"Or not?" Nag-aalinlangang saad ni Callix
Palihim akong napamura at sinamaan ng tingin ang natatawang itsura ni Callixto. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o totoong kilala niya ang bossing.
"Callix!" Sita ni Ara na ngayo'y pinatakbo na ang sasakyan paalis kung saan ito kaninang naka-park
Humalakhak si Callix habang tahimik akong nakatitig sa unahan. Narinig kong pinaalalahanan pa ako ni Ara na mag-seat belt ngunit hindi ko na ginawa 'yon
Muli kong inisip ang lalaki kanina sa masiglang bayan. Ang uniporme nito ay kaparehas ng kay Anton. Kunot noo kong nilingon si Arabella na ngayo'y naabutan kong nagnanakaw ng mumunting tingin sa akin. Kaagad itong nag-iwas ng tingin nang tumitig ako sa kanya
"Kilala mo ba?" Siryosong tanong ko
Bumuntong hininga siya at umiling "It's just a moniker, probably their jargon."
"You sure about that, Arabela?" Si Callix sa likod naman ang nagtanong
Kunot noong nilingon ko siya, ang kaninang ngisi ay nawala at napalitan ito ng reaksyong hindi maipinta, mistulang hindi pinaniwalaan ang sinabi ni Arabella at hindi nakumbinsi sa sinabi nito
Hindi umimik si Ara sa tanong ni Callix, imbes na sumagot ay mas binilisan pa nito ang takbo ng sasakyan sa patag na kalsadang pinalilibutan ng nagtataasang puno sa gilid. Walang ibang sasakyan sa highway kaya malayang ginawa ni Ara ang gusto
Pagkakatiwalaan ko ba sila? Kailangan ko sigurong lilimitahan ang pakikipag-interaksyon sa mga kaibigan ko dahil naka-sangla na sa isang mangkukulam ang aking kaluluwa, at sa oras na nalaman nila 'yon, alam kong iiwas sila sa akin
"Marco," Naputol ang serye ng mga salita sa isip ko nang tawagin ako ni Callix
"Bakit bigla mong naitanong?" Nagtaas ito ng isang kilay pagkatapos ay umayos ng upo
Nakikinig si Arabella ngunit mas piniling huwag nang magsalita dahil nagmamaneho ito. Bumuntong hininga ako sa tanong ni Callix
Magtitiwala ba o hindi?
Ilang ulit akong tumingin sa siryosong mata ni Callix na nag-aabang sa magiging sagot ko. Bahagyang nanlaki ang mata na mistulang tinanong muli ako gamit noon
Magtitiwala o hindi?
"Marco?" Si Arabella naman ngayon ang tumawag sa akin
Bahagyang namuo ang kaba, ang pakiramdam na hindi ko kilala. Pinagsamang takot at pagdududa na ngayon lang rumihistro sa akin
Magtitiwala?
Matagal ko nang kilala ang mga kaibigan ko, at sa lahat, ang dalawang ito ang hindi masyadong pansinin.
Mas gugustuhin nilang mag obserba kaysa magsalita, mas gugustuhing makinig, kaysa ang mag kuwento. Sa lahat, silang dalawa ang kasama ko sa library, sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig, tahimik na paghalakhak kapag may nakakatawang sinabi ang iba
O hindi?
Ngunit hindi na nila ako kilala. Wala na ang Marco na kaibigan nila. Ang Marco sa harapan nila ay ang bagong simbolo ng katauhang durog na isinanla ang kaluluwa sa mangkukulam para mabuo ulit, para ibalik ang nawala.
Nagkamot ng ulo si Callix at muling sumandal sa headrest, tumingin ito sa labas ng bintana at mistulang nag-isip. Narinig ko ang buntong hininga ni Ara bago binuksan ang radyo ng sasakyan
Umayos ako ng upo at nagsuot ng seat belt gaya ng sinabi nito kanina. Tumingin muli ako sa labas at pinagmasdan at kalmado at payapang kakahuyan. Wala akong ideya kung saan papunta ang sasakyan ni Ara, hindi na alintana sa akin 'yon
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...