni Harris sa pagtawag nya sa akin ng Sheenaica? Arghh! ang gulo !
*TOK TOK TOK*
Napatigil ako sa pag iisip nang may kumatok sa pinto ng dorm namin. Napatingin naman ako sa orasan, 1:26 A.M. sini namang kakatok sa ganitong oras? Lumabas ako ng kwarto ko at dahan-dahang naglakad palapit sa pinto.
"Sino yan?" wala akong narinig na sagot. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito sabay bukas ko sa pinto. Sumalubong naman sakin ang malamaig na simoy ng hangin. Tinignan ko ang magkabilang hallway pero wala akong nakitang tao. What the hell is that? A prank? tss.
Isasara ko na sana ang pinto nang may nakita akong papel sa sahig. Kinuha ko ito, isa itong puting papel na nakatiklop. Posible kayang yung kumatok ang naglagay nito? Sinarado ko na ang pinto at nagtungo ako sa kwarto ko. Binuklat ko ang papel.
Sheenaica Larrison Vane humanda ka na.
Yan lang ang nakasulat sa papel. Sheenaica Larrison Vane? Namali yata ng bigay to. Sheen ang pangalan ko hindi Sheenaica. Pero ag pangalang Sheenaica, ang batang palaging nasa panaginip ko, konektado ba to sa pagkatao ko? Pano? Bakit? Sino naman ang nagbigay ng sulat na to? Is this a Death threat? Crap! andami ko nang tanong. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari! Bukas na bukas tatanungin ko na si Kuya Daniel tungkol dito.
Kung si Harris tinawag akong Sheenaica, malamang may alam sya tungkol sakin.
________________________________________________________________________________
Umaga na at kanselado pa rin ang klase dahil may nag iimbistiga parin sa nangyari kahapon. Naglalakad na ako ngayon papunta sa school clinic para puntahan si Kuya Daniel. Di kalayuan nakita ko ang grupo ng DAG na naglalakad, mukhang palabas sila ng school. Nakita ko din si Harris na nangunguna sa kanila and as ussual he's wearing his famous poker face. Kahapon lang umiiyak to. Bipolar talaga -_- Di naman nila ako nakita kaya dumeretso na ako sa clinic.

BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Genç KurguOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...