Chapter 6: Suspect

2.8K 137 38
                                    

Mistulang gumuho ang buong mundo ko nang hindi pumunta si Elisa kagabi. Maraming gumugulo sa isip ko, hindi ko na alam kung alin sa mga 'yon ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sumipot.

Nakahiga ako sa mahabang upuan ng gazebo. Ang mga kandila ay tunaw na at lahat ng rose petals ay dinala ng hangin sa kung saan. Sirang-sira ang buong lugar dahil sa basang paligid dahil sa nagdaang ulan kagabi

Tamad akong umupo mula sa pagkakahiga at bumaba ang tingin ko sa dalawang singsing na nasa box sa gilid ko

"Bakit hindi siya pumunta?" Bulong ko

Tumayo ako at kinuha ang singsing bago naglakad papunta sa cottage ng mga babae. Pupuntahan ko si Elisa. Gusto kong linawin kung gusto niya ba talagang magpakasal saakin o hindi

Naiintindihan ko namang masyado pang maaga para idaan ko siya sa altar, hindi pa kami tapos mag-aral at higit sa lahat, alam kong natatakot siya sa magiging reaksyon ni Mayor Valbuena kapag nalaman niyang kasal na ang anak niya ng hindi niya alam

Pero bakit hindi nalang siya pumunta at sabihin na hindi pa siya handing magpakasal at ayaw niya pa? Iniisip niya ba na masasaktan ako kapag umayaw siya?

Ayaw kong mainis. Kasalanan ko naman, masyado akong nagmadali at hindi ko pa pinaalam sakanya ang tungkol dito

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ko katukin ang pinto ng cottage nila. Napalunok ako ng walang tumugon sa katok ko. Masyado pang maaga pero kailangan kong maka-usap si Elisa. Kumatok pa ako ng ilang beses pero wala pa ring nagbubukas ng pinto

Bumuntong hininga ako tanda ng pagsuko. Kakausapin ko nalang siya mamaya

Dumiretso ako sa cottage ng mga lalaki na may kalayuan sa cottage ng mga babae. Napatingin ako sa bughaw at kalmadong karagatan, parang walang nangyaring ulan kagabi dahil malinis ang puting buhangin, walang bakas ng mga naglaglagang sanga o dahon ng mga punong nakapaligid dito

Nasa tapat ako ng pinto ng cottage namin, kakatok na sana ako ng tumambad saakin si Argael na kakagising lang, gulo gulo ang buhok nito at may kausap pa sa telepono

Napatalon siya at muntik na niyang mabitawan ang telepono niya nang makita ako sa harapan niya. Tinaasan ko siya ng kilay habang minura-mura niya ako dahil sa biglang pag gulat niya

"Tangina naman pare!" Inis niyang saad bago bumaling sa telepono niya "Mamaya na tayo mag-usap." Binulsa niya ang telepono niya at bumaling ulit saakin

"Papasukin mo nga muna ako." Iritang saad ko.

Pinag-buksan niya ako ng pinto at sinara 'yon ng makapasok ako. Dumiretso ako sa upuan na nasa gilid ng kama na tinutulugan ni Ruan at Vaughn

"Anong balita? Naka-score ba? Kumusta first time mo? Anong reaksyon ni Elisa?" Sunod-sunod na tanong ni Argael na mas lalong ikinainis ko

Sinigurado kong mararamdaman niya ang hindi magandang hangin na nakapalibot saakin ngayon. Nilapag ko ang singsing sa mesa at nahagip ng mata ko ang pagtataka sa mukha niya

Binaling ko ang atensyon kina Ruan na tulog na tulog. "Puyat yata kayo?" Pag-iiba ko ng usapan

Humalakhak si Argael "Wag mong iniiba ang usapan Marco. Pero mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko."

Bumagsak ang tingin ko sa singsing

"Hindi siya sumipot kagabi. Masyado ba siyang nabigla sa mga nangyari? A-Ayaw niya ba muna? Dapat hindi nalang ako nagmadali." Sabi ko kay Argael. Binigyan niya ako ng tingin ng panghihinayang

Tumango siya habang tinitingnan ko.

"Tara, puntahan natin si Elisa. Mag-usap kayo para may kaliwanagan." Pagyayaya niya

Blood For SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon