Bully

2.7K 81 13
                                    


Sheen's POV

Nakabusangot akong nakaupo sa cafeteria habang nakatingin sa bruhang Therese at sa jowa nyang PDA ! Nakakainis di nya nga ako sinamahan kumain dahil sa jowa nyang yan !

Naramdaman kong may umupo sa gilid ko at umakbay sakin ..

"Anyare Sheen ?" Inis kong tinanggal ang braso ni Xander ..

"Tignan mo nga yang pinsan mo oh ! Di ako sinamahan mag lunch ! Ang PDA pa !" Inis na sumbong ko kay Xander

"O cge eto na lang .. Gagaya tayo sa kanila mag P-PDA din tayo" agad ko naman syang binatukan

"Baliw !" Sigaw ko at tumakbo paalis .. Nabibwiset ako !

Padabog akong naglalakad at hindi alam kung san papunta ..

"Bwiset ! Bwiset ! Bwiset !---aray !"

Tinignan ko ang taong nakabangga ko .. Pagminamalas ka nga naman!

"Are you fucking blind ! Huh ?!" Sigaw nya sakin . bwiset din to eh !

"Sa tingin mo bulag ako ?" Pagtataray ko sakanya .. Hmp ! Kahit nakakatakot sya di ko sya uurungan noh !

"Pinipilosopo mo ba ako?" Ramdam ko na naiinis na sya .. Bwahaha !

"Hindi halata ?" Nginisian ko sya pero nagtaka ako ng ngumisi din sya .. Oh no ! Nakakatakot !

"Watch your words Ms. Andres" sabi nya at nilagpasan ako .. Uhh what was that ?

Naglakad na lang ako at pinapatay ko sa isip ang walang hiyang Harris na yon ! Di ko alam pero nabibwiset ako sa mukha nya !

Nagpunta ako sa locker para ilagay ang mga libro ko .. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto na hindi naka lock ang locker ko .. Shit ! Agad ko tong binuksan at tumambad sa akin ang isang parang tela na kulay itim at may nakalagay na Hell month .. Wait Hell month ? Sino namang hinayupak na naglagay ng walang kwentang bagay na to dito ?!

"Oh my god !" Napalingon ako sa babaeng sobrang lakas ng boses .. Sinamaan ko sya ng tingin .

"Anong problema mo ?" Lumapit sya sakin na parang nababaliw .. Tsk .

"Matagal na nilang hindi ginawa ulit to " napataas ang kilay ko sa sinabi nya, mukhang nakuha nya naman na hindi ko sya maintindihan

"Mukhang wala ka ngang alam.." Sabi nya .. Wala talaga eh newbie ako dito eh ..

"Yan ang sign ng DAG , pag may binigyan sila ng sign na yan ay kailangan mo nang paghandaan ang pambubully nila sayo .. Isang buwan kang pahihirapan nila at kung hindi mo na kaya ay mag tatransfer ka na lang .. Wala pang nakakasurvive sa lahat ng nabigyan ng sign na yan kaya ang payo ko lang sayo na magtransfer ka na bago mo pa pagsisisihan ang mga mangyayari" namanhid ang tuhod ko sa sinabi nya .. Waahh ! Pano nang buhay ko ?? Huhu bakit ba kasi sinagot-sagot ko yung gagong Harris na yon !

Tumakbo ako ng mabilis .. Kailangan kong hanapin si Terrence , sya lang makakatulong sakin ..

Nakita ko si Luke na may kahalikan na babae .. Ew . lumapit ako sakanya

"Nasan si Terrence?" Seryosong tanong ko ..

"Di mo alam ? Sabagay di ka naman chismosa.. Nag leave si Terrence ng isang buwan dahil nagka problema ang kompanya nila sa France" sabi nya at bumalik sa pakikipaghalikan ..

Nanlumo ako sa narinig ko .. waaaah ! umalis ang Terrence ko !!!! tumakbo na lang ako at pumunta sa dorm .

"pano na ako ? waaaah "










Mantellion AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon