Tulala kong tiningnan ang pagkain sa harap. Paborito kong ulam ang Calderetang Baka ngunit hindi ko magawang galawin 'yon ngayon
Siniko ako ni Zandro na katabi ko lang
"Kain, bata!" Sipat nito. Puno ang bunganga at mistulang may kaagaw sa kainan sa sobrang bilis ng pag kain nito
Pagkatapos kong marinig 'yon kina Argael ay nawala ako sa katinuan. Hindi ma proseso ng utak ko ang narinig na balita.
Hindi ko kinayang intindihin
Tumayo ako at nanatiling titig sa kawalan. Ramdam ko ang mga titig saakin nina Argael at patuloy lang sa pag-iyak si Pamela noong mga oras na 'yon
Pagod ko silang tiningnan at kahit hindi pa tapos ang oras ng pagbisita ay nagpaalam na ako sa kanilang aalis na ako.
"Marco!" Tawag saakin ni Ruan
Huminto ako habang nanatiling tikom. Ayaw kong humarap sa kanila, ayaw kong gumawa ng galaw na magiging dahilan ng pagtulo ng luha saaking mga mata
"Paano ang mama mo?" Tanong ni Vaughn
Bumuntong hininga ako "Wala na akong magagawa." Pagsisinungaling ko.
"What?! We can do everything to save her!" Bulalas ni Pamela.
Narinig ko ang pagtayo niya at ang mga yabag ng paa niya sa likod ko
Palihim akong napamura, tahimik na pinagdadasal na huwag sana silang lumapit saakin.
Tumingala ako, nagbabakasakaling bumalik ang mga luha sa loob ngunit bigo ako nang lumabas ang mga 'yon habang nasa gilid ko na sila
Niyugyog ako ni Pamela habang sinasabing pwede pang iligtas si mama, na pwede pang magawan ng paraan, na gagawin nila ang lahat huwag lang syang mamatay.
"Marchosias!" Malamig na utas ni Argael "Nawala si Elisa sa buhay mo pero hindi ibig-sabihin noon ay katapusan mo na rin! Paano ang tanging pamilya mo, ha?!" Bulalas niya
Sinampal ako ng katotohanan. Masakit pero tinanggap ko 'yon, ngunit kahit anong pilit kong gawing motibasyon si mama, hinding hindi na yata ako makakaahon sa nararamdaman ko
Hinarap ko sila at isa-isang tiningnan. Umiling ako at bahagyang ngumiti, tanda ng pagsuko.
"Gawin niyo ang lahat para maging maayos si mama." Tinalikuran ko sila "Pagkatapos nito, wala na ulit kayong maririnig tungkol sakin."
Siniko ako ni Demetri, ngumuso siya sa pagkain ko kaya bumalik ako sa realidad
"Pag hindi mo kinain yan kukunin ko yan!" Pagbabanta niya
"Patay gutom." Patuyang sabi ni Oscar
Hindi ako umimik. Sinimulan ko ng kumain ngunit isang subo ko palang nasuka na ako
Nahimigan ko ang katahimikan sa mesa namin. Nag-angat ako ng tingin at napansin ko ang mapanuring titig sa mga mata nila
"May problema ka." Saad ni Zandro. Ni hindi 'yon tanong
Mabigat ang titig niya saakin, mistulang nanunuri at naninimbang, saka binitawan ang kubyertos na hawak niya bago tuluyuang ituon saakin ang kanyang atensyon
"Ano 'yon sayo--" Pinutol niya ang sasabihin ko
"Gusto mo bang makatakas dito?" Nakangisi niyang saad
Napansin ko ang gulat na mukha nina Demitri at Oscar na natigil sa kain
"Z-Zandro, anong binabalak mo?" Mariing bulong ni Demitri habang aligaga at palihim na tumitingin sa paligid
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...