Sheen's POVNasa music room ako ngayon. Mag isa habang nakatunganga lang. Gusto ko sanang tumugtog pero pakiramdam ko wala akong gana.
"How are you ?" Napalingon ako sa taong dumating. Si Ice.
"Ah okay lang" sagot ko sakanya. Umupo sya sa upuan na nasa harap ko at nagdekwatro.
"Problem?" Ang tipid talaga nito.
"Wala. Ahm, naranasan mo na bang masaktan? Yung tipong ansakit talaga ?" Di ko alam pero bigla kong naitanong sakanya yun. Ang gaan na din kasi ng loob ko sakanya.
"Yeah. Nasaktan na din ako nuon sa dalawang taong iniwan ako" napatingin naman ako sakanya nang yumuko sya. Siguro ayaw nyang makitang nasasaktan sya.
"Ah hehe okay lang na di mo sabihin" sabi ko. Ayoko namang manghimasok sa buhay nya eh napaka misteryoso nya pa naman na tao.
"Everytime I remember how I lose them, I cry." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Si Ice ? Umiiyak? Hell I can't believe it.
"Iyak? Tss nagpapatawa ka ba ? Di ka nga ngimingiti iiyak pa kaya haha" natatawa kong sabi sakanya.
"I'm a human and I have a weakness. At yung isa sa dalawang tao na yon ang kahinaan ko" Tama din naman. Tao sya na nasasaktan rin.
"Di kasi ako makapaniwala na ang isang kagaya mo ay iiyak" sabi ko.
"Kahit ano pang tigas nito, lalambot parin to pag tungkol na sa isa sa dalawang yun" Mukhang girlfriend nya siguro yung isa na sinasabi nya.
"Girlfriend mo yung isa?" Napatingin naman sya sakin
"Mahal ko" gusto ko na sanang tumawa ng sabihin nya yon pero pinigilan ko eh ang seryoso kaya ng mukha ampangit naman kung tatawanan ko.
"Sino ba yun?" Tanong ko
"My mom and the other is you don't need to know" Mom nya ? At yung isa ayaw sabihin? Tss. Napairap nalang ako. Ang sungit talaga.
"Sus. Napakamisteryoso mo talaga. Ice ba talaga pangalan mo?" Kahit nga din section nya di ko alam. Eh di naman ako nagtanong at di naman yan nagsasalita.
"I need to go" tumayo na sya at tumalikod,
"Hoy ! Di mo pa nga sinasagot ang tanong ko !" Sigaw ko sakanya na naglalakad ka palabas.
"Frost" Napatigil ako sa sinabi nya. Frost daw ? Tatawagin ko sana sya pero nakalabas na sya ng music room.
Frost ang pangalan nya ?
Siya kaya si Frost na palaging kasama ko sa panaginip ko?
Tumayo na ako para sana lumabas na at bumalik sa dorm pero napahawak ako da ulo ko nang sumakit ito.
"Arghhh. A-ang sakit" may naririnig ako boses ng babae na nagsasalita pero di ko maintindihan.
"Aaahhh !"
*ahdhdnemksonfhxkksnh*
Di ko talaga maintindihan yung sinasabi nya. Fck ! Ansakit !
"Arrgghh. T-tulong " napaluhod na ako dahil sa sakit. Parang nabibiyak yung ulo ko sa sakit.
*Sa likod nun aydikdnsvsjodmdnh*
Sa likod nun? Yan lang yung naintindihan ko.
"AAARRGHHHH !!!"
*blackout*
___________________________________________
Nagising ako na nasa clinic ako. Napatingin ako sa apat na taong nandito.
BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Teen FictionOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...