Sila ang nag desisyon para saakin. Gusto ko din naman ang mga suhesityon nila para sa kasal ko kaya walang naging problema. Naiintindihan akong ayaw makisali ni Ara dahil nag-aalala lang siya kung papayag ba si Elisa o hindi sa gagawin ko
Hindi ko naman gusto ng engrandeng preparasyon at wala na akong pera para sa ganon. Pero mapilit si Pamela at Ciara, hindi rin naman umapela ang mga lalaki sa gusto nilang mangyari
"So, parang vows lang ang gagawin niyo for each other. Much better if there's a gazebo in the island. Ano ang last Island ng Cuatro Islas?" Tanong ni Pamela kay Argael
Kumunot ang noo ni Argael at nag-isip "Himokilan."
Tumikhim ako at umiling sa ideya na gazebo ni Pamela. Hindi kailangan non "Mahihirapan kung may gazebo, Pamela. Hindi ko gusto kung mahihirapan kayo sa paghahanda atsaka simple lang ang gusto ko."
"No. We can make it happen, or we'll rent a cottage Marco. Any ideas for the preparations, Ciara? Boys?...Ara?" Pagtatanong ni Pamela. Pursigido siya, hindi nga pinakinggan yung sinabi ko
Bumuntong hininga si Ara at umiling. Binaling niya ang atensyon sa kawalan.
"Mas romantic kung may candles sa lalakaran ni Elisana papunta sa open cottage kung saan nandoon si Marco. Maganda din kung sa gabi ganapin. Maiinitan sa gown si Elisa pag umaga ginanap." Suhestiyon ni Ciara
Tumango si Pamela at nilista ang mga sinabi ni Ciara. Pagkatapos ay bumaling siya sa mga lalaki
"Hmm.." Nag-isip si Vaughn pagkatapos ilagok ang alak
"Pamela, pa-design ka kay Tita ng tiara na gawa sa bulaklak. How bout that?" Si Callix naman ang nagsalita
Humalakhak si Argael at nakipag high five kay Ruan na siyang humalakhak din. Napangiti ako ng makuha ang nasa isip nila
"Sabi na e, bading ka talaga Callix!" Bulalas ni Argael
"May pa-tiara made from flowers pa. Uhm~" Pagbibiro ni Ruan at umaktong sinasabit ang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga
"Where d'ya get that idea pre? Bayot!" Kantyaw ni Vaughn
Pinagsasapak ni Callix sina Argael. Humalakhak ako at inawat sila. Napatingin ako kay Ara nang mapansin kong nakatingin siya sa gawi ko, nang magtama ang mata namin ay nag-iwas siya ng tingin
Nagkibit balikat ako at nilagok ang isang shot ng alak
Natapos ang gabi. Handang-handa sila sa mga preparasyon at puro pasasalamat nalang ako dahil sila na ang bahala sa lahat
Napagdesisyunan din na dalawang araw kami sa isla. Pagkatapos ng gabi sa isla ng Himokilan ay uuwi na kami. Napangiti ako sa ideyang uuwi na akong kasal
Kinabukasan ay nilunod kami ng mga projects at requirements na ipapasa bago mag sembreak. Hindi ko rin alam kung nakauwi na Elisa galing sa plantasyon nila. Pupuntahan ko nalang siguro mamaya lunch break sa classroom nila
Lahat ng suhestiyon ng barkada ay nagawa kong isipin habang nagsusulat ng notes. Mula sa mga candle lights sa gabi, naglalakad si Elisa, dala ang bouquet habang nakatingin saakin. Napangiti ako at pinilig ang ulo ko, masyado akong nasasabik!
Rinig ko ang tikhim at ang pagpipigil ng tawa ni Argael sa gilid ko. Nilingon ko ang guro namin habang nag d-discuss bago ako lumingon kay Argael
Hindi siya nakatingin saakin pero nakangiti ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko ng ngumuso siya sa may pinto ng room. May salamin sa itaas ng door knob kaya makikita ko kung sino ang mga nasa labas ng classroom namin
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...