Humahangos ako ngunit hindi ko magawang huminto. Pinagmasdan ko ang tahimik na paligid, ang tanging ingay lang ay ang hampas ng ahon sa dalampasigan, ang pag-sayaw ng mga puno at ang tangis ng mga ibon sa himpapawid
Madilim ang gabi ngunit may isang bagay na pursigido akong hanapin
"Nasaan na siya?" Aligagang saad ko. Hindi ako makuntento hanggat hindi ko siya nakikita
Napahinto ako ng may impit ng iyak akong narinig, medyo malapit sa kinaroroonan ko
Buong atensyon kong hinanap ang tinig na nanggagaling sa kung saan
"M-Marco.."
Humagulgol ako habang hindi mapakali sa paghahanap. Hindi ako humihinto sa paglalakad, sa pag lingon, kaliwa't-kanan
"Ma-Mahal ko..t-tulong.." Boses nya ulit
Huminto ako ng mapagtantong walang tao, na wala ang hinahanap ko, na wala nang paraan upang makita ko siya ulit.
Napaluhod ako sa buhanginan, naglalaglagan doon ang mga luha kong hindi magkamayaw sa pag tulo
"Elisa!" Sigaw ko
Marahas ang pagdilat ng mata ko, hinihingal at pawisan ako. Napa-upo ako at kaagad na sumalubong saakin ang tingin ng mga hindi pamilyar na mukha. Sa gilid ko ay ang lalaking kunot ang noo, nagtatakang nakatingin saakin
Hingal ako nang pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar
"Ayos ka lang?" Tanong ng lalaki sa harap ko
"Bigyan ng tubig!" Utos noong isa
Napalunok ako at umayos ng upo. Tinanggal ko ang kumot na binigay saakin ng isang preso kagabi
"O, gising na sya?" Rinig kong sigaw nung pamilyar na boses sa gitna ng dagat ng preso
Pinagmasdan ko ito ng makipagsiksikan sa iba upang makapunta sa kinaroroonan ko. Kunot ang noo ko, sinusubukang alalahanin kung sino ito
"Binangungot ka yata?" Natatawang saad niya saka pinasadahan ako ng tingin. Tumango-tango siya at mistulang kuntento na sa pag tingin saakin
Hindi ko siya sinagot.
"Ako nga pala si Zandro. Ako yung nagbigay ng kumot sayo kagabi." Masiglang bati niya saakin
Pinagmasdan ko siya. Hindi nalalayo ang pagiging bata ng itsura niya saakin, mas mukhang matanda ito ng kaunti saakin, base sa bulto ng katawan niya.
"Mukha pa kaming wirdo kasi baguhan ka palang dito. Di bale magpapakilala kami sayo." Sabi niya saka hinila sa tabi niya yung lalaking nasa gilid ko at ang nanghingi ng tubig sa mga pulis
Magkakaparehas ang bulto ng katawan nila, hindi payat at hindi masyadong maskulado. Maayos ang mga itsura at masasabi kong sila ang pinakabata sa seldang ito, bago pa ako dumating
Wala akong balak pakinggan sila, masyado pang bago saakin ang mga nangyayari. Masyado pang masakit ang mga sugat sa puso ko
"Eto si Demitri, nakulong dahil kasama sa iligal na pagbebenta ng produktong imported sa ibang bansa. Triplihin ba naman ng gago ang presyo ng produkto ng ibenta nila 'yon sa mga mall at lokal na merkado?" Natatawang saad ng taong nag-ngangalang Zandro habang sinusuntok sa braso ang si Demitri
Iritang tinulak ni Demitri si Zandro at hinagod nito pataas ang nagkalat na buhok sa mukha
"Siraulo." Natatawang kumento ni Demitri at binigyang pansin ang nanahimik na lalaki sa gilid ko
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mistero / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...