Mariin akong pumikit nang matanto ko ang lahat. Bagamat nadismaya man ako sa kaisipang hindi sa akin nakipagtulungan si Callix upang mahuli ang dapat mahuli, kaagad akong nakausad sa negatibong pakiramdam
Sa simula palang dapat ay hindi na ako nagtiwala sa kahit sino. Sa sarili ko lamang.
"H-He did this?" Ang takot at bahagyang gulat ay humalo sa boses na iginawad ni Ara kay Callix nang mamataan nito ang bangkay ni Ruan sa hindi kalayuan
Hindi sumagot si Callix
Sa simula palang dapat ay pinaniwalaan ko na ang sinasabi ng isip ko na mahirap basahin ang isip ni Callix. Ebidensya na ang mga larawan ko at ni Elisa sa kanyang silid na hindi ko alam kung para saan, ang birth certificate na patunay na isa siyang Esdrelon, at ang biglaang pagkawala ng kanyang mga katulong
Ang tanging pinanghahawakan ko nalang ang pag-asang makulong si Argael sa tulong niya ngunit dito palang ay alam kong bigo ako sa pagtitiwala sa kanya
"Callixto, tell me, ginawa ba ito ni Marco?!" Ani Ara sa mas matapang ngunit garal na boses
"Of course he did this! Sino pa ba, Ara? Sino pa ba ang prime suspect na dapat nating hulihin?!" Iritasyon muli ang bumalot sa biglaang bulalas nito
Kaagad nanginig ang kalamanan ko. Malamang hindi iinit ang pendant ko dahil hindi naman siya kasama sa paghahalay kay Elisa. Wala nang rason para patayin o saktan siya sa mga oras na ito
Sa mga oras ring ito, kailangan ko nang makapunta sa tagpuang sinasabi ni Matilda
"Come out." Ang boses ni Callix ay mistulang nag-uutos sa isang tauhan at hindi ko gusto 'yon
Maingay ang buntong hininga nito "Lumabas ka riyan, Marco." Malamig na saad niya nang hindi na niya napigilan ang pagkawala ng pasensya
Nagsalubong ang kilay ko habang ang kamay ko naman ay mariing kinapitan ang karambit na dala. Humakbang ako papalabas upang ibunyag ang sarili ko sa kanila
Umawang ang bibig ni Arabella nang suminghap ito sa oras na namataan niya ako. Prente ang posisyon ni Callix taliwas sa malamig at matalim niyang tingin sa akin, iba sa kinasanayan kong makita
Bumagsak ang mga mata nila sa duguan kong kamay
Nanginginig ang mga matang itinaas-baba ni Ara ang paningin sa kamay at mukha ko. Samantalang bahagyang nagtaas ng kilay si Callixto, tila alam at kabisado ang ritwal at estilong nakagawian ko
Hindi nagpatalo ang mabibigat at matatalim kong titig sa kanya. Kung hindi lamang dumaing sa sakit si Argael ay hindi bibitaw si Callix sa pagsusukatan namin ng tingin
Nilingon ni Callix sa likuran si Ara
"It's time to call for medics, dalian mo." Utos nito
Nagtagal pa ang paglingon nito kay Ara. Hindi naman nakatakas sa akin ang pagtatagal rin ng tingin at pagkalito ni Ara sa kaibigan. Sa bahagyang paglihis ng titig ni Ara sa akin ay na ko agad ang mga nangyayari
"Hindi ka aalis. Walang tatawag ng tulong o ng pulis." Mas mariing bulalas ko
Natigilan roon si Callix at dahan-dahang bumaling sa gawi ko. Nakangisi ito at bahayang umiling
"Alright, if that's what you wanted."
Nagsa-walang kibo si Ara at kaagad na dinaluhan si Argael na ngayo'y hirap na sa kung ano ang sakit na nararamdaman sa parte kung saan ko siya sinaksak
"I know you had few questions on your mind. Siguro rin ay alam mo na ang kalakarang nangyayari between me and Argael." Humalukipkip si Callix at tuluyang hinarap ako para sa isang siryosong usapan
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Misterio / Suspenso[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...