Sheen's POVNasa harapan ako ng locker ko habang nakahawak sa isang pirasong papel.
"Ano to?" Bulong ko at binuklat ang papel.
Back building 12:00 a.m.
-Ice
Napakunot naman ang noo ko. Anong kailangan ni Ice at gusto nyang makipagkita sa akin ng ganong oras ng gabi?
"Sheen tara na !" Tinago ko ang papel sa loob ng bag ko atsaka hinarap si Therese.
"Tara"
Habang nasa classroom kami panay ang pag iisip ko sa sulat na natanggap ko. Pupunta ba ako ? Aist !
"Hoy" sinamaan ko ng tingin si Xander na nag snap ng kamay nya sa mukha ko.
"Problema mo?" Masungit na sabi ko sakanya. .
"Lalim ng iniisip mo ah, iniisip mo ko noh?" Binatukan ko naman sya atsaka inirapan.
"Lubayan mo nga ako ! "
"Oo na, sungit ah" tumahimik naman sya sa wakas. Hayst ! Napansin kong wala ang DAG ngayon. Nasan kaya ang mga yon? Paniguradong nag cutting classes yon -_-
___________________________________________
Gabi na at nasa dorm na kami ni Therese. Nakaupo ako sa sofa habang sya naman ay panay kain -_-
"Hoy ! Sabayan mo ako dito oh" i rolled my eyes on her.
"Wag na, busog ako"
"Okay" sabi nya at parang baboy na kumain. Patay gutom -_-
"Matutulog na ako" sabi ko at pumasok ng kwarto. Di naman talaga ako matutulog , humiga ako ng kama at kinuha ang papel na galing kay Ice.
"Arrrhhg ! Pupunta ba ako?" Ginulo ko ang buhok ko . To naman kasing si Ice pinag iisip ako. Di nagtagal habang nag iisip ako ay napatingin ako sa wall clock
11:30 p.m.
Damn ! My curiousity is killing me !
Tumayo ako at dahan dahan lumabas ng kwarto at sinilip ang sala. Siguradobg tulog na si Therese. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang jacket ko. Lumabas ako ng dorm at dahan-dahan sinarado ang pinto. Ramdam ko ang malamig na hangin na tinatangay ang buhok ko. Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad patungong black building.
Nang makarating ako wala akong nadatnang tao sa lugar nato. Tinignan ko ang oras sa relo ko.
"11:50 p.m"
Sumandal ako sa pader habang naghihintay. Antagal naman ng Ice nayon. Natatakot na ako bushet ! Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng kaluskos. Dahan-dahan akong humakbang sa madilim na bahagi dito
"Ice ?" Sambit ko sa pangalan nya pero wala akong nakitang Ice. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdamang nay nagtakip ng ilong ko ng isang panyo.
"Got you !" Rinig kong boses ng isang lalaki. Magpupumiglas sana ako pero ramdam ko ang unti-unting pag bigat ng talukap ng aking mata and then *blackout*
___________________________________________
Nagising ako sa isang madilim na lugar. Nasan ako ? Kumurap ako ng bahagya atsaka nilibot ang aking paningin. Ang dilim ng buong paligid pwera sa ilaw na nasa itaas ko na ako lang ang naiilawan. Napadako ang tingin ko sa binti kong nakagapos. Nakagapos din ang kamay ko sa likod ng inuupuan ko. Sumigaw ako pero impit ba tili lang ang kumawala sa bibig ko dahil sa panyo na nakagapos sa baba ko.
Dammit ! Anong nangyayare ?!
Takot ang namayani sa buong katawan ko nang may naaninag akong hulma ng tao na paparating sa kinaroroonan ko. Nang nailawan sya napatingin ako sa mukha nyang may takip. Buong mukha nya ang may takip kaya hindi ko talaga makita kung sino sya. Lumapit sya sa akin hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa maskara nya. Gusto kong sumigaw ng hawakan nya ang baba ko.
"Ang ganda naman ng taong mahalaga kay Ice" Na istatwa ako sa tono ng boses nya. Napaka demonyo nito, kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ramdam ko ang nakakatakot nyang presensya.
"Too sad but you'll gonna die together with him" si Ice ba ang tinutukoy nya ? Posible kayang set up ang lahat ng ito ? Na sila talaga ang nagpadala ng sulat at hindi si Ice ?
"Ice will die HAHAHAHA" tumawa sya na parang demonyo. Well he's really a demon. Bigla nyang kinuha ang nakagapos sa bibig ko at ramdam ko ang pag ngawit ng panga ko, bwiset to ah ! Mababalian pa ako ng panga !
"Sino ka?" Giit na tanong ko sakanya ,
"Sino ako ? Ako lang naman ang papatay sa inyo.
"Are you stupid ? I'm not asking what will you do, I'm asking if who are you" pamimilosopo ko. Nagtaka ako sa sarili ko dahil sa pagkakaalam ko takot ako kanina at sana hanggang ngayon nanginginig ako sa takot pero bakit wala ? Bakit wala akong naramdaman kundi galit ? Hindi ko alam kung bakit ako galit basta ang alam ko galit na galit ako sakanya.
"Becareful in your words ms. Andres" pagbabanta nya.
"Fuck you !" Sigaw ko sakanya. Pati ako nagtataka sa inaasta ko. This is not me.
Ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko ng sugatan nya ito ng dagger nya ramdam ko ang pag agos ng dugo mula sa sinugatan nya. Darn it ! Lalagyan pa yata ako ng peklat sa mukha."1st warning" sabi nya pero humagalpak ako ng tawa,
"BWAHAHAHAHA" what the hell is happening to me ? Nasa bingit na ako ng kamatayan pero nagawa ko paring tumawa ?
"What the fck are you laughing at?" Halata sa boses nya ang pag ka inis and it gives me chills.
Dinilaan ko ang dugo na umagos malapit sa bibig ko bago ko sya sinagot.
"Kill me now" i said.
"If that's what you want" kinuha nya ang dagger nya at inambahan ako ng saksak pero bago nya naisaksak yon pareho kaning nabigla sa sigaw ng isang lalake
"Aaaaaaah !!!" Nabitawan nya ang dagger nya at pinindot ang switch ng ilaw kaya nakita ko na ang kabuuan ng lugar. Isa itong lumang gusali na maraming nakatambak na semento.
"Aaaah!!" Napalingon ako sa sumigaw na naman na lalake. May taong sinasaksak lahat ng nadadaanan nya. Ang kilos nya. Ang tindig nya. Ang seryosong mukha nya. Ang kakaibang presensya nya na papalapit sa kinaroroonan ko at nang taong nakamaskara. Nanatiling nakatitig sa akin ang mata nya, kahit maraming umaambang saksakin sya kahit hindi nya ito tignan nagagawa nya parin itong saksakin. Ramdam ko ang umaapoy na galit mula sakanya.
Dumating sya.
___________________________________________
A/N: Sino ang dumating ? Kyaaaaah ! Abangan nyo sa susunod na chapter guys.
Vote. Comment.

BINABASA MO ANG
Mantellion Academy
Teen FictionOthers says Mantellion Academy is hell , may mga nerdy bitch, sluts, whores, warfreaks, pa cool, chismosa/chismoso, at hindi magpapahuli ang mga ... GANGSTERS . Gangsters, sa pangalan pa lang agad mong maiisip na masasama, walang kinatatakutan, basa...