Sheen's POVI've been searching for her for almost 4 hours and still I don't know where the hell she is ! Crap ! Anong nangyayare?!
Habang naglalakad ako at palinga-linga sa paligid napatigil ang paningin ko sa Faculty room at nagflashback ang nakita ko kagabi.
Isang taong may dalang dagger.
Dali-dali akong tumakbo sa loob ng Faculty room at doon ! Doon ko nadatnan si Therese na nakasiksik sa sulok ng Faculty room na umiiyak habang nakatingin sa isang taong nakahandusay sa sahig. Duguan ito at nakadapa. Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon.
"S-sheen" nabaling ang tingin ko kay Therese na ngayon ay umiiyak at nakatingin sa akin, yakap-yakap nya ang tuhod nya na tila natatakot. Tumakbo ako palapit sakanya atsaka sya niyakap. Para naman syang batang umiiyak habang yakap ako.
"S-sheen please i-ilayo m-mo k-ko d-dito! *sob*" Agad ko naman syang tinayo at nilabas sa loob ng faculty room. Nakita ko naman si Kuya Daniel kaya tinawag ko sya.
"Anong nangyare sakanya ?" Tanong ni Kuya habang nakatingin kay Therese na umiiyak padin.
"Dalhin mo muna sya sa clinic" sabi ko habang di nilalayo ang paningin ko sa taong duguan sa sahig. Sinundan ni Kuya Daniel ang tinitignan ko at pati sya nagulat sa nakita nya. Well, sino ba namang hindi magugulat aber?
"Dalhin mo na sya !" Sigaw ko. Tumango naman sya at binuhat na nya si Therese na ngayon ay wala nang malay. Tumakbo ako at humingi ng tulong. Nagsimula na ding rumami ang taong nakakaalam kaya andami nang nakapaligid sa Faculty room. May mga police na din na dumating upang imbestigahan ang nangyari. Nakita ko sa di kalayuan ang DAG na seryosong nakatingin lang sa taong patay.
Nang kinuha na ng ambulansya ang tao ay nakita ko na ang dahilan ng pagkamatay nya. May hiwa sya sa kanyang leeg na dahilan upang dumanak ang dugo sa Faculty room.
"Sino kaya gumawa?"
"Nakakaawa naman"
"May namatay na naman. Antagal na nung huling may pinatay dito at pare-parehong may hiwa sa leeg"
"Oo nga eh, nakakatakot."
Nagtaka naman ako sa pinag uusapan nila. May namatay narin dito dati? Damn ! I need to know all. Mahirap pag walang alam. Kating-kati na talaga ang dila kong magtanong pero pinigilan ko lang dahil pupuntahan ko pa si Therese. Bago pa ako naka alis sa lugar nakita kong umalis din ang DAG na parang nagmamadali. Well, I don't care.
Tumakbo ako papuntang clinic at nadatnan ko si Kuya Daniel doon na nakaupo habang nakatingin kay Therese na tulala.
"Kuya"
"Oh princess. She didn't say anything. Siguro na trauma. By the way what happened? Sinong pumatay?" Tanong ni Kuya
"I don't know. Wala ako ideya sa mga nangyayari!" Napatingin nalang ako kay Therese atsaka lumapit at umupo sa kama.
"Okay ka lang?" Pagtanong ko nun nagulst ako nang tumulo na naman ang luha nya.
"Can we talk? Just us" liningon ko nalang si Kuya. Tumango naman sya mukhang naintindihan nyang may gustong sabihin si Therese sakin. Lumabas na sya ng clinic.
"Sabihin mo"
"N-naglalakad ako nun dahil gusto kong puntahan ka sa clinic upang kamustahin pero may nakita akong dalawang taong pumasok sa Faculty room at dahil na curious ako eh sinundan ko sila." Nanginginig na sabi ni Therese. Hinawakan ko nalang ang kamay nyang nanginginig para pakalmahin.
"Tapos?"
"N-nakita ko silang nagtatalo. Sabi nung may dalang dagger at nakatakip ang mukha na papatayin nya daw yung lalake dahil sagabal daw ito sa plano nila humingi ng tawad ang lalake at nagmakaawa syang wag patayin. Hindi nila ako nakita dahil sa kabilang pinto ako dumaan at dun ako nagkubli sa madilim na bahagi ng faculty" nagsimula na naman syang umiyak. Tinapik-tapik ko ang balikat nya.
"anong sunod na nakita mo?"
"N-nakita ko nalang na... ginitilan ng lalake ang lalakeng nagmamakaaawa sa kanya. K-kitang kita ko kung paano umagos ang dugo mula sa leeg nya Sheen. *sob* Pagkatapos nun iniwan na nya ang patay na lalake kaya naiwan ako dun na umiiyak at natatakot. Sheen natatakot ako ! * sob*" napaiyak nalang ako pagkatapos nyang sabihin yun. Niyakap ko si Therese. Anong nangyayare? Anong atraso ng taong yun sa taong pumatay sakanya?
Sino ang pumatay?
Nang makatulog na si Therese ay pinabantayan ko muna sya kay Kuya. Lumabas ako ng clinic at naglakad sa school grounds. Antahimik ng paligid dahil cguro walang gustong lumabas dahil sa nangyari. Pina cancel na din kasi ang klase kaya siguradong nasa dorm na sila.
Habang naglalakad ako mag isa sa school grounds pansin kong may nakatingin sakin. Nagpaling-linga ako at ramdam ko ang malalakas na kabog ng dibdib ko. Damn ! Tatakbo na sana ako pero nagulat ako nang may humila sa kamay ko sabay yakap sa akin.
Yung pabang nya...
Si Harris
"S-sheenaica" nagulat ako sa tinawag nya sakin. Sheenaica? Yung babaeng palagibg laman ng panaginip ko. Napatingin ako sa isang butil ng tubig na tumulo sa braso ko.
Luha?
Si Harris umiiyak?
Bumitaw sya sa yakap at tinignan ako. Di ako makapaniwalang halo-halo ang emosyong nakikita ko sa mata ni Harris. Fudge ! Nakakapanibago.
"S-sheenaica !" Sambit na nya man.
"Ano---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nya akong halikan.
0_0
Pagkatapos nya akong halikan ay ngumisi lang sya sakin. Langya !
"What----" Di ko nanaman natuloy nang nilagay nya ang hintuturo nya sa bibig ko.
"Don't say anything" ang sarap nya talagang hamabalusin ngayon bwiset ! Tinanggal na nya ang hintuturo nya ,
"Pwede ba----"
"Say anything and I'll kiss you" Deym ! Napakagat na lang ako sa labi ko.
"From now on, You're mine... mine... mine." Feeling ko ang pula ko na talaga ngayon.
Tumalikod na sya at iniwan akong tulala at walang alam kung bakit nya ako tinawag na Sheenaica. Darn it !
Fck you 1000 time Harris !
___________________________________________
A/N: Hi. Harris shet ! 😂
Ps: Dumaan lang si otor 😂✌
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Teen FictionOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...