Chapter 29: Wicked

1.1K 44 13
                                    

Note: Hi! So this is the chapter where I felt the need to take a break! Pasensya na sa pag-hihintay alam kong marami nang nakalimot ng istorya at marami naring GG sakin dahil sa sobrang tagal ng UD. I recommend to skim or re-read few chapters before this at matatandaan niyo na ulit ang story. 

Chapter's Gist: Marchosias and Argael s confrontation.


Pinagmasdan ko ang mga guhit sa kanyang mukha dala ng pagkasira ng kanyang reaksyon, na kalauna'y mukhang masuka-suka na sa biswal na nakikita. Bahagya akong nag-angat ng ngisi dahil tagumpay ang kinanalabasan ng plano ko para kay Ruan 

Nag-angat ng tingin si Argael sa akin nang hindi kayanin ang hitsura ng bangkay ng kanyang kaibigan

"Hindi na ako nagdududa. Napatunayan mo na sa akin na mamatay tao ka." Matalim ang dikit ng kanyang mga mata sa akin

Bahagyang nakunot ang noo ko

"Nagdududa?" Halos hindi na maitago ang ngiti sa labi ko

Gusto kong matawa at walang humpay na humalakhak sa kanyang sinabi! Mistulang isang pinaka-imposibleng biro para sa akin ang pagdudahan niya ako gayong siya ang dahilan kung bakit malaki ang patong sa ulo ko ngayon 

Parang punyal na idinausdos niya sa akin ang kanyang matang sinasalamin ang kanyang nararamdamang sakit 

Bakit ka nasasaktan Argael? 

Sariwa pa rin sa akin ang bawat galaw nila sa napanuod ko. Pinagpasa-pasahan si Elisa na parang hayop at laruan. Agresibo ang tatlo kong kaibigan na parang kayang-kaya nilang idaan sa panghahalay ang walang kalaban-laban upang mapatay ito

Tapos ngayon, kaya niya akong bigyan ng ganyang tingin? 

Umabot sa sukdulan ang pagsusukatan namin ng tingin. Abot-abot din ang tahip at mabilis na tibok ng aking dibdib 

"Tinuring kitang para kapatid ko na!" Bulalas niya at naunang nag-iwas ng tingin upang pagtakpan ang bagay na hindi ko dapat makita sa mga mata niya 

Bumulusok ang napakalakas at malamig na hangin sa pagitan naming dalawa. 

Ngunit kahit ganon pa man kalamig iyon, hindi nito nahigitan ang paglusaw ng mainit na pendant sa gitna ng dibdib ko. Nilalamon na ako nito, ng hapdi at init na unti-unting sinisira ang pundasyon ng pagiging mahina ko

Nagulo ang kanyang buhok, ganoon rin ang akin. Palihim akong nagpasalamat sa hangin dahil kahit papaano'y tinuyo nito ang papa-ipong tubig sa paningin ko 

"Ganoon din naman ako, Argael." Siryosong saad ko 

Nanlumo ang kanyang pagod na mga mata. Yumuko siya habang ako'y nag-angat ng tingin. Siguro ay sabay naming inilabas ang kanya-kanyang tubig ng tagong damdamin ngunit ayokong ipakita sa mga kagaya niya ang kahinaan ko 

"Hindi mo ba naalala kung anong ginawa ninyo kay Elisa?" Kaagad akong napahinto nang gumaral ang boses ko nang banggitin ang pangalan ni Elisa sa harap niya 

"Sinira ninyo ang kaluluwa't pagkatao niya. Sinira ninyo ako at ang buhay ko." Singhal ko

Bakit hindi lumalaban pabalik si Argael? Bakit hindi niya gayahin ang pagtanggi ni Vaughn at mapangahas na panlalaban ni Ruan? 

Hindi ko man gusto ang pag-suko niya, pakiramdam ko'y hindi ako handa kung ganoon na lamang ang mangyayari 

"Mahal ko si Elisa." 

Huminto ang tibok ng puso ko sa sandaling pagkakataon. Ang hinahanging apoy sa aking loob ay pinatatag ng panibagong langis na sanhi upang magbaga ito ng higit pa sa inaakala ko 

Blood For SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon