Sheen's POV
0_0
"H-harris?" Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon. Nang natanggal nya ang mask nya at tinanggal din nya ang fake tattoo na letter Z na nasa mukha nya.
"S-si Ice at Harris ay iisa?" Gulat na sabi ng lalakeng kumidnap sakin.
"Lumayo ka sakanya simeon" pagbabanta ni Harris sa lalake.
"H-hindi ! Kailangan kong makagante para sa kapatid ko !" Idiniin nung simeon ang baril nya sa ulo ko kaya napadaing ako sa sakit.
"Ugh"
"Simeon!" Parang sasabog na sa galit si Harris habang nakatingin kay Simeon.
"Ibaba mo ang baril mo dahil kung hindi ipuputok ko to sa bungo ng mahal mo Wahahaha!" Parang demonyong sabi ni Simeon. Natatakot ako, hindi para sa sarili ko kundi para kay Harris. Ayokong masaktan sya.
"Tss" Dahan-dahang ibinaba ni Harris ang dalawang baril nya sa semento.
"Wahahahha! MAMAMATAY KA NAAA !!" Sigaw ni Simeon at pinutok ang baril kay Harris pero naunahan kong itulak sya gamit ang katawan ko sabay tumba nya kaya tumama ang bala ng baril malapit sa kamay ko. Nadalisan naman nun ang lubid na pinang tali sakin kaya nagkaroon ako ng chance na maputol ang lubid at nagawa ko nga.
Habang kinakalagan ko ang sarili ko nakita ko namang nag aaway na si Harris at Simeon.
"Pinatay mo ang kapatid ko!! Papatayin din kitaaa !!" Sigaw ni Simeon habang nagpapalitan sila ng suntok ni Harris.
Nang makalagan ko na ang sarili ko ay nag papanic lang ako habang nakatingin sa kanila. Natumba ni Harris si Simeon pero nang makita kong nakahawak ng baril si Simeon ay napasigaw ako.
"HARRIS!"
*Bang!*
Natamaan sya! Naka hinga-hinga naman ako nang makitang sa kaliwang balikat lang sya natamaan.
Tumayo si Simeon at masayang nakatingin kay Harris na duguan. Arghhh!! Nanggagalaiti na ako sa galit! Tumayo si Harris at galit na nakatingin kay Simeon.
"Mamamatay ka naaa!!" Nang isigaw at tinutok ni Simeon ang baril kay Harris ay dali-dali kong hinila ang buhok nya kaya napadaing sya.
"Urghhh! Bwesit kaaa!!" Natabig nya ako ng braso nya kaya natumba ako at ramdam ko ang pananakit ng likod ko.
"Tss. Ginagalit mo talaga ako!" Bulong ko.
Nakita kong tinutok nya uli kay Harris na nakatingin sakin ang baril nya. Hindi pwede to! Nakita ko ang baril ni Simeon na nahulog nya kanina nang banggain ko sya. Agad kong kinuha yon.
"Wahahah MAMAMATAY KA NA HARRIS!!!"
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
Kasunod ng tatlong putok ang pagbagsak ng katawan ni Simeon.
Oo pinatay ko si Simeon! Nakapatay ako ng tao ! Nakatitig lang ako sa baril na hawak ko.
"Sheen? Sheen? Are you okay?" Napatingin ako kay Harris.
"Buhay ka! Buhay kaaa !!" Agad ko syang niyakap. Salamat at buhay sya. Napadako naman ang tingin ko kay Simeon na nakahandusay na sa sahig.
"Patay na ba sya?" Tanong ko kay Harris.
"Fck! Di ko sana hinayaang mabahiran ng dugo ang mga kamay mo, kung di sana ako naging tanga di ka sana nakapatay Sheen." Naiinis na sabi ni Harris.
"No. Wala kang dapat alahanin. Pinatay ko sya para maligtas ka. Kagustuhan ko yon okay? Oo kasalanan man ang makapatay pero handa akong maging makasalanan para sayo Harris." Ngumiti sya ng sabihin ko yun.
"Tatanggapin mo rin ba ang nalaman mo ngayon?" Sabi nya. Napabitaw ako sakanya atsaka tumayo.
"Ipaliwanag mo nga kung panong Ikaw ay si Ice." Sabi ko sakanya, puno na kasi ng tanong ang utak ko. Tumayo sya at sumandal sa bakal dito sa warehouse. Nag cross arms sya at tinignan ako.
"Si Ice at ako ay iisa. Lahat ng ginawa ni Ice sayo ay ako yun." Pagsisimula nya. Sya lahat? Pano?
"Ikaw? So ikaw yung nagligtas sakin nuong una tayong nagkita bilang ikaw si Ice? Yung yelo na tipid magsalita ay ikaw? Yung sa music room? Yung h-humalik sakin?" Tanong ko sakanya. Tumango naman sya sakin. Damn! Ang gulo!
"Eh yung mga panahong nandyan ka at si Ice? Yung sa clinic nun? Nung kinidnap ako? Basta yun!" Naguguluhang sabi ko sakanya.
"It's my clone. Peke yun. Si Jerome yun, schoolmate natin binayaran ko sya para magpanggap na Ice sa panahong kailangang maging si Harris." What the! Ngayon naiintindihan ko na.
"Eh nung sa ball? Yung kasayaw ko?" Tanong ko
"Ako yun si Ice ang midnight dance mo pero syempre ayokong ako bilang Ice lang ang magiging espesyal, kaya ako nakipagsayaw sayo nun bilang Harris dahil umasa akong magugustuhan mo ako bilang Harris at hindi bilang si Ice." Deym! Di ko inakalang si Ice at si Harris ay iisa dahil sa boses--- oo nga yung boses !!
"Yung boses ?!" Biglang tanobg ko sakanya. Kinuha nya ang maskara nya at pinakita nya to sakin.
"May voice changer dito." Kaya pala. Grave talaga ! Di ko inakala to. Lumapit si Harris sakin at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Sheen, wag mo sanang ipagsabi na ako at si Ice ay iisa dahil ginamit ko si Ice para protektahan ka. Dahil sayo kaya ginagawa ko ang lahat na to Sheen. Pati kay mom. Ginagawa ko para alamin ang lahat kaya sana Sheen. Mananatili lang tong lihim satin hanggang sa dumating ang tamang panahon." Tumango ako sakanya at ngumiti. Niyakap nya naman ako.
Ayokong maging hadlang sa mga plano ni Harris. Alam kong may dahilan ang lahat ng to. Ang importante ay nasabi nya sakin ang totoo. Aaminin kong naging importante silang dalawa ni Ice at Harris sakin at masaya akong nalaman na iisang tao lang ang minahal ko.
At yun ay si Frost Harris Mantellion.
___________________________________________
A/N: Short revealation. Abangan nyo po ang mas nakakaexcite na chapter. Salamat po sa lahat ng nagtyagang basahin tong story kahit matagal akong mag UD. Sa mga nag comments maraming salamat din 😊
Ps: Feedbacks please 😊
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Novela JuvenilOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...
