Tinaas ko ang manggas ng long-sleeve na humaharang sa relo'ng suot ko. Pinilig ko ang aking ulo ng matantong masyado kaming maaga para sa gaganaping lamay
Matapos na ibaba muli ang manggas, nag-angat ako ng tingin sa aking repleksyon sa salamin na nasa harapan ko
Gumapang ang mga kamay ko sa malayang nakasabit na necktie sa aking leeg. Salubong ang kilay ko nang ayusin ang necktie, bukod sa hindi ako sanay, hirap akong pagbuhol-buholin ang makinis na hati ng tela
Inayos ko ang kwelyo ng suot na suit, matapos na gawin ang necktie. Pagkatapos ay maingat kong isinilid ang mga kamay ko sa manggas ng itim na coat na ipinahiram sa akin ni Callixto
Kagabi, habang kumakain, nabanggit sa akin ni Callix ang mga dapat kong gawin ngayong araw.
"You'll be our bodyguard for the meantime."
Natigil ang pag-nguya ko sa narinig.
"That's your disguise." Mataman na saad nito at bumalik ulit ang tingin sa ulam at kumuha ng panibagong putahe
Nagtatalo ang dalawang bahagi ng pagkatao ko.
Ang isa'y hindi nagustuhan ang ideya nito. Masyadong delikado at mas maganda kung hindi ako magpapakita sa taong 'yon. Dahil kapag nabisto nila kung sino ako, hindi ako magtatagumpay sa misyon
Ang isang bahagi naman ang nagsasabing ito ang pinaka-madaling paraan para mapalapit kay Argael at Ruan. Mapapadali ang pabuo ko sa mga nawawalang piraso ng mga impormasyon upang mabunyag ang katotohanan sa likod ng pagpatay kay Elisa
Muli akong nagpatuloy sa pagkain at tahimik na hinahanap ang butas sa kanilang plano
"After my announcement, we'll raid Argael and Ruan." Pahabol ni Callix. Hindi nakatakas sa akin ang mumunting ngisi sa kanyang labi
"You can now live in peace, Marco." Masiglang saad ni Arabella, abot-abot ang sayang naramdaman niya, na inilahad ng tono ng kanyang boses
Nagbuga ako ng hininga at tumango. May kamalayan ako na hindi ako makakagawa ng galaw habang narito ako sa mansyon nila. Pwede ko nang ihalintulad ang sitwasyon sa isang sugatang tigreng bahay ng lobong umaaktong tupa
Mula sa aking pinggan ay nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang yapak ng paa papunta sa kinaroonan namin. Doon, namataan ko ang baguhang katulong na may dalang bagong pitsel ng malamig na tubig.
"Yon na nga! Hindi rin nabanggit ni Sir Callix ang pagkawala niya, kaya naghihinala ako."
"Hindi ko talaga gusto ang aura ng boss natin."
Nag-iwas ito ng tingin nang makitang nakatanaw ako sa kanya. Nanliit ang mata ko nang mamataan ko ang pamumula ng buong mukha nito
Walang duda, ito ang katulong na ayaw kay Callix.
Kailangan kong gumawa ng hakbang kahit sa ganitong paraan lang, kailangan kong kumpirmahin ang intensyon ni Callix at kung paano niya ipapaliwanag ang mga litrato at dokyumentong nakita ko sa kanyang kuwarto
Huminto ako sa ginagawa at muling tinitigan ang katulong na maingat sa paglalagay ng tubig sa bawat baso. Nang matapos siya sa dalawa ay nayuyukong humahakbang ito papalapit sa akin
Eto na!
"Magandang gabi." Pilit na itinaas ko ang gilid ng aking labi nang makalapit siya sa akin
Hindi nakatakas sa akin ang gulat sa kanyang mga mata. Ramdam ko rin ang pagtigil nina Callix at Ara sa kanilang kani-kaniyang pagkain
Aligagang ngumiti ito at mabilisang sinlinan ng tubig ang aking baso
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...