Chapter 11: Necklace

2K 103 7
                                    

"May hindi ka naiintindihan." 

Tumindig muli ang mga balahibo ko sa sinabi ni Matilda. Pinagmasdan niya kung paano nalukot ang mukha ko sa mga binitawan niyang salita

Ano pa bang hindi malinaw na sinabi niya? Kung ang kabayaran ay ang dugo at kaluluwa ng mga taong pinatay ko, malamang ay papatay nga talaga ako. Naiintindihan ko naman ang nais niyang iparating 

"Ngunit sinabi mong dugo at kaluluwa ang kapalit, hindi ba?" Sinubukan kong itago ako inis na nagmumula galing sa boses ko 

Presko akong sumandal sa upuan at humalukipkip. 

"Papatay ka, Marchosias pero dugo lang ng mga makasalanan ang kailangan ko." Naiinip na pagpapaliwanag nito

Bumuntong hininga ako bago ipahagay ang sarkastikong tango

Ganito pala kahirapan makipag-usap sa mga mangkukulam? Ang akala ko ay mapapadali ang lahat kapag sila na ang sumali sa gulo, pero sa usapan palang naming ito, mukhang mahihirapan ako 

"At kaluluwa nila." Pagtatama ko dahil 'yon ang naintindihan ko

Napangiti siya at hindi makapaniwalang umiling 

"Hindi nila, Marchosias." Humalakhak si Matilda at sinabayan pa ng palakpak "Kaluluwa mo!" Natutuwang bulalas nya

Huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Mistulang bumagal ang mga huling dalawang salita habang sinasambit niya 'yon 

Kaluluwa ko?

Nang mapagtanto ko ang lahat ay gulat na napatingin ako kay Matilda at nakita ko ang tango niya bilang kumpirmasyong tama na nga ang naiisip kong ito

"Kailangan ko ng paliwanag." Wala sa sariling saad ko 

Halo-halo ang naging reaksyon ko sa sinabi niyang 'yon. Mabubuhay si Elisa sa mga dugong iaalalay ko kay Matilda, ngunit hindi makukumpleto 'yon kung wala ang kaluluwa ko. Ibig sabihin, ibabalik ang kaluluwa ni Elisa..

kung kukunin ang akin?

"Huwag kang mag-alala hindi ka mawawala. Makukulong ka lamang siguro sa walang katapusang kadiliman, hindi pa ako sigurado kung ganon lang kadali ang kaparusahan mo." Sinabi niya bago tumayo at nagpunta sa kung saan 

May kapalit na kaparusahan ang gagawin ko. Ikukulong ni Matilda ang kaluluwa ko, ngunit hindi ako mawawala sa mundong ito. 

"Gaano katagal?" 

Kumunot ang noo niya at napa-isip 

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang proseso nang lahat ng ito. Papatay ako para mabuhay si Elisa. Kaluluwa ko ang kapalit at makukulong ako sa dilim o sa kung saan nang hindi ko alam kung gaano katagal 

Bumuntong hininga ako sumuko na sa kakaisip

"Sisingilin kita kapag natapos mo na ang gagawin mo. Sa ngayon, kailangan ko na ng dugo." Sabi niya at kaagad na nilapag sa mesa ang isang kwintas 

Kunot noo kong pinagmasdan ang pendant nito. Isang pirasong sungay na may kahabaan at kalakihan kumpara sa normal na pendant. Kasing laki siguro ng hinliliit ko ang sungay na 'yon 

"Dyan mo kolektahin ang dugo ng mga napatay mo." Paliwanag niya saka inabot sa akin ang kwintas 

Tinanggap ko ito at pinagmasdan ang kwintas na gawa sa lumang pilak. Kaagad na sinuot ko ang kwintas 

"Para saan at kailangan mo ng dugo?" Tanong ko habang inaayos ang kwintas sa leeg ko 

"Iyon ang pangunahing bumubuhay sa akin. Dugo ng tao din ang dahilan kung bakit hindi ako tumatanda." Sabi niya habang maingat na sinusuklay ang buhok niya mula taas hanggang baba gamit ang mga daliri 

Blood For SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon