Chapter 28: Hypocrite

1.4K 71 20
                                    

Trigger warning: Offensive contents ahead. 

"Bakit narito ka sa lamay ni Vaughn?" 

Tumigas ang tindig ng tayo ng Ruan, kunot ang noo nito at malalaman kaagad sa kislap ng kanyang mga mata na hindi niya ako gustong makita

Ano pang ikinigagalit niya kung parehas kami ng nararamdaman sa isa't-isa? 

Ang pag daplis ng gulat sa aking sistema ang naging dahilan kung bakit  bahagya akong nagtaas ng kilay kasabay ng pag-awang ng aking bibig. Hindi ko inaasahan ang ipinakita nitong tapang, ibang-iba sa takot at pagkagulat na inilahad ni Vaughn noong huli naming pagkikita

Naningkit ang mga mata ko nang makabawi sa gulat

"Bakit?" Umangat ang gilid ng aking labi "Hindi ba ako puwedeng pumunta? Kaibigan niyo rin ako." 

Nakita ko kung paano niya niyukom ang kamao niya, nagpaulan ito ng matitinik na talim sa akin

"Hindi ka kaibigan Marchosias! Demonyo ka!" Nanggagalaiti niyang sabi

Humalakhak ako sa kabila ng panginginig niya sa galit. Hindi ko akalain na sakanya pa manggagaling ang mga salitang 'yan

Ngunit dahil doon, nabigyan ako ng kaalamang babaunin ko sa mga susunod pang mga taon

"Napakawalang-hiya ng ginawa mo kay Vaughn at kay Tito Felix! Paano mo binaboy ang pagkatao nila? Paano mo nakayanang harapin kami at pumunta sa lamay ng pinatay mo?" 

Galit na galit ang kanyang mga mata, nanlalaki ang butas ng kanyang ilong dahil sa sunod-sunod at mabibilis na paghinga 

Tumango ako, humahalakhak pa rin sa kabila na ibinato niyang galit sa akin

"Paano mo nakayanang harapin ako?" Pinunasan ko ang munting luha sa gilid ng aking mga mata galing sa matinding katuwaan

Umayos ako ng tayo at diretso siyang tiningnan. Wala nang bahid ng kung anong emosyon ang mukha ko

Tinapon niya ang hawak na sigarilyo at dinuraan iyon. 

Bahagya akong napatingin sa sigarilyong patuloy sa pag-usok, patuloy na nagbabaga, naghihintay na lamang maubos at mawalan ng upos sa kabila ng natamong dumi nito

Nakakatawang ikumpara ang sarili sa isang bagay, ngunit hindi maitatangging kaya nitong ihalintulad ang katayuan at damdamin ng tao sa mundong ginagalawan nito

"Simple lang, kasi demonyo ka rin, gaya ko." Saad ko nang hindi sumagot si Ruan sa tanong ko 

"Nakakasuka ka." Nagtiim bagang ito at akmang susugod sa akin, ang kanyang kamao ay nasa ere ngunit mabilis ko siyang pinigilan gamit sa mga salita ko

"Nakakasuka rin ang pag gapang ng kamay mo sa iba't-ibang parte ng katawan ni Elisa." 

Kumurap-kurap siya at huminto sa kalagitnaan ng kanyang pagsugod. Nanlaki ng bahagya ang kanyang mga mata at umawang ang kanyang bibig

"Iyong magaspang na haplos sa kanyang pagkababae kumusta naman?" 

Kinikilabutan ako. 

Tinitiis ko ang saksak sa akin ng mga salitang sa bibig ko mismo nanggaling 

"Hmmm, paano naman 'yong sarap na sarap ka sa ginagawa mo habang unti-unti niyong pinapatay ang kaluluwa't pagkababae ng mahal ko?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Ngunit taliwas noon ang boses kong binuo ng mapaglarong tinig

Namataan ko kung paano nilunok ni Ruan ang malaking bara sa kanyang lalamunan. 

Umigting ang kanyang panga habang taimtim kong pinanuod kung paano umangat ang gilid ng kanyang labi pagkatapos

Blood For SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon