You'll be safe here

1.7K 52 18
                                        

Sheen's POV

Bwiset na bwiset ako habang nakikinig sa leksyon ng teacher namin eh pano ba naman nakaupo sa gilid ko si Harris na inaasar ako sa kabilang gilid ko naman si Ice na hindi man lang umiimik kanina pa. Yung bwiset talaga na Harris eh pinaalis si Xander sa upuan nya at sya ang umupo. Si Ice naman di ko alam kung bakit nandito to eh pagdating ko sa classroom nandito na to. Ano ba talaga kasing section nito!

"Akin ka nalang, akin ka nalang. Iingatan ko ang puso mo..." Langya talagang Harris to kanina pa kumakanta malapit sa tenga ko di ko tuloy maintindihan sinasabi ng teacher namin. Si Ice di man lang pinagsabihan si Harris -_- Well ano ba namang paki ni Ice sakin? -_-

"Pag di ka talaga tumigil dudurugin ko talaga ang paa mong hayop ka!" Inis na bulong ko sakanya para di marinig ng Teacher namin mahirap na baka ma detention pa ako.

"Akin ka nalang akin ka---- Aray!" Natawa naman ako sa itsura nya nang tapakan ko ang paa nya hahaha.

"What the hell?" ani nya at hinimas himas ang paa nya.

"Wag mo kasi akong bwisitin ayan napala mo!" sabi ko sakanya habang nagpipigil ng tawa.

"Watchout Ms. Andres" napatingin naman ako sakanya. Hala ka ano naman kayang plano nito?

"so here's your tuxedos and dresses given by you parents" napatingin naman ako sa Teacher namin nang sabihin nya yun. Yung susuotin namin ?Umingay naman ang paligid na tila na eexcite sa mga susuotin nila. ako? wala lang di ko nga alam kung meron ba ako.

May pumasok naman na limang lalake bitbit ang mga boxes na obviously laman ang mga damit namin or nilang lahat. Nagsimula nang e distribute yung mga boxes, yung iba sobrang saya ng makita ang mga damit nila. Nagulat ako nang may nilapag ang isang lalake sa lamesa ko. Isang box na may lagay ng pangalan ko

Sheen Larrison Andres

- Mom and Dad

Tumulo naman ang luha ko na agad ko din namang pinahid. Nagulat ako nang tapikin ako sa balikat ni Harris sabay ngiti nya at tumayo pabalik sa upuan nya.

0_0 Ano yun? Ba't biglang bumait yon?

"That's all for today. Class dismiss." -Teacher

Tumayo na ako at binitbitbit ang box sa dorm ko na to bubuksan.

"Sheen, wait." napatingin naman ako kay Harris

"Ice, paki hatid si Sheen sa dorm nya" Nagulat naman ako sa sinabi nya kay Ice. Si Ice naman ay tumango lang. What the heck?! nautusan nya si Ice?

"Let's go" Kinuha ni Ice ang box na hawak ko at nauna nang maglakad sakin kaya sumunod nalang ako. Nilingon ko si Harris na naglalakad na kasama ang DAG. Ba't inutusan pa nya si Ice ? Bakit di nalang sya ang humatid sakin? Aiist! ano ba Sheen !

Tahimik lang kaming naglalakad ni Ice. Nauuna sya sakin habang ako nakasunod lang sakanya. Antahimik naman nito

"Ice" sambit ko sapangalan nya. Hinintay kong sumagot sya pero wala.

"Problema mo?" Tanong ko sakanya pero wala parin akong nakuhang sagot.

"Ano ba! di mo ba talaga ako papansinin ha!" sigaw ko sakanya. Nabibwiset na ako eh! para akong tanga dito satsat ng satsat pero walang nakukuhang sagot langya!

"Just shut up" Sabi nya na nakapagpatigil sakin. Hayst gusto ko pa naman sana syang tanungin tungkol sa sinabi nyang Frost sa music room pero siguro sa susunod nalang mukhang masungit sya ngayon eh. Pagdating namin sa ktapat ng dorm ko binigay na nya sakin ang box at tumalikod na.

"Ice!" tawag ko sakanya pero winave nya lang ang kamay nya at nagpatuloy sa paglalakad. Problema ba nun? Pumasok nalang ako sa dorm. Wala pa naman si Therese kaya pumasok ako sa kwarto ko at nilapag ko sa kama ang box. Ilang segundo ko muna itong tinitigan bago ako nagdesisyon na buksan ito. Napasinghap ako sa nakita ko. 0_0

Mantellion AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon