>>>>>>Sheen Larrison Andres at the multimedia<<<<<<___________________________________________
Sheen's POV
*BOOGSHHH* *BOOGSHHH*
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na kalabog ng pinto ng kwarto ko. Putek ! Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Therese na halatang naiinis na. Wahahaha !
"LATE NA TAYO SHEEN ! BA'T HINDI KA GUMISING NG MAAGA ?! ALAM MO NAMANG IKAW LANG ANG ALARM CLOCK KO EH ! AYAN TULOY SOBRANG LATE NA TAYOOOOO !" Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng boses nya, parang naka megaphone -_-
"Wag ka ngang sumigaw kitang ang lapit ko lang sayo " sabi ko at naglakad pabalik ng kama at humiga.
"Hoy hoy ! Anong hinihiga-higa mo dyan ! Malalate na tayo!" Kahit kailan talaga ang ingay nya ! Aaaiiiist !
"Ayokong pumasok!" Sabi ko at pinikit ang mata ko pero hinila ako ni Therese paupo.
"Ano ba ! Sheen naman--- anong nangyare sa mukha mo?!" Tss . Ngayon lang nya nakita ? Pambihira !
"Mamaya ko na ikikwento. Matutulog muna ako !" Babalik na sana ako sa pagkakahiga pero hinila na naman nya ako. Wengya ! Gusto ko pang matuloooog !
"Ikwento mo sa akin ! NGAYON NAAA !" Tinakpan ko na naman ang tenga ko. Bushet talagang Therese to !
"Oo na ! Ikikwento ko na ! Wag ka lang sumigaw pwede?" Umupo sya sa kama ko at hinihintay na sabihin ko sakanya.
"Kahapon may natanggap akong sulat galing sa isang lalake tapo----"
"Sinong lalake?"
"Si ano. Si Ice" nagtaka naman ako nang namilog ang mata nya. Wag nyang sabihin na kilala nya si Ice ?
"Omg ! Si Ice ?! Si Ice?! Seryoso ? Wee? Talaga si Ice ?" Binatukan ko sya. Ang daming tanong. Ayaw pang maniwala !
"Si Ice nga kulit neto ! Teka nga kilala mo si Ice ?" Tanong ko.
"Oo ! Sino ba namang hindi makakakilala sa Isang Ice na nangunguna sa GW (Gangster World), Pero teka ! Si Ice binigyan ka ng sulat tas may sugat ka sa mukha ? Sinugatan ka ni Ice?" Napa facepalm nalang ako .
"Patapusin mo kasi muna ako bago ka mag tanong!" Sabi ko.
"Oo na, cge continue !"
"So ayon nga, nakalagay duon na pinapupunta nya ako sa back building 12:00 a.m."
"Baki----" pinutol ko ang sasabihin sana ni Therese
"Wag ka munang magtanong !" Kinagat nalang nya ang labi nya , natawa nalang ako.
"Nung gabi na at alam kong tulog ka na ay lumabas ako ng dorm para puntahan si Ice pero nung makarating ako dun may kumidnap sakin" rereact pa sana si Therese pero pinanglakihan ko sya ng mata kaya napatikom nalang sya.
"Nagising nalang ako sa madilim na lugar habang nakagapos ang kamay at paa ko at pati bibig ko. May lalakeng nakamaskara lumapit sakin , tila hinihintay nila si Ice na dumating para iligtas ako and obviously si Ice talaga ang pakay nila at set- up lang yung sulat na yon. Ayon ang bwiset na lalakeng yon tinakot-takot ako so sinagot ko sya kaya hiniwa nya ang pisngi ko ! Mamamatay na sana ako pero buti nalang dumating si Harris para iligtas ako" Mahabang kwento ko sa,nangyare kagabi.
"S-SI H-HARRIS ? SYA ANG NAGLIGTAS SAYO ?! " tinanguan ko lang si Therese na parang nababaliw na. Tss -_-
"Pano nya nalaman na nakidnap ka ?" Yun din ang tanong na hindi ko masagot. Pano nga ba ? Aist ! Di ko alam.
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
JugendliteraturOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...