*Re-read atleast two or three chapters before this kung nakalimutan na ang flow. Sorry for the long pause readers
"Ayos ba 'to, mga pare?" Natatawang saad ni Vaughn
Nanlalaki ang mga mata at litaw ang pangingitim ng buong paligid nito. Mabilis ko itong namataan kahit gaano pa kalabo ang senaryong nakuha sa tape. Makikita din doon ang pagka-balisa, sobrang tuwa at pagka-maligalig ng lalaking nanlulumo ngayon sa harapan ko
Walang ibang maririnig na ingay sa lugar kundi ang halakhak ng iilang pamilyar na boses, impit ng pagmamakaawa at hikbi mula kay Elisa, hampas ng alon mula sa dalampasigan at mahina ngunit nangingibabaw na tunog ng gamu-gamo
Nanginig ng kaunti ang imahe na makikita sa telebisyon ngunit ilang sandali pa ay natutok 'yon sa kung paano hinila ni Vaughn ang buhok ni Elisa pataas
"Matindi ka naman pala!" Humalahak muli ng mga boses
"Hubaran mo, Vaughn!" Utos ng isa pa
Maya-maya'y unti-unting lumapit ang mukha ni Vaughn sa leeg ni Elisa, kitang-kita kung paano lumabas sa bunganga niya ang pangahas na dila bago nito hanapin ang daan papunta sa kaliwang parte ng leeg ni Elisa
Nasiyahan muli ang mga tao sa bidyo, humiyaw at may pumalakpak pa sa tuwa.
"M-Marchosias...ano 'to?" Ang pinaghalong takot at hindi malamang reaksyon mula sa kanya ang naging hudyat upang umapaw sa sukdulan ang panginginig ng kalamnan ko
Mabibigat at matatalim ang iginawad kong tingin na sinalubong ng kanyang mapanlinlang at aligagang balintataw.
Si Vaughn at ang kanyang reaksyon na tila nagtatanong kung totoo ba ang napapanuod niya o hindi ang mas nagpabuhay pa sa bagong mulat na demonyong unti-unting nilalamon ang buong katinuan ko
Hindi ako tanga, Vaughn
"Panuorin mo," Humalukipkip ako at prenteng nakaupo sa kinauupuan "Panuorin mo, hanggang sa katapusan."
Wala akong ibang naramdaman habang pinapanuod ang karumaldumal na kalapastanganang ginawa kay Elisa. Ngunit, naging ebidensya sa likod ng matigas at walang emosyong pader na nakapalibot sa akin ang pagisistaasan ng balahibo at ang pagkadismaya ko sa aking sarili
Tumayo si Vaughn at aligagang hinaluglog ang buong lugar upang mawala ang bidyo sa paningin niya
"Putang..ina..nasaan na ba 'yon?!" Bulong niya sa sarili, patuloy na naghahanap ng kung ano
Tumayo ako at lumapit sa player ng videotape.
Mabilis kong tinanggal ang tape doon at ipinasok 'yong muli sa bulsa ng jacket ko. Nahinto si Vaughn sa ginawa ko kaya naman ay agad kong hihintay ang pagtama ng patingin niya sa mga mata kong abang na abang na sa katotohanang sasabihin nito
Ilang segundo siyang nakatayo, ang pwesto'y nakatalikod mula sa akin
"M-Marco.." Saad niya nang dahan-dahan akong hinarap
"Wala akong alam sa nangyari.."
Hindi ko mawari kung lalapit ba ito sa akin o hindi. Hahakbang pagkatapos ay hihinto at muling aatras, naroon pa rin ang takot at naguguluhang ekspresyon
Hindi nga ako tanga, Vaughn.
"A-Ako yung nasa video, oo ako 'yon! P-Pero wala akong alam ng mga panahong iyan! Maniwala ka sa akin!" Nangibabaw ang pamumula ng kanyang mukha at bahagyang pagpait ng kanyang ekspresyon nang mamataan niyang hirap akong makumbinsi sa kanyang mga sinasabi
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...