Chapter 5: Wedding

2.7K 107 16
                                    

Halos magtakip ako ng tainga ng tumili sina Pamela at Ciara nang makitang kasama ko si Elisa. Bumaling si Ara sa kamay namin ni Elisa na magkasalikop pa.

Dumapo ang tingin ko sa kina Callix na nanlalaki ang mata kay Elisa. Nanliit ang mata ko at napa-iling nalang

"O..m..g! Elisana Valbuena, so fresh and..raw!" Pag hihisterya ni Pamela at masuring kinilatis ang kabuuan ni Elisa. Hindi mapigilang humalakhak ni Elisa

Hinayaan ko silang mag-usap at umupo ako sa sofa para samahan ang mga lalaki.

Bumaling saakin si Ruan

"Pare, siya ba si Elisa? Ang ganda!" Mangha niyang sabi parang hindi makapaniwala

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na umimik. Parang gusto ko nalang itago sa bisig ko si Elisa para hindi na siya pag-usapan ang ganda niya

"So, the rumors are true. She's beautiful and smart?" Kalmadong saad ni Ara sa gilid ko

Hindi lang maganda at matalino, Ara. Amazona, parang laging may dalaw at hindi ko rin maintindihan kung maglalambing ba o magtataray.

Ang saya sana sabihin kay Ara 'yon kaya lang baka sapakin lang ako ni Elisa sa harap nila

Dinagsa ng mga lalaki si Elisa at isa-isa silang pinakilala ni Pamela sakanila

"Elisa, We are Marco and Argael's bestfriend since childhood." Panimula ni Pamela at bumaling siya kina Ruan

"This is Ruanozo Nuesa, the son of Rodrigo and Nelia Nuesa, founder of Visayas' largest wet and dry market." Naglahad ng kamay si Ruan at nahihiya pa itong ngumiti kay Elisa

"Call me Ruan." Nakangiting sabi ni Ruan

"Okay." Masiglang sabi ni Elisa

Tumikhim ako ng medyo tumagal ang hawak ni Ruan

"This is Vaughn Yangson. Have you heard of Visayan Transit Corporation? They own it." Tinanguan lang ni Vaughn si Elisa, alam niya sigurong ayokong makipagkamay siya kay Elisa

"And this is Callixto Alegre or Callix nalang. They own all Petron's branch in Visayas Region." Tipid na ngumiti si Callix kay Elisa. Nginitian siya ni Elisa pabalik

Naagaw ang atensyon ko sa kung paano naging abala si Argael sa pag-uutos sa mga kasambahay at mga guwardiya niya para asikasuhin na ang lahat papunta sa Cuatro Islas.

Iuuna siguro ang mga handa sa pangatlong isla dahil doon kami magkakainan at pagdating sa panghuling isla kami magpapahinga at matutulog. Nagparenta na rin ng iilang cottage si Argael para saamin

"Makakarating kami sa Apid ng mga hapon. Siguraduhin niyong nakahanda na doon ang mga pagkain pagdating namin. Ikaw na bahala magsabi sa kanila ng mga gagawin." Utos ni Argael kay Anton, lider ng mga guwardya nya

"May mga dala kaming snacks para hindi kami gutumin habang nasa Digyo at Mahaba kami. At yung tungkol doon?" Nagtama ang paningin namin ni Argael nagulat siyang nakikinig pala ako at kalauna'y ngumisi nalang at kumindat ito saakin "Oo, sigurado ako."

Napa-irap ako.

Umupo si Elisa sa gilid ko nang sabihin ni Argael ang mga gagawin. Palihim kong hinawakan ang kamay niya at kasunod noon ang maingay na tikhim ni Ara

Alas siyete ng umaga nang makarating kami sa Inopacan. Maganda ang panahon, hindi masyadong mainit at hindi rin uulan

"Sakay na tayo Elisa!" Hinila ni Pamela si Elisa mula saakin, aangal na sana ako ng binantaan ako ni Elisa

Blood For SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon