"Vaughn's dead."
"Alam ko."
Tahimik na tinatanaw ng mga mata ko ang pamilyar at kalmadong dagat sa tabi ng mercado. Tumatama ang sikat ng araw sa tubig alat, dahilan kung bakit hindi magkamayaw ang pagkislapan ng bughaw na likido
Hindi na nagsasalita pang muli si Arabella sa tabi ko, gaya ko ay nakatanaw din ito sa dagat
Ilang sandaling natahimik sa loob ng sasakyan. Ang himig ng alon mula sa labas ang lumamon sa katahimikan namin
"So, simula noong tumakas ka sa kulungan, doon ka nanunuluyan sa atelier na 'yon dahil pumayag ang may-ari?" Pag-iiba niya ng usapan gamit ang mumunting boses
Tumango ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa tanawin
"Pero alam ng mga tao dito sa Albuera na wanted ka! Argael also accused that you killed his father. Marco, do you get it? Mainit ka sa mata ng batas, at ng mga tao!" Nahimigan ko ng pag-aalala at pagka-bigo ang nanginginig na boses nito
Hindi ko magawang ngumiti at sabihin na huwag itong mag-alala sa akin, na kaya ko na ang sarili ko at pabayaan niya ako, gaya ng nakagawian ko noon
"And besides, that lady owner looked she'll do something hideous behind your back. Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin niyan sayo!" Bahagyang nawala ang disposyon ng kalmado niyang kilos
Bumuntong hininga ako at umayos ng upo
"Tinutulungan niya akong mabuhay." Nakita kong huminto siya sa kanyang pagkilos nang mahimigan ang pagka-pirmi ng boses ko
Umayos siya ng upo at humarap sa akin. Ang isang kamay ay isinandal sa manibela at ang isa naman ay nakaturo sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagka-gulat, kalauna'y nanliliit na ang mga mata nito, tila may pinagdududahan
Nagpakawala ito ng malalim na paghinga bago magsalita
"You're not doing anything lewd for that old woman, are you?" Ako naman ang umayos ng upo ngayon at humarap sa kanya
"Arabella? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Nagtaas ako ng kilay at halos umawang ang bibig ko sa gulat
Nag-iwas siya ng tingin at sinimulang galawin ang mani-obra ng kanyang kotse. Suminghal ako nang bahagyang nandiri sa naisip, pagkatapos ay isinandal ang buong likod sa kabuuan ng upuan
Nagsimulang gumalaw ang tanawin ng dagat sa paningin ko, hudyat na nagsimula nang mag maneho si Ara
"Anyway, your mom is safe. Callix put her remains on his guesthouse so you can visit her anytime."
Muling nadurog ang puso ko sa kaisipang wala na si mama, na hindi ko na siya muling mararamdaman. Pero ang marinig na nasa maayos na kalagayan ang tangi niyang alaala ay nagpaluwag ng kalooban ko sa kabila nang naramdamang pagka-guho
Mariin akong napapikit at tumango sa sinabi niya
"Maraming salamat sa inyo ni Callix." Nang nasigurado kong hindi lalabas ang likido ng kalungkutan ay muling sinakop ng tangis ng liwanag ang paningin ko
"Wala ito, Marco. Afterall, you're doing us a favor." Nahagip ng paningin ko ang mumunting ngiti sa kanyang labi habang abala ang mga mata niya sa kalsada.
Hindi ko na dinagdagan ang sinabi niya dahil hindi ko naintidihan ang huling bahagi nito
"Siya nga pala, you're going to Vaughn's funeral with us." Anunsyo niya
Bumalikwas ako ng upo sa narinig "Ano?! Wanted ako Ara!" Mariin kong tugon
"Huwag kang mag-alala we'll plan everything para makapunta ka." Humalakhak siya at mas binilisan pa ang pa-andar ng kotse niya "Also, magsasalita si Argael ngayong araw, he probably fix his mistake na pagbintangan kang pumatay sa kay Tito Felix."
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...